Chapter 16 ~Breakfast with him

106 82 10
                                    



“Good morning, sleepy heads.” Isang anyo’ng tao ang bumati kay Mairi pagbungad niya ng kusina. Kaya pala may naamoy siya’ng masarap dahil may nagluluto sa loob ng bahay niya. Akala niya sa kapitbahay lang. He greeted her while putting two empty plates in the table. Mayroon na rin nakahain na kanin at ulam. He is so handsome wearing the pink apron. Mairi laughed and smiled.

“Wtf! Nananaginip pa ako!.” Nagulat si Mairi sa nakita. Napaatras siya at nayakap ang sarili sabay takbo pabalik ng kanyang kwarto. Wala siya’ng suot na bra, tanging malaking shirt lang ang suot niya at panty, buti mahaba ito kaya hindi kita ang hita niya. Nang-iinit ang mukha ng dalaga habang nagsusuot ng shorts at bra.

“Ano ba’ng ginagawa niya sa bahay ko.” Nagmamaktol si Mairi habang kinakausap ang salamin at sinisipat ang sarili, bigla tuloy naging self-conscious siya. Kailangan niya magtoothbrush at maghilamos kaya kumuha siya ng towel at lumabas ng kwarto.

Zeljko take a glance on her while in hurried going to the bathroom, he can’t take himself but to smile. Alam niya na nagulat si Mairi at nahiya ito sa kanya. Finally his dream came true ang makita ang dalaga sa umaga, wala naman nagbago. Maganda pa rin si Mairi. Natatawa lang siya sa itsura nito kanina habang humikab at kumakamot sa ulo. She's absolutely fantastic in the morning.

A few minutes later. Lumabas si Mairi na nagpupunas ng mukha at braso. Nakapag-ayos na ng sarili, nakapagsuklay na rin. Nakapamewang ito na lumapit sa mesa. “What are you doing in my kitchen?.” Taas kilay na tanong nito kay Zeljko.

“Cooking for breakfast? Gutom na ako e’ tanghali ka pala nagigising tuwing linggo.” He replied habang nagsasalin ng mainit na tubig sa tasa.

“What I mean is. Bakit ka nandito? Diba sabi ko pagkatapos mo magkape umuwi ka na and lock the door.” Sabi niya habang pinapasadahan ang nasa mesa. A rice, pork tocino and fried egg. Bigla tuloy kumalam ang tiyan niya. Buti hindi malakas dahil mapapahiya ulit siya.

“I lock the door.” He shortly replied.

“Seriously, hindi ako nakikipagbiruan.” Walang emosyon na sambit ni Mairi.

“I’m sorry. It’s around 2 a.m na’ng matapos ko ang iniinom ko’ng kape. Tinamad na ako magdrive. I’m doze off kaya kinuha ko na lang ang kumot ko sa sasakyan at bumalik dito. Imus pa uuwian ko. Tapos mamaya papasok ako sa trabaho kaya makikiligo na lang ako.”  He explained. Naunawaan naman ni Mairi ang nais nito’ng ipahiwatig kaya hindi na lang siya umimik pa. Ibinaling na lang sa mga pagkain na nasa mesa ang atensyon niya.

“Let’s eat.” Excited na saad ni Zeljko.

“Wala naman ako’ng stocks na tocino and egg. Saan ka kumuha na'ng mga ’yan.? Mamaya pa ako’ng hapon mag-grocery e.” She questioning him.

“I’m an early bird kaya maaga ako’ng naghanap ng grocery store.” He stated at napansin niya pa ang nakapatong na ecobag na may laman sa ibabaw ng counter. Then she remembered Jurius. Same personality. How gentleman naman pero she's a little ashamed.

“And what’s that?.” Tinuro ni Mairi ng nguso niya ang ecobag na nasa counter.

“A grocery. Foods. It's yours.” He shortly replied.

“I feel shame. Please don’t do this again.” Nahihiya’ng pakiusap ni Mairi.

“It’s not all yours. I bought it because I’m so hungry. Not a big deal, h’wag ka nga mag-isip na’ng kung anu-ano, ’lika na kumain na tayo.” She couldn’t believe this is really happening, this is her first time na may naghihintay na sa kanya’ng pagkain pagkagising niya ng umaga.

“Thank you.” Nakatayo siya ng iabot sa kanya ni Zeljko ang kape. Inilapag niya sa mesa at kinuha ang isang upuan sa study table niya. Isa lang kase ang upuan sa hapag-kainan. Hindi nakakapagtaka dahil mag-isa lang naman siya sa buhay.

My Sorority Girl (COMPLETED) Soon To Published Under Twinkle Dream PressWhere stories live. Discover now