Chapter 143: One Community

Start from the beginning
                                    

"Okay ka na?" Dion asked dahil nagkatabi kaming dalawa sa bus. He chuckled at ginulo ang buhok ko. "Kaninang umaga ka pa problemado. Ni-hindi ka nga yata nagkaroon ng time na i-celebrate ang pagiging pasok natin sa final four, eh."

Ngumiti ako kay Dion. "Ay grabe, stress ako sa mga nangyayari. Iniiyakan ko rin naman 'yong acads ko pero first time kong maiyak dahil sa mga nangyayari. 'Yong tipong nagpapatong-patong sila at hindi nareresolba ang mga issue." I explained to him at napahawak ako sa aking ulot. "Grabe, stress."

"Buti na lang ako, hindi naging sakit sa ulo." Dion wiggled his brows. "Suwerte mo, hindi problematic jowa mo."

"Ang chika nito." Natawa ako sa sinabi niya. "Sinabihan mo nga akong priveleged noon."

His smile immediately dropped. "Luh tagal na noon, saka hindi ko naman sadya iyon. Nagkaroon na ako ng character development." Depensa niya.

"Joke lang, hindi naman na siya big deal ngayon." sabi ko at humiga sa balikat ni Dion. "Ang gusto ko na lang ngayon ay maresolba ang issue nila Callie at Larkin. Gusto kong magkakasama pa rin tayo lumaro hanggang finals."

"I deactivated my twitter." Dion informed me. "Ikaw din, kung hindi na healthy sa 'yo 'yong mga nababasa mo sa social media, okay lang mag-deactivate. Mas mahalaga ang inner peace natin."sabi niya at inihiga ang ulo niya sa ulo ko.

"Dapat talaga hiwalay ng bus ang magjojowa, eh." Sabat ni Noah na nasa katapat naming seat.

"How do you usually spend your christmas?" Tanong sa akin ni Dion. Ow, December na nga pala! Ramdam ko naman ang pagiging malamig ng simoy ng hangin pero sa sobrang focus ko sa tournament ay hindi ko pa ramdam ang spirit ng Christmas.

Or baka hindi ko na feel ang Pasko unlike noong bata ako?

"Bakit mo naman natanong?" I asked.

"Wala, para alam ko kung paano ninyo siya sine-celebrate, para hindi ako ma-culture shock." Oo nga pala, this is the first time na magpapasko kami ni Dion na magkasama.

Napag-usapan namin na sa family ko kaming dalawa magpa-Pasko at sa family naman niya kami magnu-New Year. Well, sasama naman sila Mom sa Nueva Ecija so basically I am with my family kahit New Year.

"Hmm..." inalala ko ang Christmas experience ko. "We usually travel lang kapag Christmas. Pero favorite ko sa Baguio, they have musical show sa likod ng The Manor kapag Christmas."

"What kind of show?" Tanong ni Dion.

"Frozen." I answered at natawa siya. "Hoy! Huwag mong tinatawanan ang power ng Frozen! Frozen musical in Christmas eve, chef kiss!" I do kissed my finger to show how good it was.

"Natawa lang ako sa idea. Hmm... ano pa?" He asked. I don't know but this random conversation makes me feel better.

"Typical Christmas, uma-attend kami sa huling simbang gabi. Salo-salo sa Christmas eve. Giving gifts, and nag-i-stay na lang kami madalas sa airbnb kapag Christmas day kasi matao na no'n sa Baguio." Paliwanag ko kay Dion. "Kayo ba, how you usually celebrate Christmas?"

"We don't celebrate Christmas, first time kong magse-celebrate ng ganiyang klaseng pasko." Paliwanag noya sa akin.

My brows crunched. "Huh? 'Di ka naman INC, 'di ba?"

"Hindi. Pero growing up kasi, hindi naman kami mayaman," aww okay, I do get it na related ito sa pera. "Hindi kami naghahanda ng pasko dahil 'yong handa namin is para sa New Year. Isang handaan na lang para iwas gastos. Nagbe-bless lang ako sa matatanda sa amin kapag pasko."

"Kahit noong naging professional player ka na?"

"Hmm. Nakaugalian. Bale OA talaga namin salubungin ang New Year kasi hindi kami naghanda ng Christmas."

Hunter OnlineWhere stories live. Discover now