Heto na naman ako, napapaisip nalilito
Ano nga ba tayo?
Napapaisp bakit ang lambing lambing mo.
Nalilito dahil sa pagpapahiwatig ng pag-ibig mo.
Pinipilit kong paslangin,
Damdamin ko sa iyo'y kinikimkim.
Damdaming pilit na pumipiglas asa aking dibdib.
Damdaming alam kong di mo tatangapin.
Tanggap kong tayo'y hanggang dito na lang.
Di maaring lumagpas dahil baka ako ay mapaslang.
Mapaslang nng matalim na katotohahan,
Na ako'y isa lamang kaibigan.
Ngunit bakit ganito ang pinapakita't, pinapahiwatig mo?
Akala ko ba'y siya ang mahal mo?
Ngunit bakit sa akin mo pinpadama ang pag-ibig mo.
Bakit sa akin nakatuon ang atensyon mo?!
Dagli kang pumili , dahil baka ako'y tuluyang mahumaling,
Mahumaling sa pag-ibig na bakja'y di pala para sa akin.
Nalilito ang puso't isip ko, ano ba ito?!
Ako ba o sya ang tinitibok ng puso mo?!
YOU ARE READING
Lito
PoetryLito: confused adj. mixed-up, muddled: magulo, naguguluhan, lito, nalilito, taranta, natataranta artwork featured is from my fanart of Soma and Megumi of #foodwars! 😍😘 #somayukihira #megumitodoroko #foodwarsedit #foodwarsshokugekinosoma #animeship...
