Chapter 1

17 1 1
                                        


Amelia's POV

Cringggg......crinngggg......crinngggg......

Nayayamot kong pinatay ang alarm clock na kanina pa tunog nang tunog sa aking silid dahil sa nakakarindi nitong ingay. Mapupungay ang mga mata na tinungo ang banyo at dali daling naligo dahil malalate na naman kami ni Brent sa klase nito kung mamaya pa ako gagalaw. Dalawang beses na kasi kaming nahuhuli sa klase ni Prof. Adelgundo Aguinaldo Agaloos o mas kilala sa tawag na triple A dahil sa kanyang initials. May kasungitan kasi ito at kung tatlong beses na may ma-late sa klase niya ay ipaparecite ba naman yung mission at vision ng school na ayaw ko ring maranasan dahil wala akong oras na magmemorize at magsasayang lamang ako ng oras sa pagmememorize dito.

Maging si Brent nga ay nadadamay din tuwing nalalate ako dahil sa pagboboluntaryo niyang pagsabay sakin papuntang school dahil parehas lang naman daw kami ng pinapasukang unibersidad at para makatipid din ng pamasahe dahil mahal din ngayon ang singil ng mga driver sa jeep ngayon at bukod doon ay magkaklase din kami.
Ppeeppp!!! peeppp!!!peeppp!!!

"Lia, anak nandyan na si Brent. Hay nako bata ka oo, anong oras ka na naman ba kasing natulog kagabi at nahuli ka na naman ng gising ngayon? Kung hindi lang sana mabait yang si Brent, hay ewan ko sayo, baka pinatawag na ako sa school nyo." sigaw ni mama na nasa kusina.

"Opo ma! Lalabas na po!!" sagot ko at dali daling naglagay ng pulbos at kaunting kolorete sa mukha para kahit papaano'y maayos din akong tingnan.

"Ma, pasok na po kami." Sabay kuha ng dalawang egg sandwich at higop sa kape ni mama.

"Hindi ka na naman ba kakain? Nako Amelia Grace, lagi nalang ganyan. Kapag talaga ikaw nagkasakit--"

"Bye ma!! Pasok na po kami, salamat dito sa sandwich, ang sarapp!!" hindi ko na pinatapos sa pagsasalita si mama kasi hindi na naman siya titigil sa kakadada, paulit ulit lang din naman yung sinasabi. Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ni papa sa kanya, na-love at first sight daw si papa eh.

*****
"Iniwan mo na namang nagsasalitang mag-isa si tita sa loob." Natatawang ani ni Brent pagkapasok ko sa white BWM niyang sasakyan.

"Iba na naman tong dala mong sasakyan a? balak mo yata akong pasakayin sa mga collections mo?" biro ko para malihis yung usapan kasi mamaya sesermonan na naman ako nito, kakampi siya ni mama eh. Ewan ko ba, parang mas anak pa nila itong mokong na to kesa sakin e. Kasi mas siya pa ang pinapaniwalaan kesa sa akin na anak nila.

"Grabe ka naman Grace. Sira kasi yung dati nating sinasakyan, pinapaayos palang ni mang Cardo." sabi nya na nagpapacute. Si Mang Cardo yung tanging pinagkakatiwalaang driver nila tito Robert at tita Felisse, ang mommy at daddy ni Brent Kyle at maging siya dahil si Mang Cardo din ang nagsisilbing pangalawang tatay nya mula pagkabata.

Silang dalawa lang ni Trina, yung childhood bestfriend ko ang tanging tumatawag sakin ng second name ko dahil sila lang yung very close sa akin. Tinatawag din naman ako nila mama at papa sa second name ko pero mas maganda daw kapag Lia nalang.

"Bakit ano na naman bang kabulastugan ang ginawa mong damulag ka??"

"May konting hindi pagkakaunawaan lang ang nangyari kagabi sa kanto kaya ayun yung sasakyan ko yung pinaghigantihan nila." Paliwanag nito.

"Pwede bang paki bilisan mo konti baka kasi mamaya iparecite pa satin yung mission at vision sa harapan ng tandang yun e." kunot-noo kong sabi sa kanya kasi naman parang pagong kung magpatakbo eh ilang minuto nalang, malalate na naman kami.

"Okay lang, kabisado ko naman." Nang-aasar na wika nito at sinabayan pa ng makahulog panty niyang ngiti.

Si Brent ay anak nila tito Robert at Tita Felisse Garcia, sila ang may-ari ng sikat na LaCars Enterprise. Si Brent ay nag-iisang anak ng mag-asawang Garcia at ang tanging tagapagmana ng pinundar nilang business. Gwapo, talentado, mayaman at mabait yang si Brent Kyle. Huwag mo lang sasabihin mismo sa kanya kasi mas lalaki yung ulo at mas lalakas yung kahanginan. Nakilala namin siya ni Trina noong minsang tumakas kaming dalawa at pumuntang club kasama namin yung ate niya, si ate Amethyst. Mabait si ate Amethyst, lagi niya kaming pinagtatakpan ni Trina kapag may kabulastugan kaming ginagawa pero huwag lang namang yung sobra. Lasing daw ako noon at si Brent yung naghatid samin dun sa bahay nila Trina. Lagi akong kinukulit ng mokong na yun na maging magkaibigan daw kami. Nung una, ayoko talaga pero kinukumbinsi ako ni Trina kasi mabait naman daw pero yun lang yung rason niya dahil may lihim siyang pagtingin kay Brent.

THE LOST MEMORIESWhere stories live. Discover now