The Beginning

27.4K 648 86
                                    

"Professor Vice.. Ang pogi niya ha. In fairness." ngumiti na lang ako at inayos ang sarili ko dahil dumating na ang professor namin.


Wait..


Siya 'to di ba?!


----------


At muli'y bigla na namang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Hindi na niya alam kung bakit niya yun nararamdaman dahil ang alam lang niya ay professor niya ang kaharap niya ngayon.


"Good morning class." bumalik naman si Karylle sa sarili niya nang marinig ang boses ng guro. Kinuha niya ang kanyang panyo sa bulsa niya dahil pinagpawisan rin siya ng todo. "..so today we wont be discussing about our lessons yet, instead we...." napatigil naman ito sa kanyang sinabi nang nagtagpo ang mga mata nila ni Karylle.


She looked away pero si Vice naman napayuko at pasimpleng ngumiti. Umiling siya at muling kinausap ang klase niya.


"Anyway, we'll be talking about our main goals for this semester and all the lessons that we would be discussing. Before that, we need to do get to know each other. So one by one I need you to stand up and tell the class something about yourself." tinuro naman niya ang isang estudyante sa first row at agad din itong nagpakilala.

Matulin na nakikinig si Vice sa kanyang estudyante habang si Karylle naman sa likod ay sobrang kabado dahil unang beses niyang gagawin to sa kanyang bagong paaralan.

He just kept on nodding his head while listening to his students and he was really interested to get to know each of them. Lalo na nung nasa huling row na sila ng mga upuan..


"Uhm, miss?" said Vice while looking at Karylle. "Your turn. Can you introduce yourself please?" it was very obvious na kabado siya kaya naman dahan-dahan lang siyang tumayo at humarap sa mga kaklase. Everyone turned their backs to listen to her dahil alam nilang bago siya sa paaralan.


"Ah.. I'm.. My name is Ana Karylle Tatlonghari. I'm a transferee and i'm looking forward to get to know you guys more as we share this semester together. Thank you." umupo naman siya at kinabahan nang makitang nakapoker-face lang ang prof niya.

"I see.. Miss Tatlonghari."

"Po?"

"Nothing.. Anyway guys, please get your books and open the table of contents." utos nito at sabay rin naman silang lahat na kinuha ang mga libro nila.


Tumayo naman si Vice sa kinauupuan niya para makapagdiscuss ng maayos sa klase niya. Isa sa mga goals ng klase ay ang makapasa sa subject nilang Politics and Governance. Alam naman kasi nilang lahat kung gaano ka strikto si Professor Vice kaya lahat ay kabado din. As he started to talk about their lessons, ay unti-unti naman silang nawawalan ng interes, pero dahil sa takot ay kailangan pa rin nilang makinig.

He continued to steal glances at Karylle which made her feel uncomfortable the whole time.


"Ang weirdo nito. Kanina pa pasulyap-sulyap sakin. Nakakabokot na ha." she whispered to herself.

"Ganyan lang talaga si Prof. Gusto niya lang focused lagi mga estudyante niya." napalingon naman siya sa katabi at hindi makapaniwalang may nakarinig pala sa sinabi niya. "Oh, hi again. I'm Marian nga pala." inabot naman nito ang kamay niya at napangiti naman si Karylle.


-----------


From: Anne


Wait for me! I'm on my way sa room niyo :-D


Karylle decided to take a seat muna nang isa-isa namang nagsilabasan ang mga kaklase niya. She kept on looking at her phone pero wala naman siyang ginagawa. Sadyang ayaw niya lang talaga pansinin ang professor niyang nasa teacher's desk parin hanggang ngayon.


"Baka matunaw ang phone mo sa kakatitig mo Miss Tatlonghari." Karylle looked up and she was surprised to see him in front of her. She hid her phone right away sa bulsa niya at napahiya naman siya sa ginawa niya.

"You're weird." he shook his head and left the room. While she was left covering her whole face. "Anne kasi eh! Nasan ka na ba!!!"


After 5 minutes ay dumating na din si Anne na hingal na hingal pa.


Karylle stood up. "At saan ka naman galing? Kanina pa kita hinihintay dito ah." pagrereklamo niya.

"Sorry na. Ang layo kaya ng room mo sa kwarto namin! Tara na nga!" hinila naman ni Anne ang braso niya kaya mabilis din siyang nakaalis. "So how was your first class? Awkward ba? May friends ka na ba? Sinong prof mo?"


Napatigil naman si K sa paglalakad dahil sa sobrang daming tanong ni Anne.


"Take it easy!!" pareho naman silang natawa. She fixed her hair and started remembering everything. "Okay so it was fine naman. We just had introductions and stuff. And I met this girl named Marian."

"Marian?"

"Yeah. Marian Rivera?"

"Ah!! Si Mars! Girlfriend nung Dingdong. Oo.. O tapos?" she was speechless because she couldn't believe na sobrang daming alam ni Anne tungkol sa school nila.

Karylle started breathing heavily nung maalala niya na naman ang scene kanina...

"Yung nabangga natin. Siya ang professor ko." nanlaki naman ang mata ni Anne sabay takip nito sa bibig nang marinig ang sabi ng kaibigan. "You look so surprised. Bakit ano ba meron?"

"Seryoso? OMG girl!!! Mag-aral ka ng mabuti ha!" Karylle just giggled and shook her head. "Alam mo namang wala akong ibang ginagawa kundi mag-aral. Trust me I can handle this naman."


"Anne?" She wanted to ask another question yet something is pulling her tongue back na hindi siya makapagsalita ng maayos.

"Yes, K?"

She closed her eyes dahil hindi niya alam kung ano ang magiging reaction ng kaibigan. "Bakla ba s-"


"Sinong bakla?"


Sabay naman silang napalingon at ikinagulat naman ni Karylle ang kanyang nakita.


"Professor Vice.." she nervously said habang nakatitig sa kanya ngayon ang guro.

"CR lang ako, Anne." mabilis din naman siyang lumiko sa kaliwa kung saan saktong may CR naman. Naiwan naman si Anne ngayon na kausap ang isa sa mga kinatatakutang professor.

Umangat naman ang mga kilay nito. Halatang naghihintay ng sagot sa kanina pa niyang tanong. "Actually sir hindi ko alam ano sasabihin niya. May itatanong daw sana siya but then natigil nung nakita ka na namin." he just nodded and left her there while Karylle was sneeking sa pintuan ng banyo. Lumabas nalang siya nang makitang umalis na ang guro niya.

"Nakakaloka ka girl! Iniwan mo ko sa ere! Ano ba yung tanong mo?"

"Uhm. Wala wala. Tara na kain muna tayo nagugutom na ako." wala na ring nagawa si Anne kundi umoo dahil gutom na rin naman siya.



Pasensya sa maikling update. Naguupdate pa po ako for Pansamantala and Borrowed Time. Pigang piga na po utak ko kung ano mangyayari sa bawat istorya. Kaiyak. Labyu guys. Konting tiis. Babawi ako. =)) - nix

The Beki ProfessorWhere stories live. Discover now