Prologue

26 4 2
                                    

«Lookingfortheguitarowner»

***

Prologue...

Papasakay na sana si Lerah sa humintong bus ng mayroon siyang nakabanggaan at muntik pa siyang magpasalampak sa simento. Buti nalang ay medyo matibay ang pagkakabalanse niya kaya 'di siya natumba.

"Fuck! Tumingin ka nga sa dinadaan mo! Badtrip!" Sigaw ng lalaking nakabanggaan niya. Hindi niya kita ang mukha ng lalaki dahil nakasuot siya ng hoody at nakayuko dahil narin sa gitarang nakasuklit sa likod niya.

"Tss." anas pa ng lalaki.

Sa halip na sagutin ito ay tahimik siyang pumasok sa loob ng hindi man lang tinapunan ng tingin ang lalaki. Pumunta siya sa may likod na bahagi ng bus. Doon lang kasi ang may bakanting upuan.

Kinuha niya ang gitara sa likod niya at sinukbit ito sa likod ng upuang nasa harap niya. Hinilig niya ang ulo sa may bintana at ipinikit ang mga mata. Mabuti pang umidlip muna siya sandali. Medyo malayo-layo parin naman ang byahe.

Ramdam niyang may tumabi sa kaniya pero 'di na niya iyon binigyan pa ng pansin at tuluyan ng natulog. Sobrang pagod ang nararamdaman niya ngayon. Isa kasi siyang gitarista sa bandang "UniSic" at kagagaling lang nilang mag perform sa isang reunion party na ginanap kani-kanina lang.

Sa kabilang banda naman. Di mapigilan ni Jhastine ang sarili na mapatitig sa babaeng katabi niya ngayon na siya ring babaeng nakabanggaan niya kanina. Medyo na amuse siya sa inakto ng babae sa kaniya. Nagulat nga siya kanina ng hindi siya nito kinibo kahit pa sinigawan niya ito, sa halip ay nilagpasan lang siya nito at tahimik na pumasok sa loob ng bus.

Take note, di man lang siya nito tinapunan ng tingin. Kakaibang babae. Aniya sa isip bago ipinikit ang mga mata. Pagod rin ang nararamdaman niya ngayon dahil sa jamming na ginawa nilang magkakaibigan.

**

Napamulat ng mata si Erah ng maramdamang may tumatapik sa kaniya. Nang maimulat ang mata ay bumungad sa kaniya si kuya Bado, ang konduktor ng bus na sinasakyan niya. Kilala niya ito dahil sa bus na ito siya laging nasakay.

"Nandito na tayo sa inyo." Sabi ni kuya Bado sa kaniya. Tango lang ang isinagot niya rito. Tumayo siya at naglakad palabas ng bus. Nang makalabas ay agad siyang naglakad papasok ng mansyon. Sinalubong siya ng mga katulong pagpasok niya at binati. Tinanguhan lang niya ang mga ito at agad umakyat sa taas kung saan naroon ang kwarto niya.

Pagdating sa kwarto niya ay agad siyang humiga sa kama at napatitig sa kisame. A few minutes had passed at parang may bigla siyang naalala at agad na napabalikwas ng bangon.

O-oh no...

"Ang gitara ko!!!" Nanlalaking matang sigaw.

=======

End of prologue:

Hope you support this story of mine ^__^

Feel free to vote and comment :)

Lovelots :)

LOOKING FOR THE GUITAR OWNERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon