PROLOGUE

0 0 0
                                    

Prologue

Life is not easy. We have to work hard to get the things we want. I think part of growing up is a lot of heartbreaks, happiness, being alone, over-thinks and sadness. Giving up in my life was my only choice back then, hindi ko alam kung kaya ko bang magpatuloy bawat araw kasi andami kung iniisip. Sleepless nights are always there for me but I realized that at the end of the day, I can cry at night and tomorrow I will be okay.

They say life is like a wave, untamable. We don't know what will happen to us tomorrow and to coming days, weeks, months, or even years. So in order to control your life, you must ride that wave, you must tame and contain it.

A rainy afternoon outside the campus greeted us. I cursed myself for not bringing umbrella or something that can cover me up from the rain.

"Jeanne may dala kang payong?" I asked my friend beside me

Tinaasan nya ako ng kilay, alright! I already know the answer.

"It's raining, what about our plan?" tanong niya

I look at her apologetically.

"The sky is obviously crying." patuya kong sagot

She snorted.

Akala ko titigil na siya pero muli itong nagsalita.

"Ash, magme-meet sana kami ni Roswell dun!"

"Oh tapos?" I raised a brow

"We can get a taxi if you want!" saad niya pa

I look around us. Marami kami dito sa waiting shed at halos karamihan ay mga babae. Dahil sa ulan wala masyadong dumadaan na taxi kaya tingin ko malabong may mapara kami.

"May nakikita ka bang taxi na dumadaan?" I glared at her

Tingin ko ay napagtanto niya rin.

"Hehe, wala!" kagat labing sagot niya

Napairap ako.

"Hayst! Kainis naman kasi itong ulan ngayon pa talaga napiling bumuhos?!" sigaw ni Jeanne

"Miss ko na yung boyfriend ko!" sumigaw ulit sya

Tinapik ko na siya sa balikat. Minsan talaga walang hiya siya. Sometimes her behavior is too hard to handle! Ewan ko nalang kung bakit sila nagtagal ni Roswell.

"Tss, may bukas pa naman ah. Besides, lagi naman kayo nagkikita ni Roswell, gusto mo ba yung ulan pa ang mag-adjust para sa pagkikita niyo?!" napailing nalang ako.

"Arghhh kainisss!" She screamed a bit

Napapikit ako sa inis. Parang bata! Magiging pda lang naman sila doon at ang masaklap pa, para akong third wheel kung magkataon man.

I heard more and more rants from her. Kinuha ko nalang ang phone sa bulsa para i-text ang family driver namin. Wala akong nakuhang reply dito. Ibinalik ko nalang sa bulsa ang phone at muling sinipat si Jeanne na hindi parin tumitigil.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang balikat ko.

"Ash!" tawag niya sabay turo sa grupo ng mga lalaking paparating

Patungo sila sa direksyon namin. Nagtatawanan ang mga ito habang tumatakbo sa gitna ng ulan.

"Damn you Ken, stop or else-"

Dumapo ang tingin ko sakanila. I bit my lower lip as I suppressed a deep breath. Giniginaw na ako sa lamig. I couldn't take my eyes off them. Hindi ba sila nilalamig?

Namutawi ang tawa ni Nigel Cortez matapos magbato ng joke ang isa sa barkada niya. Nigel is one of the popular guys here in the campus together with his two friends, Cole and Ken.

Unshattered Wavesحيث تعيش القصص. اكتشف الآن