Kabanata II

68 5 1
                                        

Lahat ay natulala sa nasabing balita. Ang iba ay nag-iiyak, ang iba ay nagsisigaw. Nakita ko rin ang aking Inang nangingilid ang mga luha sa kanyang mga mata. Marahil ay ganun lang talaga kahalaga ang Gobernador sa buong mamamayan ng Ferum. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang buong mamamayan ng Ferum hanggang sa putulin ito ng isang nagwawalang Ginang.


"Hindi maaari, hindi maaari! Ang Elementa ay muli ng magbubukas!"

At agad itong humikbi kasabay ang iba pa.


Lalong lumakas ang pagtangis ng bawat isa at nagsisigaw ng kanilang pagtutol. Agad kong hinarap ang aking Inang upang tanungin kung anong nangyayari.


"Inang, anong nangyayari? Ano ang Elementa? At bakit labis ang takot ng bawat isa? Inang."


Ngunit hindi ako sinagot ng aking Inang bagkus ay iniwasan ako at kumaripas ng takbo. Labis kong ipinagtataka ang kilos ng aking Inang. Sinundan ko siya at alam ko kung saan siya tutungo, sa aming tahanan.Naabutan ko siyang tumatangis sa may kusina. Lumapit ako sa kanya upang pawiin ang kanyang kalungkutan.


"Inang, huwag ka ng malungkot." Panunuyo ko sa kanya habang hinahagod ang kanyang likod.


"Anak, hindi ako nalulungkot sa mga nangyayari, natatakot ako sa maaaring mangyari. Natatakot ako na baka ikaw. . . ang siyang mapili."


"Mapili? Inang, ano ba ang mga sinasabi niyo?" Tinitigan ko siya at siya ring ginawa niya. Pinahid nito ang sarili niyang mga luha, inayos ang kanyang postura at siya'y nagsalita.


"Labingwalong taon na rin simula ng maluklok ang Gobernador sa Republika at sa mga panahong iyo'y pinagbubuntis pa lamang kita." Tumigil ito at huminga ng malalim. "Simula ng maluklok ang Gobernador sa buong Octet ay inihatid nito ang kapayapaan sa walong dibisyon. Mula sa Dibisyon ng Atmos si Gobernador Baron. Isa siya sa mga mandirigmang kalahok sa isang tournamento na tinatawag na Elementa at siya ang nagwagi sa patimpalak na iyon." Labis pa rin ang pagkalito sa akin ni Inang, hindi ko mawari kung anong nais tumbukin ng Inang.


"Sa tuwing mapapalitan ang Gobernador ng ating Republika, tradisyon na ang pagsasagawa sa Elementa. Ito ay isang tournamento na kung saan pipili ng dalawa mula sa bawat dibisyon ang Gabin o ating mga kinatawan upang makipaglaban hanggang kamatayan para sa posisyong pagkaGobernador. Ang nag-iisang matitira mula sa labanan ay siyang tatanghaling kampeon at mamamahala sa buong Octet. Liban pa dito ay ang pagkamit niya sa tinatawag na Pandrox."


"Pandrox?"


"Ang pandrox ay ang kapangyarihan ng walong dibisyon at ang tanging magtataglay nito ay ang nahirang na Gobernador. Dahil dito, mapapasakanya ang bawat elementong taglay ng bawat dibisyon."


Unti-unti ko ng nauunawaan ang pagtangis ng mga mamamayan sa Ferum. Lahat sila'y natatakot sa kung ano ang maaaring mangyari sa Elementa, ang labanan para sa iisang posisyon, ang labanang kapalit ang isang aming mga buhay.


"Ngunit Inang. . . ." pagtawag ko sa kanyang atensyon. " Paano malalaman na isa ka sa mga pinili?"


Seryoso akong tinitigan ng aking ina at nagwikang, "Pag ikaw ay pinasukan ng. . . . "


Bago matapos ni Inang ang sasabihin nito ay pumasok ang nagliliwanag na bolang apoy na aming nakita mula sa bulwagan.


"Ang Gabin!" sigaw ng Inang.


Agad itong pumasok mula sa aming pintuan at tinungo ang kinalalagyan ko. Hinarangan agad ang aking Inang ang daang patungo sa akin.


"HUWAG ANG ANAK KO! HUWAG!"


Ngunit isang siklab ng apoy ang dumapo sa aking Inang at siyang tumilapon.


"Inang!" Agad kong tinungo ang kinalalagyan ng aking Inang. "Anong kailangan niyo sa amin?" Tinungo ako ng Gabin at hinaplos nito ang aking noo ko.


"Malaki ang potensyal mo. IKAW ANG AKING NAPILI. "


At naramdaman kong unti-unting pumapasok ang bolang apoy sa aking katawan. Dahil sa lakas ng pwersang bumabalot sa akin ay hindi ko ito makayanan hanggang sa unti-unting dumilim ang paligid.

——————————————————————————————————————————————————


Anong nakaambang panganib kay Ignitus? Makakaya niya bang harapin ang walong Dibisyon? Anong naghihintay sa kanya sa Elementa?


Maaaring paki-iwan ang inyong mga komento ukol sa kabanatang ito at pakiboto na rin kung nagustuhan ninyo. Maraming Salamat.


Two days after every chapter ang pag-uupdate ko ng mga bagong kabanata. So please bear with me. Thanks.

ELEMENTA: Battle between ForcesWhere stories live. Discover now