"Iyong Adore You ng iKON-"


"Kantahin mo nga! Dali naaa!" Niyugyog ko ang balikat nito para pilitin siyang kumanta.


Naalala ko kase si Alexis hilig niya ring kantahin iyan eh. Biruin mo iyon.


"A-aray! Ar-- oo na oo na! Kakanta na, nahihilo na ako!" Reklamo nito kaya nahihiya akong tinigilan ito.


Umayos ito ng upo. Halatang hirap na hirap ito sa puwesto niya dahil nakayakap sakaniya si Jade. Kanina pa tulog ang babaeng iyan.


"Saragamyeo naega neol manna manheun gieogeul namgigo
Gakkawojilsurok saeeo naoneun nae jinsimeul samkigo
Taoreuneun bulkkocci swipge kkeojyeobeoril geol algie
Uri jeil joheul ttaein jigeum idaero namaisseoyo"


Napapikit ako dahil sa ganda ng boses nito. Mukhang sanay na sanay na siya kumanta ng ganito, dahil fluent talaga siya.


"Nae saenge ilhgo sipji anheun
Geureon saram geudaeneun eotteongayo

Na sasil geudaega barabomyeon
Ip majchugo sipeunde"


Napangiti ako dahil naiimagine ko ang boses ni Alexis na kinakanta ulit iyan saakin.


"Geudae naege gwaenchanheun saramieyo
Geureoni deoneun dagaoji marayo
Geudae orae bogopeun saramieyo oh oh
Uri idaero geunyang meomulleoyo"



Kung nabubuhay kaya ang girlfriend niya? Hindi siguro siya nalulungkot ngayon. Kahit na naging madaldal at palangiti siya nitong nagdaang araw, ramdam ko parin ang sakit na nararamdaman nito.


"Sasil johahaeyo
Naega manhi johahaeyo
Ireon nae mam sumgil su issge
Maleopsi anajwoyo"


Napatingin ako sa katabi ko dahil biglang ibang boses naman na ang narinig ko.


Si Jade na pala ang kumakanta.   "Nakalimutan kong sabihin na paborito rin pala ni Jade ang kantang iyon" natatawang paliwanag nito kaya napangiwi ako.


"Payag ba kayo na kayo ang pinakamayaman sa buong mundo?" Tanong ng kagigising na bata.


"Malamang gorl, sino ang hindi papayag sa ganon?" Iritang sabi ko rito.

Minsan talaga walang common sense ang batang ito, ang sarap ihagis. Kung hindi lang kami maglapareho ng pisngi talagang hahagis ko to sa ilog.

"Pero hindi kayo pwedeng bumili" dagdag nito. Kaya agad na umusbong ang inis na nararamdaman ko, boset talaga  ang babaeng ito eh.


"What if, palagi tayong nagpipray. Pero hindi tayo naiintindihan ni Jesus kase taga Jerusalem siya." Hirit muli nito.


Please lang, patawarin niyo ako kung masakal ko ang batang katabi ko ngayon.



"Tanga. Sa Pilipinas ka kase manalangin, wag sa Jerusalem" wika ni Liliana kaya nakagat ko ang ibabang labi ko para pigilan ang tawa ko.



"Hala, oo nga pala no? Hindi ko naisip agad iyon."


Tangina, hindi ko alam na may ganitong side si Liliana. Para akong natatae dahil sa pagpigil ko ng tawa.

-


Alas sais na ng gabi kami nakarating dito sa Baguio. Rito kami sa bahay nila Jade tumuloy dahil iyon ang pinakamalapit.


Med'yo malayo-layo pa raw kase ang bahay nila Liliana. Baka aabutin pa kami ng alas otso dahil na rin sa traffic.


"Huwag kayong mahiya, kumain lang kayo. Maraming pagkain diyan." Wika ng mama la ni Jade kaya tumango kami rito.


Kanina niya pa kami pinapakain, halos busog na busog na nga ako eh.


"Jade, ikaw na bahala sa mga bisita mo. Kailangan ko na bumalik sa Hospital." Wika nito kaya agad tumango si Jade rito.


Nagpaalam na itong umalis kaya nagbless kami rito at sinabihan itong mag ingat.


"Nag alarm na ako ng 6 A.M. para maaga natin siyang madalaw. Tapos non ay mamamasyal naman tayo ng hapon." Paliwanag ni Liliana.


Kinuha ko rito ang alarm clock para icheck kung 6 A.M. nga ba talaga ang naiset niya. Binalik ko na sakaniya ang alarm clock, bakas sa mukha nito ang pagkalito.


"Chineck ko lang, baka 6 P.M. kase na set mo" paliwanag ko rito dahilan para matawa kaming tatlo.


Nagkuwentuhan, nagkulitan at naglaro kami. Hanggang sa napag pasiyahan na naming matulog dahil maaga pa kami aalis bukas

𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now