- inspired by a wattpad storry "AMNSE"
- purely fictional
- social media & narrations
- romcom, light or heavy angst
- self indulgent
- ignore time stamps
- taglish + a little bit of german
- will put warnings in panels if necessary
- vulgar language and scenes ahead
( read at your own risk)
- expect some typographical and grammatical errors
- pictures, videos & audios aren't mine
- qrts & likes are highly appreciated :)
START!
Napatigil sa paglalakad si Sunshine nang may mamatahan siyang kalalakihan sa may malapit lang. Ngawit at pagod ang kaniyang mga tuhod dahil sa paglalakad upang hanapin ang section niya—ang section 'E'. Pero sa kabila ng pagkapagod ay nakuha niya pang ituwid ang katawan at maglakad na parang model patungo doon sa mga lalaking natanaw niya na ngayon ay nasa kaniya ang mga atensyon.
Kahit sa malayo pa lang ay alam na agad ni Sunshine na gwapo ang mga lalaking iyon kaya naman, inilagay niya ang buhok niya sa likod ng tainga—lumunok at mas inartehan niya pa ang lakad. Ramdam niya ang pagtalbog ng puwet sa bawat lakad at sinasadya niya talaga yun.
Hinihingal siya nang makarating siya sa harap ng mga estrangherong iyon. Hindi siya nakapagsalita nang mapansing tiningnan lang siya ng mga ito na parang inaantok at walang mga pakialam.
Tangina hindi effective. Napamura pa talaga siya sa isip dahil doon.
"Hi. Ako nga pala si Sun." bati ni Sunshine na puno ng arte, umaasang maaakit niya ang apat na lalaking nasa harapan niya ngayon.
"Nugagawen." pangbabara nung isa, yung pinakamatangkad sa kanila. Matapos yon ay bumalik lang ito sa ginagawa niya. Ganoon din ang iba, tinapunan lang siya ng tingin tapos ay patay malisya nang bumaling sa mga ginagawa. Yung nagsalita ay iniikot-ikot lang sa kamay yung badminton racket, yung isa naman ay nagbabasa ng libro, meron ding naninigarilyo at kumakain ng lollipop.
Tangina ng mga 'to. Bulag ba kayo? Hindi ba nila nakikita yung ganda ko?
Sa inis ay napairap na lang si Sunshine at muling nagsalita. "Alam niyo ba kung nasaan ang section E ng fourth year? Papunta kasi ako doon. Dito na ba yon?"
Bigla atang nagising ang sistema ng mga ito ng mabanggit ni Sunshine ang section na iyon.
"Mali ka ng pinuntahan. Hindi dito yun!" muling nagsalita si Nicholas at tinaboy si Sunshine. "Tsupi!"
"Weh? Ba't sabi nung guard—"
"Go away. Nando'n ang section E, malapit sa building na pinanggalingan mo kanina." nagsalita naman yung lalaking nasa gitna nila matapos itapon ang sigarilyo sa kung saan lang at inapak-apakan ito.
Tumango si Sun sa sinabi, kung ganoon kanina pa pala nila ako pinapanood maglakad?
"Ano ba yan, bakit paiba-iba?! Sabi dito raw—"
"Ang kulit mo! Sabing hindi nga dito yun eh! Gusto mo bang tadyakan kita hanggang sa makarating ka sa building na yon?!" bahagyang napatalon si Sun dahil sa lakas ng bulyaw.
"Umalis ka na lang kasi." bored na sabi naman nung isa, yung nagbabasa ng libro.
"O-Okay! Hindi niyo need magalit my god!" matapos non ay umalis na si Sun para puntahan yung room niya. Nadapa pa ito dahil sa pagmamadali kaya ngumodmgod ang mukha niya sa damuhan at sigurado siyang pinapanood pa rin siya ng mga bwisit na lalaking iyon. Napamura na lang siya bago tumayo at pinagpag ang sarili. At dahil nga sa pagmamadali niya, hindi niya napansin ang ilan sa mga requirements na lumipad sa ere at naiwan niya ang mga iyon.
