𝗜𝘁'𝘀 𝗧𝗶𝗺𝗲 𝘁𝗼 𝗟𝗲𝘁 𝗚𝗼

2.5K 45 19
                                    

𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐚𝐧𝐬 𝟑:𝟏𝟑-𝟏𝟒 (𝐍𝐋𝐓)𝘕𝘰, 𝘥𝘦𝘢𝘳 𝘣𝘳𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘴𝘪𝘴𝘵𝘦𝘳𝘴, 𝘐 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘯𝘰𝘵 𝘢𝘤𝘩𝘪𝘦𝘷𝘦𝘥 𝘪𝘵, 𝘣𝘶𝘵 𝘐 𝘧𝘰𝘤𝘶𝘴 𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘰𝘯𝘦 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨: 𝘍𝘰𝘳𝘨𝘦𝘵𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘢𝘴𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘭𝘰𝘰𝘬...

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐚𝐧𝐬 𝟑:𝟏𝟑-𝟏𝟒 (𝐍𝐋𝐓)
𝘕𝘰, 𝘥𝘦𝘢𝘳 𝘣𝘳𝘰𝘵𝘩𝘦𝘳𝘴 𝘢𝘯𝘥 𝘴𝘪𝘴𝘵𝘦𝘳𝘴, 𝘐 𝘩𝘢𝘷𝘦 𝘯𝘰𝘵 𝘢𝘤𝘩𝘪𝘦𝘷𝘦𝘥 𝘪𝘵, 𝘣𝘶𝘵 𝘐 𝘧𝘰𝘤𝘶𝘴 𝘰𝘯 𝘵𝘩𝘪𝘴 𝘰𝘯𝘦 𝘵𝘩𝘪𝘯𝘨: 𝘍𝘰𝘳𝘨𝘦𝘵𝘵𝘪𝘯𝘨 𝘵𝘩𝘦 𝘱𝘢𝘴𝘵 𝘢𝘯𝘥 𝘭𝘰𝘰𝘬𝘪𝘯𝘨 𝘧𝘰𝘳𝘸𝘢𝘳𝘥 𝘵𝘰 𝘸𝘩𝘢𝘵 𝘭𝘪𝘦𝘴 𝘢𝘩𝘦𝘢𝘥, 𝘐 𝘱𝘳𝘦𝘴𝘴 𝘰𝘯 𝘵𝘰 𝘳𝘦𝘢𝘤𝘩 𝘵𝘩𝘦 𝘦𝘯𝘥 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘳𝘢𝘤𝘦 𝘢𝘯𝘥 𝘳𝘦𝘤𝘦𝘪𝘷𝘦 𝘵𝘩𝘦 𝘩𝘦𝘢𝘷𝘦𝘯𝘭𝘺 𝘱𝘳𝘪𝘻𝘦 𝘧𝘰𝘳 𝘸𝘩𝘪𝘤𝘩 𝘎𝘰𝘥, 𝘵𝘩𝘳𝘰𝘶𝘨𝘩 𝘊𝘩𝘳𝘪𝘴𝘵 𝘑𝘦𝘴𝘶𝘴, 𝘪𝘴 𝘤𝘢𝘭𝘭𝘪𝘯𝘨 𝘶𝘴.

Familiar ka ba sa cartoon series na "Harvey Beaks"? Actually, nakakatuwa yung palabas na 'to. May isang episode akong napanood na talagang tumatak sa akin. Ganito kasi yung kwento. Kumakain si Harvey (a blue bird, the main character) no'n kasama ang parents niya. Nung natapos na sila, nag-volunteer si Harvey na siya na raw yung magliligpit ng mga pinagkainan nila. So ayun nga, habang dahan-dahang inililipat ni Harvey yung mga pinggan sa kabilang lamesa, aksendente niyang nahulog yung isang plato sa sahig. Sobrang nagulat siya sa nangyari lalo pa't yung paboritong plato pa naman nung mama niya yung nahulog at nabasag. Feeling niya that time, nakagawa siya ng isang malaking kasalanan. Kaya humingi siya ng favor sa parents niya na parusahan siya para malinisan yung konsensya niya. Pero niyakap lang siya ng parents niya at sinabing "Okay lang yun, Harvey". Kaso hindi pa rin matanggap ni Harvey yung nangyari. Nagi-guilty pa rin talaga siya. 'Di nagtagal ay meron ng kakaibang nakikita na si Harvey, yung multo nung basag na plato na laging nagtatanong sa kanya ng "Bakit mo 'ko binasag Harvey?" After no'n, naghanap si Harvey ng paraan para mawala yung guilt niya. Tinanong niya ang mga kaibigan niya kung ano bang magandang punishment kapag nakagawa ka ng isang kasalanan. Marami silang sinagest na halos lahat ay nakakatawa talaga. Haha. At lahat nga yun ay sinubukang gawin ni Harvey. Unfortunately, hindi pa rin mawala yung multo ng basag na plato sa isip niya. To make the long story short, umabot sa puntong naglayas na si Harvey sa bahay nila dahil hindi niya talaga matanggap yung nangyari. Masyado niyang dinamdam yung maliit na pagkakamaling nagawa niya. Pero at the end of the story, Na-realize din ni Harvey na ang kailangan lang pala niyang gawin para hindi na siya multuhin nung kaniyang pagkakamali ay ang patawarin niya ang kanyang sarili.

Crazy story right? But it's really interesting. Nakakatawang isipin, isang nabasag na plato lang naman yun. Napakaliit na bagay para damdamin. But here's the reality, minsan, ganitong-ganito rin yung attitude natin pagdating sa mga pagkakamali natin sa buhay. Tulad ni Harvey, marami sa atin ang hindi marunong mag-let-go, yung tipong buwan na yung lumipas, or minsan taon na yung dumaan, pero yung sugat ng pagkakamali, dala-dala pa rin. Na siya namang nagiging dahilan kung bakit marami sa 'tin, nagiging mesirable yung takbo ng buhay.

Totoo, isa sa pinakamahirap gawin ang mag-let-go. Lalo na pagdating sa pagkakamali at pagkakasala, anghirap talagang makalimot. Minsan nga akala mo wala na, na nakalimutan mo na. Antagal na rin no'n eh, but then bigla na lang magpaparamdam ulit sayo na parang isang multo. Gagambalain ka at guguluhin ang kasalukuyan mo. The tragic thing is marami sa atin ganito pa rin ang struggle sa buhay. We allow our past sins and mistakes to hunts us. We drown ourselves with guilt and regrets that's why hindi tayo makapag-move forward. Nalilimitahan tuloy yung mga bagay na kaya pa sana nating gawin dahil nakakulong pa rin tayo sa bangungot ng nakaraan. We are not really free because we still hold on to our past. And one of the reasons din ito kung bakit hindi tayo makasunod ng buo o makapag-all out sa mga plano ni Lord sa atin.

Apostle Paul, a good example of a man with a not so good past. I mean, kung babasahin mo yung kwento niya, pangit talaga ang nakaraan niya. Ano ba ang meron sa past life ni Paul? His former name was Saul of Tarsus. He is a very religious person (Pharisee), intelligent, but he's also a very prideful man, blasphemer and a violent person. Maraming sa mga first Christian noon ang galit sa kanya dahil isa siya sa mga nagpersecute sa kanila noon. Isa sa pinakamatindi na kasalanan na kinasangkutan ni Paul is yung pagpatay kay si Stephen. Kung iisipin, guilty talaga siya at nararapat lang na parusahan ng Diyos. But then one time, na-meet niya ang Lord. Na-encounter niya si Jesus sa Road ng Damascus. Nabulag siya no'n literally pero soon din niya nakita kung gaano kalaki yung nagawa niyang kasalanan sa Diyos. Kung tutuusin, dapat nga ma-guilty talaga siya at hingiing parusahan o patayin na lang siya dahil nga sa mga ginawa niya. Pero hindi ganun ang nangyari, nung time na nakilala niya si Jesus, even though he realized that he is a big time sinner (murderer), that he don't deserve to be with the Lord, isa sa pinakamatinding natutunan ni Paul nung mga time na yun is yung i-let go yung nakaraan niya. Natutunan niyang patawarin ang sarili niya dahil nakita Niya mismo kung gaano siya pinatawad at tinanggap ng Diyos, kung gaano siya minahal ni Lord sa kabila ng kanyang mga kasalanan.

Minsan, mahirap talagang tanggapin kapag matindi yung nagawa mong sin. Yung tipong masyadong malalim yung sugat na dinulot no'n. Yung marami ang naapektuhan at nasaktan dahil sayo. Hindi madaling bitawan yun at kalimutan na lang. But here's the message na dapat nating tandaan sa buhay ni Paul, hindi na mahalaga kung ano ka sa nakaraan, kung ano yung mga nagawa mong mali noon. Kahit gaano pa yan kalaki o katindi, ang mahalaga ay kung sino ka ngayon, at kung ano yung pipiliin mo para mas mapaganda yung kasalukuyan na meron ka ngayon. Sa buhay ni Paul, pinili niya na isuko ang nakaraan niya. Pinili niyang itama ang kasalukuyan niya. At nagawa niya yun dahil pinili niyang tanggapin ang kapatawaran ng Diyos na ibinigay sa kanya.

Paano ba i-let-go ang nakaraan?
Just like Paul, we need to receive God's forgiveness in our life. Hindi mo kailangang makulong na lang sa ala-ala ng nakaraan. Hindi mo kailangang gawing parang parusa na lang lagi ang buhay mo sa kasalukuyan. 'Wag nating iisipin na wala ng pag-asa para lumaya tayo sa mga pangit nating nakaraan. Si Paul nga na grabe yung nagawang kasalanan, nakalaya at nagbago, ang ibig sabihin nun, tayo rin, kaya rin natin. There's still hope for us kung matuto lang tayong mas kilalanin yung tunay na magpapalaya sa atin. At ito ay walang iba kundi si Jesus, ang pinakadakila nating tagapagligtas.

DEVOTION (Is It In You?)Where stories live. Discover now