Putangina. Kailangan ko ng back-up para tutulong sa akin. Gulong-gulo na ako. Kulang na lang ay lalabas na ang puso ko sa sobrang kabado ko. Gustong-gusto ko na makaalis rito. Ayaw ko na rito.

"S-S totoo lang ate-"

"Kissha, you here pala," masayang bati ng kasamahan ko. I turned to the source of that voice. I was very surprised to know whose voice it was.

Thank god, he saved me from the mess! Pero. . .

Magkilala sila? Paano sila nagkilala? Kailan pa? Bakit? Hindi ko alam. . .

"Hi, Faulkerson!" Bati ni Ate Kissha kay Kerson. Naglakad si Ate Kissha papunta sa p'westo ni Kerson. Tinignan ko lang si Ate kung paano yakapin si Kerson at tumugon naman si Kerson. Sobrang lawak pa ang kanilang ngiti sa isa't isa.

Kasama mo pa ako, Kerson. Sana malaman mo na. . . pinagmamasdan kita kung paano mo hagkan ang ate
ko. Wala naman ako nararamdaman ng iba pero. . . Respeto lang sana. Nandito ako sa likod nila.

"Nandito pa ako, Kerson," Bulong ko sa hangin. Tumingala ako at pinagmasdan silang dalawa habang magkayakapan sila. Halos lahat ng tao narito ay nasa kanila lang ang atensiyon nila.

Malungkot. Salitang mabilis bitawan, pero sagad ang sakit na nararamdaman ko. Sana malaman niya na nasa tabi niya lang ako. Sana kahit minsan. . . inisip niya rin na  pinapanood ko siya kung paano mo niya yakapin ang ate ko. Ate ko 'yun, eh.

"Buti, ganitong araw nandito ka?" Masayang tanong ni Ate Kissha kay Kerson. Inaayos kaagad ako ng tayo nang bigla tumingin si Kerson sa akin. Iniwasan ko naman iyon, yumuko.

"Hoy, Kiss! Pumasok ka na rito!" Sigaw naman ni Lima. Binalingan ko naman ang pinanggalingan ng boses na iyon.

Sobrang tangkad na niya pero isip bata pa rin.

"Mamaya ka sa akin, Lima!" Bulyaw naman ni Ate. "Buti nandito ka?"

Hinayaan ko lang sila. Hinayaan ko lang magusap nang magusap.
Mukhang sagabal ako sa kanila. Sobrang close nila sa isa't isa sapagkat kung paano niya akong tignan, ganu'n din kung paano niya tignan ang Ate ko.

"May sinabi lang ako importante sa mga unggoy na ito." Sagot naman ni Kerson, ngumiti ito ng nakakaloko.

My Ate sighed. "H'wag ako. Kahit importante 'yan o hindi, hindi ka pa rin pupunta. Unless kung. . ."

Mas lalo ako kinabahan dahil sa pabitin na sabi ni Ate. I don't know if she knows or what. What if they tell Ate that Kerson introduced me? What will Ate do to me? Baka gagawa na naman siya ng paraan para ipaglayo niya kaming dalawa.

Nagawa niya na 'yun noon, ngayon pa kaya.

Nangyari na sa akin. Nangyari ka iyon. Pinaubaya ko ang taong mahal ko noon. Pinaubaya ko sa kaniya dahil gusto niya ang taong mahal ko noon. Paano kung maulit muli?

"What?" Curious na tanong ni Kerson. "Ano na naman 'yan?"

Habang pinagmamasdan ko silang magusap ay bigla akong nagulat nang bigla niya ako binalingan ng tingin. Umiwas ako ng tingin para 'di makahalata si Ate na nandito pa ako. Sana makalimutan niya na nandito ako sa ngayon. Sana makalimutan niya na nakita niya ako.

Sana makalimutan niya na wala ako dito.

"Na. . . may pinakilala kang bagong babae, I guess," Ate smirked at him. Nandoon ang bakas na diin mula sa kaniya. "Kase ganu'n ka naman simula pa noon."

Pinakilala? Ako ba? Sino? Tila lahat nang nabanggit ni Ate Kissha ay napaisip tuloy ako lubos. Ganu'n ba talaga siya? Marami ba kami? Ako lang ba? Sabi niya sa akin ay wala siyang karelasyon. Nagsinulanging ba siya? Hirap magisip kung 'di mo talaga kilala ang taong nakakasama mo. Hirap. . . Mahirap kilalanin ang taong binigay muna ang lahat. Alam ko naman na isang laro lang sa amin ni Kerson ang ginagawa namin.

Whisper of Virtouso (Love Material Series #2)Where stories live. Discover now