CHAPTER 1

1 0 0
                                    

Alessia pov

"Good bye, Ella! See you next school year" kaway ko sa aking kaibigan habang naglalakad na kami sa magkabilang direksyon.

"babye, Ale! ano, text2 nalang?" Sigaw niya habang hinhintay niya na umilaw ang green light para makatawid na siya.

Tumango na lamang ako at ngumiti at ganun rin ang ginawa niya at tumawid na. Nagpatuloy na ako sa paglalakad pauwi habang hawak hawak ang sertipiko sa recognition day namin.

Grade 12 na ako next year, kunting tiis nalang.

Akala ko pa naman magiging maayos ang araw ko ngayon, akala ko walang mangyayaring hindi inaasahan pero nagkamali ako.

"You're nothing but a burden to us, Alessia! Isa ka lang pabigat dito sa bahay and you know what? Mabuti pang umalis ka na, maglaho ka sa mga paningin namin!" Ria screamed at my face while I was on the carpet, sobbing.

She rolled her eyes at me bago siya pumasok sa kwarto niya at sinara ng malakas ang pintuan.

Pagkatapos ng ilang minuto, tumayo na ako at pinagpagan ang short ko at pa-ulit ulit na pinapahid ang luha ko na hindi maubos-ubos.

It's been years... Ang pag-aabuso na na ginagawa sa akin dito sa bahay ay ilang taon na din. Maybe ate Ria was right, siguro panahon na para umalis at lisanin ang impyernong ito.

Impyerno dahil dito, araw araw akong pinaparusahan kahit pa wala naman akong kasalanan.

Pagkatahan ko ay dumiretso na ako sa kwarto at ang mga kamay ko ay dumiretso sa closet ko na para bang may mga sariling pag-iisip. Hindi ko namalayan na kinukuha ko na pala isa-isa ang mga damit ko at nilalatag sa higaan ko.

Ito na, there's no turning back... I'm already 18 years old at may sapat na naman akong pera...

Sapat na nga ba talaga?

Ilang beses ako napabuntong hininga nang napagtanto ko na baka sa pag alis ko ay saka ko marerealize na hindi ko pala kaya at yung naipon ko ay sapat lang para pakainin ako sa tatlong araw o isang linggo lang.

"ALESSIAAAA!"

Natauhan ako nang marinig ko ang sigaw ni auntie na alam ko ay nasa labas na ng kwarto ko at aakmang papasok na.

"ALESSIA! Kanina pa kita tinatawag, hindi ka ba nakikinig? Yung—" Natigilan siya nang makita niya ang mga damit ko at napangisi na para bang alam na niya ang mangyayari.

"So aalis ka? Buti naman at naisip mo na iyan" sabi niya at pumasok sa kwarto ko.

"Pero tandaan mo, kapag umalis ka, wala ka nang babalikan, Alessia" dagdag niya na parang tinatakot ako.

"Tsk, akala niya naman makakaya niya nang mag isa" pagpaparinig niya pa bago umalis.

Kahit kailan man tita Erren, hindi mo ako nagawang bigyan ng kahit maliit na awa sa tuwing pinaparusahan mo ako, hindi mo ako nabigyan ng kunting pagmamahal simula sa pagtapak ko dito sa pamamahay mo. hindi mo nagawang maging mabuting tao sa akin kaya kung akala mo natatakot ako sayo at magpapadala, hindi iyon mangyayari.

Gusto kong isumbat sa kanya yun pero hindi ko kaya dahil baka tama siya, baka hindi ko kaya kung ako lang ang mag isa.

Hila dito, hila doon

Paulit ulit ko itong ginagawa sa aking maleta hanggang umabot ako sa puntong napagod na ako at umupo na lamang sa may malapit na waiting shed.

"Saan ba talaga ako pupunta?" mahinang tanong ko sa sarili dahil sa totoo lang, hindi ko alam.

Ilang beses akong nag buntong hininga bago tumayo ulit at naglakad nang naglakad...

Sa gitna ng mga tao na kasabay ko, ang iba ay nagmamadali dahil rush hour at mayroong magpamilya na masayang naglalakad habang hawak ang kamay ng isa't isa at may iba kang makikita na parang sigurado na sa kanilang papatunguhan at ito ako, nandito na sa gitna nila, hindi alam ang gagawin sa buhay at hindi alam kung saan patungo.

Where would I go now?

She Got Away Where stories live. Discover now