what the!! hindi na ako magtataka kung Giant Flower ang tawag sa lugar na'to,sobrang laki nila at ang tataba, ngayon ko lang nalaman na may tinik pala ang mga bulaklak,siguro kung tatamaan ka ng tinik sa ganyang kahaba at sa sobrang tulis,hindi ako magtataka kung wala pang isang segundo patay ka na

ipapa-nalangin ko na lang na hindi ako tamaan ng tinik,mahirap maglakad sa sobrang daming bulaklak, at masyado silang magkadikit! wala rin naman kaming choice kundi dito dadaan

" dadaan ba kayo?"

sigurado akong hindi boses yu'n ng mga kasamahan ko,ngayon ko lang narinig ang boses na yu'n

tumingin ako sa paligid pero wala namang tao,kami lang naman ang nandito

" nandito ako sa harapan niyo" sabi niya

tumingin kami sa harapan,napa- taas ako ng kilay,siya ba yung nagsasalita? bulalak na may dalawang paa, siguro siya,kakaiba siya sa lahat ng bulaklak

" ikaw ba yan?" tanong ni Yeri

tumango naman yung bulaklak, siya ba yung taga-bantay dito?

" diba pupunta kayo sa lugar ng mga Dragon?" tanong niya

tatawagin ko na lang siyang Mr.Flower,nahalata ko lang sa boses niya na lalaki siya

" oo,pa'no mo nalaman?" tanong ni Drake

" dahil isa ito sa mga daan papunta sa Dragon World" sabi ni Mr.Flower

' pa'no kami dadaan diyan?" tanong ni Faith

" hindi kayo dadaan diyan,maghahanap lang kayo" sabi ni Mr.Flower

kahit bulaklak siya alam kong naka-ngiti siya ng patago

" anong ibig mong sabihin?" tanong ko

" maghahanap kayo mula sa bulaklak ng gold violet,nag- iisa lang ang gold violet wala ng iba" sabi ni Mr.Flower

nag-iisa lang ang gold violet, tapos yung mga bulaklak sobrang dami,ang tanong malaki ba yung gold violet? kung maliit yun,kayo na lang maghanap!

" importante ba yung gold violet?" tanong ni Saphire

" oo makakatulong yo'n sa inyo at sa'kin din" sabi ni Mr.Flower

makakatulong sa kanya? babalik ba siya sa tunay niyang anyo?

" simulan na natin,habang maaga pa" sabi ni Sophia

kaya pumasok na sila sa loob,may bakuran kasi dito,excited ba silang mamatay?!

" ipapa-alala ko lang hindi madaling kalabanin ang mga bulaklak!!" sigaw niya

hindi madaling kalabanin ang mga bulaklak maliban na lang kung gagalaw sila,what the!!

"Mr.Flower gumagalaw ba ang mga bulaklak?" tanong ko

" Mr.Flower? kakaiba ha!! depende kung gagalaw sila" sabi niya

nagtanong ako ng maayos tapos ang isasagot niya,hindi daw siya sigurado,sarap batukan!!

pumasok na ako sa loob,kailangan ko ring maghanap para fair,hindi naman katarungan na wala akong ginawa tapos sila naghirap sa kakahanap

dahil sa sobrang taas ng mga bulaklak,mahihirapan akong umakyat at tsaka madilim dito sa loob, sinubukan kong hawakan ang mga tinik,matigas naman at siguro kaya ako nito,hindi naman ako mataba

aakyat ako gamit ang mga tinik papunta sa taas ng bulaklak,sana nga hindi ako tamaan, nagsimula na akong umakyat syempre dahan dahan muna,wala pa akong  planong mamatay ng maaga

akyat

akyat

akyat

whooahh!! malapit na yun! grabe! mabuti na lang nakakapit ako sa isa pang tinik,naputol kasi ang isang tinik na hinawakan,mabuti na lang hindi ako nahulog back to zero na naman tayo sa pag akyat

at sa wakas!! nandito na ako sa gitna ng bulaklak,parang coton yung yellow sa gitna ng bulaklak, ang sarap sa pakiramdam,ang sarap matulog!!

oopss!! mamaya na muna yang hilig ko,hahanapin ko muna yung gold violet na yun!! para akong langgam sa sobrang liit ko dito,aiishh!! hindi ko makita kung ganito ako kalliit!

nakikita ko yung mga kasamahan ko,ang malas lang nila dahil ang napili nilang bulaklak ay yung mga gumagalaw, mabuti na lang sa'kin hindi^__^

" kamusta!"

what the!! sa sobrang gulat ko,napahawak ako sa dibdib ko,masyado akong nagulat!

" hehehe,,,,nagulat ba kita?"

siya kaya ang gulatin ko,sisiguraduhin kong mamatay siya!!

tumingin ako sa kanya,tama nga ako! yung bulaklak yong nagsasalita,may mata siya,mabuti na lang hindi ko natapakan

" hindi ka ba nagulat sa itsura ko?" tanong niya

" hindi na ako nagugulat sa mga kakaibang anyo,nagugulat lang ako 'pag gugulatin niyo ako" sabi ko sabay upo

" matanong ko lang,sa'n ba dito makikita ang golden violet?" tanong ko

" sinabihan ba kayo ng gwapong nilalang sa labas na hanapin yun?" sabi niya

gwapo ba yun? tumango na lang ako,mahirap manghusga ng tao kung hindi ko pa nakikita




bitin po ba?!! pasensya na^__^ just comment na lang po^__^ pina-aga ko talaga ang pag update para makabawi sa inyo,bukas ulit^__^!!

Blue Dragon Princess [ Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon