He texted you

6.3K 203 28
                                    

He message you part twoooo...

Marami pong salamat sa pagtangkilik(lalim!!!!!!)

sa He message you nung una po nagsusulat lang ako dahil sa pustahan kuno naming magkakaibigan na padamihan ng likes pero ayun naging bula na ang pustahan at ginawa ng libangan. Pagpasensyahan niyo na ang part one nitong HMY dahil bitin. Sorry powsss... Ahahahaha!!!

So dahil may bagong update ang aking labslayp nainspire ako.( actually nung January pa ang update na to.)

Special mention sa aking mga brad jan. Marinel, Mariel, Dhianne( ang aking heroine sa first part), Eilene.

Caution: This is a lame lame story.

_____________________________________

*wiiiiiiihhhhhh* (message alert tone ko)

"Happy Birthday! :* -Yvo"

Di ko alam kung maiinis ako o kikiligin dahil tinext ako ng aking alltime crush na si Yvo. Di ko naman birthday noh?!!! Ano bang naisip nun at binati ako ng happy birthday? Nakahithit ata to!

"? -Yan"

Anak ng patis naman! Nananaig ang kakiligan kaso bakit niya ko binati ng happy birthday ehh hindi ko naman birthday. Nantritrip lang siguro. :/

Kaysa isipin ko siya itutulog ko na lang to. Hayyy... Ansarap humiga! Kapagod naman kasi isipin si Yvo. Alam ko namang malabo niya kong mapansin ehh. Ano ba naman ako? Isang chubby na maitim na kapitbahay na may gusto sa isang campus hearthrob. Natatandaan ko pa nung unang pasok niya sa school. Sinusundan siya ng tingin ng mga malalantod na schoolmate ko. Lalo pa siyang naging apple of the eye ng mga Linta ng maging part siya ng Basketball team ng school namin. Malakas nga lang mantrip. Hayyyyyyy...naisip ko na naman tuloy yung text niya...

*wiiiihhhhhh*

Kinapa ko agad yung cellphone ko sa kama ko.

Tiningnan ko agad kung sino yung nagtext.

"Girl, wag mong tawagan ung bigay kong no. sayo ni Kuya Yvo ha... :) -Liz"

Ha? Bakit?!

"why? Mali ba yung no.? Nagtext na ko sa kanya sabi ko. 'Hi' di siya nagreply pero nagtext siya kanina sa akin. -Yan"

Bakit naman kaya?

Mali ba binigay sa akin na no. Ng kuya niya? Kay liz na nga ako humingi ng no. Niya para sure na sa kapatid niya talaga yun. Kasi yung ibang linta pinagkakalat na may no. daw sila ni Yvo kahit wala naman. Tsaka ayaw ko din malaman ng iba ang pagsinta ko. Kaya buti na lang close kami ni Liz, nakuha ko ang no. ng kapatid niya.

*wiiihhhhhhhh*

"Nagtext ka pa kasi pinagtripan ka tuloy ng mga kabarkada ko. Di ako yung nagtext.-Yvo"

ANO?!!!!

*wiihhhhhh*

" Kasi nasa kabarkada niya yung phone niya. Baka malaman nila na may crush ka kay kuya. Tsismoso pa man din yung mga yun lalo na si Amiel. -Liz"

Bakit naman ako pinagtripan nila. Jombagin ko kaya sila?! At ang Yvo! Imbes na magsorry parang kasalanan ko pang nagreply ako sa text ng mga walanghiya niyang mga kabarkada! Magsama sama sila! Ano ba naman to ohh!!!! Bakit ako naiiyak?!

*riiiiiiiinngggggggggg!!!!!*

"HELLO!!!"

Wala akong pakielam kung sino man tong tumatawag basta inis ako kay Yvo. Akala ko pa man din mabait siya! Akala ko kahit maloko siya gentleman siya. Kaso hindi maling mali talaga at sa kanya pa ako nagkagusto.

He message You (one shot)Where stories live. Discover now