Chapter 1

3 0 0
                                        

Characters:

Avie Mae M. Makatangal- main lead
Justin D. Jenero - male lead

*-*-*

(Avie Mae M. Makatangal)

Di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Di ko na alam kung saang lupalop ng mundo ko ibubuhos lahat ng hinanakit ko.

Kasi feeling ko mag isa lang ako.

Ay erase.

Mag-isa talaga.

Highschool 3rd year nako at nasa 3rd quarter of 2nd semester na. Malapit na rin ang next periodical examination kaya madaming pointers na ibinigay ang mga teachers namin bago umuwi para may maireview kami bago ang pagsabak sa pagbibigay ng lahat ng kaalaman ukol sa mga nakaraang pinagaralan. Madami ding group projects na kelangang abalahin dahil malapit na ang deadline nang mga 'toh.

Kada apak ko sa gilig ng kalsada, pakiramdam ko bibigay na ako. Sunod sunod na din ang pag ting ng selpon ko, bumabadya na active na naman ang student's only gc para sa mga gaganaping na okasyon. Pati na rin ang ibang respective gcs ay naguupdate para sa gagawing group activities na dapat unahin ko pagkauwi ko.

Kaso di ko alam kung ano ba dapat talaga ang uunahin ko.

Nasusura ako sa sirili ko dahil hindi ko magawang dumisesyon at pumili na lang ng uunahin para may matapos na. Kaso, di ko alam sa katawan kong 'toh.

Nagpro-procrastinate na naman.

Ayaw kumilos kahit dihado na at tambak na sa gawain.

Lagi namang ganito. Unang una kong kalaban ang sarili ko.

Bago ang lahat, sarili ko ang kaaway ko. Bakit? Pahamak.

Nahihirapang mag socialize.

Natatameme sa unahan tuwing reporting or roleplays.

Nahihirapang sumagot kahit alam ang tamang sagot.

Di magawang kausapin ang ibang kagroup members para makapagbigay ng suhestyon para makatulong sa aming lahat.

Di magawang tumayo sa sarili at umaasa sa iba. Lalong lalo na sa magulang.

Eh kaso, kahit sa magulang di ko rin alam kung talaga bang aasahan ko sila. Kasi after naman sa number 1 problem ko is my family.

Si papa umuuwing lasing. Pagbungad sa bahay, sigaw niya agad ang maririnig. Nahdedemanda ng makakain o maiinom, o minsan pera. Para saan? Edi sa sugal.

Si mama ayun, laging istress. Laging galit. Laging sinusubatan si papa at kesyo pabigat sa pamily, kesyo hangal at walang ambag, puro sugal at inuman ang inaatupag.

Pero kung makasalita si mama parang hindi sya ang may dahilan bakit ganiyan si papa.

Di naman ganiyan noon si papa. Sobrang bait niya. Matino pa sa matino.

May trabaho pa siya noon nung mga nasa 5th grade palang ako. Kaso natanggal kaya ayun, sa bahay na lang siya. At si mama? Akala mo matino.

Pagtuwing wala si papa, kung makaasta parang di niya kami anak. Laging binubuhusan ng galit.

At worst of all? Di siya loyal.

Siya ang unang nanira sa relasyon nila ni papa. Kaso masyadong marupok si papa kaya tiniis niya lahat ng masasakit na ginawa ni mama.

Bakit siya naging lasenggero at taga sugal? Namatay bunso naming kapatid.

Dahil iniwan ni mama ng saglit si bunso kaya ayun, nahulog siya kasi inakyat ang crib. Ang matindi pa, batok niya talaga ang nauna.

Hinding hindi ko makakalimutan yung araw na paguwi ko, maririnig ko na lang yung hagulgol ni papa at makikita ko siyang yakap yakap yung baby bunso namin.

Nung mga araw na yun, wala ako sa sarili ko. Ni hindi ko napansin ano reaksyon ni mama dahil masyadong blanko ang isip ko. At nung mga ilang buwan na rin ang lumipas, kahit masakit parin, nagagawa ko nang kumilos ng maayos at makapagisip ng matino. At dun ko napansin ang pagbabago kay papa.

Para bang bigla na lang siya sumuko. Di ko alam ano ang sinukuan.

Eh andito pa naman ako? Ang panganay niya?

Bakit di mo nalang ako pagtuunan ng pansin kesa sa makipagaway ka kay mama? Kesa sa pagiinom at pagsusugal?

Bakit di ka na lang mas nagsipag at inalagaan ako kasi ako na lang natitira mong anak?

Bakit mas pinili mong sirain ang sarili mo at magpakalunod sa masakit na nakaraan?

Napabuntong hininga na lang ako. Nagbabadyang lumabas ang mga luhang kanina pa palang pinipigilan.

Malayo ang bahay namin. Pero kayang lakarin. Kaya kahit medyo dumidilim na ang paligid, nilalakad ko parin pauwi.

Naamoy ko na yung usok sa mga karinderya na nagtitinda ng sari saring pagkain. May mga nakatambay din na nagtitinda ng mga isaw, barbecue, betamax, kalamaris at iba pang street food na maiisip mo.

Biglang kumulo tiyan ko.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: Aug 17, 2025 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

Static LoveDonde viven las historias. Descúbrelo ahora