Chapter 134: Our Card

Magsimula sa umpisa
                                    

Dion nodded. Hinarap ako ni Dion sa kaniya and he cupped my face using his both hands. "Do I really date this woman?" He asked to himself. "Dati lang ay kabado ka pa sa kung paano mo lalaruin ang Hunter Online noong pumasok ka sa professional league pero ngayon.... you are an amazing woman, amazing Captain, amazing player, lahat actually sa 'yo napapamangha mo ako." Bigla niyang hinila ang tali nitong hoodie dahilan para matakpan ang mata ko.

"Ang epal mo." Akmang luluwagan ko na ang hoodie noong maramdaman kong tumama ang labi ni Dion sa labi ko. I paused for a second. It was just a second of kiss pero ramdam ko ang kilig sa buong katawan ko. I really feel something in my stomach that made me shiver. "Para saan 'yon?"

"Wala lang." He answered and I loosen up the hoodie at tiningala siya dahil medyo matangkad sa akin si Dion. "You are an independent woman pero gusto ko lang sabihin na you can always count on me just like the old times. Kapag feeling mo ay burn out ka na, you can remove your Captain wall... puwede kang maging mahina sa tabi ko. You can be Milan, my Milan."

Hindi mawala ang nguti sa labi ko. Grabe! Ganito ba talaga kapag araw-araw akong binibigyan ng assurance?

"Chika mo, wala kang consent sa kiss na 'yon, ha! Kapag nalaman ni Kuya London 'yon, ihanda mo na 'yong tainga mo sa sermon no'n." Pabiro kong sabi sa kaniya.

"Consent is important nga pala." Napakamot sa batok si Dion. "Sorry."

"It's okay." I hold his hand once again at nagptuloy sa paglalakad. "There is aggressive kiss and may kiss na okay lang."

"Eh anong type 'yong ginawa ko kanina?"

"Hmm..." saglit akong nag-isip. "A kiss that made me feel safe."

"Ang ganda pakinggan." He answered.

Nasa seaside na kami at naglalakad tungo sa starbucks kung saan nakatambay sina Kuya. Actually nakakatuwa dahil nakikita namin ang dami ng kabataan na nakatambay rito, sigawan mula sa rides, mga batang tumatakbo, nag-i-skate board, o kahit nakaupo lang sa malaking bato sa sea side. Somehow, effective naman itong disguise namin ni Dion dahil so far ay walang nakakakilala sa aming dalawa.

"Don't ever think na sasakay tayo sa mga rides after we meet sila Kuya, ha!" Paalala ko sa kaniya dahil panay tingin siya sa ferris wheel. "Kailangan pa natin bumalik sa booth camp agad."

"Aww. Isang ride lang." Sabi niy at umiling ako. "Sungit amp."

Pagkarating namin sa bandang seaside ay nakita naman namin agad sina Kuya dahil sa labas sila nakapuwesto. "Baklaaa!" Malakas na boses ni Shannah ang sumalubong sa akin. "Gaga ka, ba't parang gumaganda ka? Hiyang ka ba kay Dion? Congratulation sa pagkapanalo ninyo kanina."

Tumalon-talon kaming dalawa habang magkayakap. Awww, na-miss ko tuloy na pumasok ng normal sa mga klase. I mean happy naman ako sa estado ko ngayon as professional player pero paminsan-minsan ay maiisip mo rin na ang sarap maging normal, 'yong nobody ka lang.

"Nagkita na naman kayong mag-bestfriend na abnormal." Biglang sabat ni Kuya London. Kahit kailan talaga ay epal at panira ng moment.

"Um-order na kayo?" I asked.

"Luh? Siyempre! Sa tagal ninyo 'yan ay malamang bumili na kami. 'Di kami magtitiis na hintayin kayo." Sagot ni Trace at nag-apir sila ni Kuya London.

"Alam ninyo, mga panira kayo sa buhay ko." sagot ko sa kanila.

"Order lang ako sa loob." Paalam ni Dion, "anong sa 'yo?"

"Any cold drink. 'Wag lang coffee, kailangan ay makatulog akong maaga mamaya para nasa good kundisyon ang katawan ko bukas." I explained to him dahil baka kuwestyunin niya ang hindi ko pag-order ng coffee as a coffee lover. "Ikaw man, no caffeine this time."

Hunter OnlineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon