" guys! tignan niyo ang nasa baba! " sabi ni Irene

kaya tumingin kami sa pinag-turuan niya, parang may tao sa baba,marami sila,dahil nasa taas kami,para silang mga Ants sa sobrang liit,

" sa wakas! at makaka-kain na tayo!" sabi naman ni Jiho

sa sobrang gutom namin,bumaba agad kami,habang pa-baba kami,may nakikita akong Lake,River,Falls at mga huni ng mga ibon,siguro magandang lugar pasyalan to,pero mahirap pumunta dito,swerte na nga lang kami at nakapunta kami dito

haayy!! sa wakas at naka-baba na kami,inayos ko muna ang buhok ko,masyado na sigurong magulo dahil sa lakas ng hangin

lahat ng tao dito,napatingin sa'min at...........ngumiti?

" guys! parang wine-welcome nila tayo" masayang sabi ni Saphire

para sayo welcome sakin hindi kasi yung ngiti nila parang may gusto silang ibigay sa'min,aiishh"!! ang hirap mag-isip ng malalim lalo na kung alam mo ang ibig sabihin

ng may lumapit na matanda sa'min,mukha naman silang tao,siguro mali lang 'tong iniisip ko

" gutom na ba kayo iha at iho? libre lahat ng pagkain dito" sabi ng matanda

sa sinabi niyang libre,do'n ako natuwa, wala kasi akong dalang pera,tutal gutom narin ako^__^

" iha,gusto mo ba ng fishball?" tanong niya

tumango naman ako,hindi kasi ako mahilig sa fishball pero nung unang tikim ko,nasarapan ako, ano kaya ang lasa ng fishball nila dito?

" ito,iha" sabi niya at pinakita sa'kin ang fishball

0_0

yuck!!

" masarap ya'n iha" sabi niya

" ahmm...busog pa po ako,salamat na lang po" sabi ko

kahit gutom ako kaya kong hindi kumain ng fishball nila,eh kasi ang fishball nila ay Mata na kulay green,nung pinakita sa'kin ang fishball gumalaw pa yung Mata at tumingin sa'kin,wala sa list ko ang kumain ng ganon,kahit masarap pa yun,grabe! ang lupet! ng pagkain nila,di ko kinaya

" iha,ito oh,kung kailangan mo ng tubig" sabi ng isang babae

dahil gusto kong uminom ng tubig,tinanggap ko yung alok niya,iinom ko na sana ng mapatingin ako sa tubig

waahhhh!! hindi 'to tubig na inaasahan ko, siguro dugo 'to, red kasi ang kulay at kakaiba ang baho niya,hindi naman to Wine, malayo sa baho!

nagkahiwa-hiwalay kasi  kami ng mapag-pipilian, at nahahalata ko lang na kahit saan ako pumunta may  sumusunod sa'kin,isa siyang babae at nakatingin sa'kin,may ginawa ba akong masama?

" iha,pagkain gusto mo?!" tanong niya

" salamat po,pero busog pa po ako" sabi ko

hindi ko kayang kumain ng ipis,uod,at patay na daga,at may design pa ng Wings ng butterfly

mukha silang mga tao,pero yung pagkain nila ang lupet! parang pagkain ng Alien, di ko kinaya!

nakita ko ang mga kasamahan na papalapit sa'kin

" ano,masarap ba?" tanong ko sa kanila

yung mukha naman nila parang hindi maipinta sa disappointment

" wala,kahit isang guhit lang wala kaming nakain" sabi ni Yeri

" anong kailangan niyo dito sa lugar namin?!!"

ha? tumingin kami sa harapan namin kung sa'n namin narinig ang boses,

yung babaeng sumusunod sa'kin kanina,ano bang problema niya?

" ano po ba ang sinasabi niyo?" tanong ko

" diba nanggaling kayo sa Wings place?" tanong niya

ano bang pinagsasabi niya,wala kaming alam sa mga tinutukoy niya=__=

" wings place?" tanong ni Drake

" ang Wings place lang ang daan papunta sa lugar na'to at magkakaroon kayo ng mga Angel Wings" sabi niya

edi dun kami nanggaling!

papunta ba kayo ng Dragon World?" tanong niya

pa'no niya nalaman na papunta kami du'n, kaya tumango na lang kami

" maswerte lang kayo kapag may mahiwaga kayong papel na gagamitin niyo" sabi niya

mahiwagang papel? di kaya yo'n yung papel na nakita ko? kaya kinuha ko ang papel mula sa coat ko at pinakita sa kanya

" ito po ba yun?" tanong ko

nagulat naman siya at kinuha ang papel sa'kin,mahiwaga ba yan? plano  ko ngang sirain yan eh

" pa'no mo ito nakuha?" tanong niya " nakita ko lang po ya'n sa Wings Place" sabi ko

" maswerte kayo at nakita niyo ang mahiwagang papel,makakatulong ito sa inyo papunta sa Dragon World" sabi niya

" pero tandaan niyo,hindi lang kayo ang may balak pumunta sa lugar ng Dragon World " sabi niya

" at kaylangan niyong maging handa sa paglalakbay dahil hindi niyo magagamit ang Angel Wings papunta do'n" sabi niya

ang dami niyang babala,mabuti narin yun na malaman namin

" ayun! yung tuktok ng bundok may  makikita kayo na batong Dragon, at dun ang palasyo nila" dagdag niyang sabi

naku naman!! sobrang layo naman! pero nakikita ko mula dito ang Batong Dragon,siguro pag malapitan sobrang laki siguro!

ha? nasan na yung babae? bigla na lang nawala na parang bula,at bakit ang rami niyang alam? nasubukan na niya kaya? aiishh!! ewan,basta ako handa na ako,at excited naring gamitin ang Wand ko



bukas ulit!^__^ pasensya napo kung ngayon lang! sinikap ko po talagang maka-update kahit pagod ako^__^ para po sa inyo^__^
vote and comment

Blue Dragon Princess [ Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon