Kabanata 8 - Misteryosong nilalang

14 1 0
                                    

Hernyxia Moscoval

Gumising ako nang may tuwa sa dibdib ko. Ganito ba ang feeling kapag alam mong hindi ka na nag-iisa, i mean may mga nadagdag pa sa kaibigan ko at doon pa lang ay masaya na ako.

Humarap ako sa salamin upang pagmasdan ang kabuuan ko. Hindi ako makapaniwala na ibang-iba na ang itsura ko ngayon kumpara noong nasa mundo pa ako ng Earth. Wala na ang mga marka ng pananakit sa 'kin ng pamilya ko, maayos na rin ang pangangatawan ko at bumalik na sa dating kulay ang balat ko. Noon kasi ay para akong anemic dahil sa putla ko, idagdag pang lagi akong puyat kakatrabaho at may pasa kaya mukha talaga akong may sakit.

Pinasadahan ko naman ng daliri ang tela na suot ko. Isa itong simple white dress na may flower embroidery, saktong-sakto ang sukat nito sa kurba ng katawan ko. Hanggang binte ang haba nito at dahil matangkad naman ako ay pinarisan ko lang ito ng fitted brown leather boots.

Marahil ay nagtatakha kayo, pero si Kia ang may pakana nang lahat ng ito. Napagdesisyonan niya kasi na papalitan na lang ang ayos ko, simula sa buhok hanggang sa style ng pananamit.

Hindi ko alam kung bakit at parang biglaan naman yata, pero pakiramdam ko ay hindi ito isang magandang ideya.

Noong una ay hindi ako payag dahil ayokong mangibabaw sa mata ng mga mapanghusga. Mamaya niyan ay sabihin pa nilang ginagamit ko lang si Kia sa mga kagustushan ko, ayoko naman na mababa na nga ang tingin nila sa 'kin tapos pag-iisipan pa nila ako ng masama.

Pero as usual, wala na naman akong nagawa sa pagpupumilit niya. Siya na raw ang bahala sa may balak mangmata sa 'kin, wala naman daw magagawa ang mga ito kapag ginamitan niya ng kaniyang mataas na posisyon.

Napabuntong-hininga na lang ako at pinagmasdan ang repleks'yon ng mukha ko sa salamin. Wala na ang bangs na humaharang sa mga mata ko. Hindi ako sanay na walang tumatakip sa kalahati ng mukha ko at parang naninibago pa ako sa sobrang aliwalas ng paningin ko, pero nagustuhan ko naman ang mga pagbabago sa 'kin ngayon.

Mahigit isang minuto pa akong nakatitig doon bago napagpasyahang gawin ang bagay na matagal ko nang gustong gawin.

Inalis ko ang itim na contact lenses na nasa mga mata ko at doon tuluyang bumungad ang tunay na kulay nito, a deep shade of tyrian purple. Itinuturing ito bilang isa sa mga rare eye color na iilan lamang ang biniyayaan... at isa na ako roon.

Walang nakakaalam nito bukod sa mama at papa ko na siyang nagpagawa nitong contact lenses, noon ay eye dropper lang ang pinapatak sa mata ko upang magbago ang kulay pero nang tumungtong na ako sa tamang edad ay saka ko lamang ito nagamit.

Hindi ko talaga gusto ang kulay ng mga mata ko dahil pakiramdam ko ay naiiba ako sa lahat, pero ngayon gusto ko nang ipakita ang totoong ako...

"Mukhang tapos ka nang magbihis, maaari ko bang makita?"

Napasulyap ako sa repleks'yon ni Kia nang makapasok siya sa loob. Lumingon ako at hinayaan siyang makita ang kabuuan ko. Ngayon ko lang din napansin na kasama pala niya sina Aerish at Pinky.

"Woah! parang hindi si Eryn ang nasa harapan ko ngayon ah!" bulalas na komento ni Pinky.

Nagniningning ang mga mata nito na para bang manghang-mangha sa itsura ko.

Nakaramdam tuloy ako ng hiya.

Lumapit naman sa 'kin si Aerish at pansin kong kumunot ang noo nito. "Ngayon ko lang napansin na iba pala ang kulay ng mga mata mo."

Gano'n na rin tuloy ang ginawa ni Pinky. "Oo nga 'no, katulad na katulad ito nang kay---"

Naputol ang sasabihin nito nang biglang sumingit si Kia. "Ahem. Marahil ngayon ninyo lamang napansin na kulay lila ang kaniyang mata. Subalit alam naman natin na walang pinipiling sino man ang bathala sa nais niyang biyayaan ng ganitong kulay, hindi ba?"

Vengeance of the Fallen Tribeحيث تعيش القصص. اكتشف الآن