"Ganun ba? Saang bar?" Pagkasabi ng lalaking kausap niya kung saang bar nasaan si Miguel ay agad niya itong pinuntahan. Narating naman agad niya ang naturang bar.

Pagpasok niya sa establisyemento agad naman niyang nakita si Miguel na nasa counter at nakasubsob ang mukha nito sa counter. Agad niya itong nilapitan.

"Miguel, Miguel!" Niyugyog niya ito sa balikat. Umangat naman ito ng ulo. Naniningkit itong tumingin sakanya.

"Cassy" Sambit nito at muling sinubsob ang mukha.

"Miguel halika na. Ihahatid na kita. " Pinilipit niya itong itinayo. Umakbay naman ito sakanya at tinulungan din siya ng isang waiter. Inalalayan nila ito hanggang sa marating nila ang sasakyan niya. Pinapasok niya si Miguel sa passenger seat at kinabit niya ang seat belt dito.

"Cassy" Tumingin si Andra kay Miguel habang nakayukod parin siya dito ng marinig niya ang mahinang tawag nito sakanya. Nakatitig naman si Miguel sakanya na namumungay ang mga mata.

"Ihahatid na kita. Pasaway ka!" Saka niya sinara ang pinto at agad ding sumakay ng kotse. Habang nasa daan sila may tumawag uli sakanya at agad niya itong tinignan. Agad niya itong sinagot ng makita ang pangalan ni Iñigo sa screen ng cellphone niya.

"Iñigo"

"Nasa office ka pa ba? Daanan kita."

"Pupunta ako sa place ni Miguel."

"What? Why?" palatak ni Iñigo. Pinaliwanag niya naman dito ang lahat.

"Puntahan mo nalang ako sa condo ni Miguel. Doon kita antayin." Nag-okay lang ito at pinatay na niya ang tawag. Naiintindihan na rin ni Iñigo ang pagiging malapit nila ni Miguel. Maswerte siya kay Iñigo dahil maunawain ito. Pero may mga time na nagseselos parin ito kay Miguel. But she assured him that there's nothing to be jealous.

Narating nila ang condo nito at halos nangangalay na ang balikat niya dahil sa bigat ni Miguel.

Agad niyang binuksan ang unit nito gamit ang key card na kinuha pa niya mula sa wallet nito. Kinapa niya ang switch ng ilaw sa gilid ng pinto bago niya dinala si Miguel sa sofa.

"Pambihira ka Miguel ang bigat mo. Iinom-inom ka hindi mo naman kaya." Pinaupo niya ito sa sofa at pabagsak itong napahiga kaya kasabay siyang bumagsak sa ibabaw ni Miguel.

"Haist! Pambihira naman. Miguel bitaw nga." Sa halip na bitawan siya nito ay lalo pa siyang niyakap. Bahagyang dumilat si Miguel at marahang hinaplos ang pisngi ni Andra.

"I love you, Cassy." Paanas nitong sambit. Natigilan si Andra at napatitig kay Miguel. Parang may humaplos sa kanyang puso sa narinig mula dito. Pakiramdam niya ngayon nagkakaganito si Miguel dahil sa kanya.

Pero imposible rin naman dahil malinaw na dito ang lahat na impossible talaga sila. Lumuwag ang pagkakayakap sakanya ni Miguel. mukhang nakatulog na ito.

Tumayo siya at nagpunta ng kusina para kumuha ng maligamgam na tubig na ipamumunas niya kay Miguel. Pagkatapos I-prepare ang tubig ay nagtungo naman siya sa kwarto nito at kumuha ng face towel.

Lumabas siya ng kwarto at kinuha ang tubig tsaka umupo sa gilid ni Miguel. Sinimulan niya itong punasan. Natigil siya ginagawa niya ng may mag-door-bell.

"Si Iñigo na siguro yan." Anas niya at tumayo. Agad siyang nagtungo sa pinto at binuksan ito. Napangiti siya ng si Iñigo nga ang nabungaran niya.

"Pasok ka muna." Humalik ito sakanya saka pumasok. pinaupo niya muna ito.

"Ano bang nangyari diyan?" Tanong ni Iñigo at umupo.

Slept with a Stranger #Wattys2015Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang