"At the end of the day, may mga masasabi at masasabi talaga 'yang mga 'yan." sabi ni Dion. "Lalo na't hindi naman nila nakita ang proseso. Ang mahalaga sa maraming tao ay ang resulta. Kung talo ka, talo ka. Sa mata ng public viewers we are team na hindi nagawang matalo ang Daredevils." Masakit man isipin pero totoo ang sinabi ni Dion.

"Bakit ka nga pala na-late kanina?" Pahabol na tanong ni Dion sa akin at doon lang nabalik sa akin 'yong scene sa banyo na muntik ko nang malimutan dahil na-overwhelm na ako sa dami ng nangyari ngayong araw. "Nag-alala kami nila Coach sa 'yo. I tried to text you and call you pero cannot be reach ka."

"Hmm..." I tried to sound as casual as possible. "Naghanap kasi ako kaning ng CR at ang haba ng pila. I am telling you, they should create more cubicles in women's bathroom kasi nabi-build up talaga 'yong line. Dead signal sa loob ng CR kaya late ko nabasa 'yong mga chats ninyo. Sorry If I made you worry."

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin sa akin kung sino ang nagkulong sa akin sa CR at hindi ko muna sinabi ang totoo kanila Dion ngayon. We lost against Daredevils and I don't want to infuriate them dahil sa nangyaru kanina, mas mawawala lang sila lalo sa focus kung iintindihin pa nila ako. Gusto kong mag-focus muna sila sa laro at saka ko na lang sasabihin at reresolbahin ang lahat pagkatapos ng Season 4 tournament.

"Kumusta kaya ang naging pag-uusap ni Sandro sakay Ianne kahapon?" Pag-iiba ko nang usapan.

"Ianne rejected him." sagot niya.

"Ha? Weh? Nag-abot sila? Bakit naman ire-reject ni Ianne si Sandro eh greatest love niya si Father Chicken." Saksi ako sa mga panahong sila pa, nakita ko kung gaano nila kamahal ang isa't isa. Hindi ko nga in-expect na aabot sila sa ganitong punto.

"Kinuwento lang ni Sandro kahapon. Ianne rejected the idea na magkabalikan silang dalawa tapos sumakay na daw ito ng grab." Nalungkot naman ako sa kuwento ni Dion. "Pero ang laki nang pinagbago ni Ianne, 'no? I saw her IG post na pinopromote ang isang brand ng keyboard."

"Yup. Tattoo, ear piercing, and the way she style. But she is still our Ianne." I informed Dion. "Mas naging confident lang siya. Ganoon nga siguro talaga kapag in-embrace mo na 'yong sarili mo. Mas malalaman mo 'yong mga bagay na gusto mong gawin."

"So paano na 'yong Iandro ship mo niyan?" Natatawa niyang tanong sa akin.

"Hmm... ayoko naman maging delusional na ipipilit ko pa. I love Sandro and Ianne kahit hindi na sila together." I explained to him. Mukhang may plano rin naman si Sandro na manuyo kay Ianne, but if Ianne's decision is firm, I respect that.

"Sila Sandro na ang lalaro," Liu informed us na kakapasok lang sa backstage. "Manonood ba kayo?"

May ibang members namin na naiwan sa backstage para makapagpahinga samantalang kami nila Dion ay pumunta sa main stage para suportahan ang ALTERNATE laban sa Holy Guards.

"Tingnan mo si Sandro, mukhang matatae sa kaba." Natatawang sabi ni Larkin habang sunod-sunod na kinuhanan ng picture si Sandro. "Bestfriend ko 'yan!" He shouted

"Kung makalait ka naman Oppa, marami ka ring epic picture sa phone ko. May nakangaga at mukhang tanga pa." naiiling kong sabi sa kaniya.

"Sige, subukan mong i-upload 'yan. I-a-upload ko 'yong video mo na umiiyak ka sa mga subjects mo." Banta niya sa akin. Epal. Next time talaga ay hindi na ako iiyak na kumpleto sila dahil sa acads, may pang-blockmail tuloy siya sa akin ngayon.

"Upload mo, dagukan kita." Sabat naman ni Dion sa biruan.

"Isa ka pa, u-upload ko paghilik mo. Ako pa kinalaban ninyo, ha." Natatawang sabi ni Larkin. Never ka talagang mananalo sa trashtalk-an dito.

Hunter OnlineМесто, где живут истории. Откройте их для себя