Chapter 110: Royals Against Wolves I

Start from the beginning
                                    

Dash.

Mabilis akong tumakbo sa dalawang miyembro ng Battle Cry na namataan ko. Azuran (Renshi) and Gauntlet looked surprise as they saw me dashing towards their direction.

"Azuran, likod!" Sigaw ni Gauntlet at mabilis hinawi si Azuran papunta sa kaniyang likod. Using his sword, he blocked my attack at mabilis akong tumalon paatras para maiwasan ang ginawa niyang pag-atake.

Lumingon ako kay ShadowChaser. "Juancho, ngayon na!" Sigaw ko.

"Electric Spark!" Sigaw ni Juancho. May isang malakas na kidlat ang gumuhit mula sa kalangitan pabagsak sa direksyon nila Azuran. Malakas na pagsabog ang dumagundong sa buong paligid at malakas na hangin ang dumadampi sa aking balat dahil sa lakas ng pagsabog.

Iniharang ko ang aking braso sa aking mata at pinilit aninagin ang direksyon nila Azuran. Makapal na usok ang bumalot sa buong paligid.

"Nagawa natin, Capta—"

"Shh... don't let your guard down!" Pagputol ko sa sinasabi ni ShadowChaser at hinigpitan ang kapit ko sa wakizashi sword ko kung sakaling may biglaang pag-atake man na maganap. "Walang announcement na may na-eliminate sa laro. Buhay pa sila."

Unti-unting nawala ang makapal na usok hanggang may puting bilog na liwanag ang bumabalot kanila Gauntlet at Azuran. Azuran casted a magic shield para ma-lessen ang damage na ginawa ni ShadowChaser.

"You almost got me there, ha," Azuran smirked at nawala ang barrier na umiikot sa kanila.

"Kami naman." Mabilis na tumatakbo si Gauntlet tungo sa direksyon ko.

"Garugar Sword!" Nabalutan ng asul na liwanag ang espada ni Gauntlet. At this moment, ramdam ko 'yong pressure pero at the same time ay masaya ako na kalaban ko ang Battle Cry. It feels like I am reunited with my old comrades.

"Nice try." Sabi ko at mabilis na umatras.

Nabigla ako noong biglang huminto si Gauntlet sa pag-atake. He cancelled his skill. Using his left hand ay dali-dali niya akong kinuwelyuhan, binuhat papaangat, at ibinagsak sa lupa.

Ramdam mo ang sakit sa likod ko pero hindi nawawala ang tingin ko sa kalaban. Wow, he just cancelled his skill to do different move. Akmang itutusok ni Gauntlet ang talim ng espada niya sa akin. I rolled over at may sunod-sunod na fireball ang muntik tumama kay Gauntlet. He numped backward dahilan para magkaroon ng space sa pagitan namin.

ShadowChaser casted a spell para saglit akong makapagpahinga. "Ingat, Captain." He said.

"Salamat." Sagot ko.

[Orient Crown] Knightmare: Narinig ko 'yong pagsabog mula sa Rural area. On the way na mga zer.

"Ba-back-up-an na tayo ni Noah, should we do another move?" ShadowChaser asked.

Pinunasan ko ang dugo mula sa gilid ng labi ko. "Hindi, paniguradong may backup din na paparating ang Battle Cry. Hindi pa nagre-retreat sila Azuran, ibig sabihin lang nito ay nagba-buytime lang din sila." Paliwanag ko kay Shadowchaser.

Matagal din akong nasa Battle Cry at may isang bagay akong natutunan sa laro nila. They will not risk anything for dangerous move. They always make sure the safety of each member kung kaya't alam kong may backup na paparating sila Azuran. Maybe, sila Anonymouse ang papunta rito.

"Back na tayo. Sasabihan ko si Knightmare (Noah) na huwag nang pumunta rito." I stepped back. "Create a fog."

Akmang magka-cast ng spell si Shadow ngunit mabilis itong napigilan ni Azuran. "Phoenix!" He casted spell at mula sa kaniyang wand ay may apoy na lumabas mula rito na naghugis na malaking ibon. Ang init na dala nito ay nakaapekto sa paligid dahil ang mga dahon na nadadaanan nito ay biglang nasusunog.

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now