chapter 2

0 0 0
                                    


Bibisita ako ngayong araw kina bonita. Ang kaibigan ko noong highschool. May reunion kaming dating magkaklase.

Sabado ngayon at magkikita kami mamaya ni raven. Pero hapon pa daw siya pwede.

Masaya din ako ngayong araw dahil pumasa ako sa second choice ko. Okay na ako don at masaya din si Meg para sa akin.

Pumunta siya kagabi sa lugar namin para ibigay ang pagkain na binili niya para sa akin. Pero umalis din siya agad dahil hindi siya nakapag paalam sa magulang niya.

Agad ko silang niyakap nang makita sa dating paaralan. I missed them so much at gusto ko sanang kasama sila hanggang mamayang hapon pero may pupuntahan pa ako.

He said his time is precious kaya hindi pwedeng kanselahin dahil ayokong mas lumalim ang galit niya sa akin.

Nag usap kami at nagtawanan. Some of them took a pictures for us and posted it kaya hindi na ako nagtaka kalaunan nang nag chat si Meg sa akin.

Meg:

You're with your other friends? Hmm...

Sumandal ako sa aking mono block chair. Patuloy silang nag uusap at minsan ay nakikisali ako.

Nagseselos ba siya? Hindi na ako magtataka dahil talagang selosa si Meghan. Ayos lang din naman sa akin dahil sanay na ako.

Madali lang din siyang suyuin at kalaunan ay papansinin na ako. Nakasanayan ko na tuwing galit siya kaya hindi na ako masyadong nag iisip don.

Rei:

Uh, yes. How about you? What are you doing, Meg?

Mabilis siyang nag reply.

Meg:

Wow.. why are you still replying? I'm sure you're having fun with them. :)

Rei:

Yup! Reunion namin at ngayon lang ulit nagkita at nagka usap.

Hindi na siya nag reply. Binukas ko ang convo namin ni Raven. May message siya kagabi at ngayon ko lang nabasa.

Hindi ko alam kung online siya dahil naka off ang status niya. But still, i typed para mag reply dahil 1 p.m and usapan namin para mamaya.

Raven Gaile Aguilar:

I don't like McDonalds anymore. Let's go on other restaurants. Huwag na doon.

'yon lang at hindi na nasundan.

Ngumuso ako at nag isip. Saang restaurant naman kami? Baka dalhin niya ako sa mamahalin, ah? Isang libo lang ang pera ko ngayon na dala.

Rei-Rei Samaniego:

Alright..

Pinatay ko na ang aking cellphone at nagpaalam sa kaibigan. Inaya nila akong ihahatid nila ako hanggang sa robinson kaya pumayag na ako para iwas gastos sa pamasahe.

I kissed them goodbye. Kumaway ako hanggang sa lumayo na ang van.

Naglakad ako palapit sa Robinson. Dito ang napag usapan namin kagabi na magkikita. Pero hindi ko pa nalilibot ang tingin ay agad ko siya nakita sa gitna ng maraming tao.

Naka krus ang kanyang mga braso at nakasandal sa itim na mamahaling kotse.

I gulped. Lumapit ako sa kanya ngunit napansin ko ang lalim ng titig niya sa akin. Para bang kanina niya pa akong nakita kaya hindi na siya nagulat nang nagtagpo ang mga mata namin.

There's something about the way he stares. Masyado seryoso dahil sa lalim ng mata niya.

I smiled at him nang nakalapit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Hidden TruthsWhere stories live. Discover now