MALAKING IBON

9 0 0
                                    

Good day everyone i'm here again to tell another story. I hope you'll enjoy it.


So let's proceed, this story is based sa experience nila Mama at Papa.


Nangyari ito nung si Papa ay nagtatrabaho pa sa Manila.


That time kasi kapag aalis si Papa palaging madaling araw siya nagaabang ng bus na masasakyan para hindi siya malate sa work niya.


Kaya kami nila Mama is laging sinasamahan si Papa sa pagaabang ng masasakyan na bus.


Nagkataon naman na napasarap kami sa tulog kaya hindi na kami ginising nila Mama at silang dalawa nalang ni Papa ang nagabang ng bus.


Pagkalabas nila sobrang tahimik tapos medyo creepy daw yung vibe kasi nga sila palang yung tao sa labas nang time na yun.


Ito na nung nasa may tapat na sila ng kalsada at nagaabang na ng bus ito raw si Mama may nakitang anino ng malaking ibon sa kalsada eh nung time na yun wala pang dumadaan na kahit anong sasakyan at bilog din ang buwan nung time na yan kaya kita nila yung paligid.


Kinalabit ni Mama si Papa sabay sabi na may malaking anino raw ng ibon sa kalsada kaya si Papa automatic naman na tumingin sa kalsada at nakita niya rin yung anino ng malaking ibon.


Sabay na tumingala sila Mama at Papa sa kalangitan at pagtingin nila nagulat sila kasi yung akala nila na malaking ibon eh maliit lang daw.


Lumingalinga pa raw sila Mama kasi baka mamaya nagkamali lang sila pero hindi kasi tama talaga sila ng nakita.


Si Mama nakaramdam na ng takot, mas natakot pa raw siya nung bigla na lamang lumipad pababa yung ibon at pagkababa nito sobrang liit lang daw halos kasing laki lang ng kalapati.


Si Mama gusto ng bumalik sa bahay at ayaw niya ng papasukin si Papa ng araw na yun pero itong si Papa hindi nakinig sa halip ay kumuha siya ng malaking bato at balak na niyang ihagis yun doon sa ibon tapos bigla raw tumingin sa pwesto nila yung ibon at nakita raw nung ibon na may hawak na bato si Papa at aktong ibabato na iyon sa kaniya kaya yung ibon bigla raw lumipad tapos pumunta roon sa madilim na bahagi ng lugar doon sa amin eh sakto marami pang puno roon kaya hindi na rin daw nila Mama nakita kung bumaba yun or nagpatuloy lang sa paglipad.


Hanggang ngayon palaisipan pa rin kila Mama yung pangyayari na yan iniisip nga ni Mama paano raw kung hindi niya napigilan si Papa na batuhin yung ibon ano raw kaya ang gagawin nun sa kanilang dalawa pero isa lang ang nasa isip namin yung ibon na yun ay hindi lang basta ordinaryong ibon kasi may kutob kami na yung ibon na yun ay isang aswang.


Matagal na itong nangyari sa pagkakatanda ko elementary pa ako that time pero malakas talaga kutob ko na aswang yun kasi hindi naman natin masasabi na ang mga aswang ay hindi totoo kasi remember malaki ang mundo natin kaya hindi natin alam kung yung mga tao ba na araw araw nating nakakasalamuha ay tunay na tao o hindi.


Sadyang marami talagang misteryo ang ating mundo kaya ang masasabi ko nalang sa lahat ay magiingat tayo palagi.

Real Creppy StoriesWhere stories live. Discover now