Pinaglilihian siguro ako ni Mads kaya ako ang napagtripan niya. Bwiset.





"Sa tro lang ha! Pinapanood nga namin sila eh, grabe yung kapit ni Alexis sa bewang ni Astrid." Saad naman ni Reign, malamang mapapanood nila kase sa room nila nangyari yon.





Inirapan ko lang ang mga ito dahilan para matawa sila.






"Magluluto na nga kami, nagugutom na ako eh." Wika ko tsaka tumayo.






"Luto well, maglalaro muna kami ng UNO cards." Saad naman ni Chloe kaya tumango ako.





Tumayo na rin si Maddie, dahil dalawa kaming naatasang magluto ng lalamunin namin.






Naghanap kami sa refrigerator kung ano ba ang pwede naming iluto. Sisig, adobong chicken legs, at sinigang ang mga lulutuin namin ni Maddie.







Naluto na ang adobong chicken at sisig, hinihintay nalang namin ni Maddie kumulo ang sinigang. Kaya nagkukuwentuhan muna kami rito sa kusina.







"Noong una naiinis ako sayo, kase utos ka nang utos saakin. Tas tinalakan at inirapan mo pa ako." Pag amin ko kay Maddie kaya natawa kaming pareho.






"Eh wala kase akong maasahan sa room kundi ikaw lang." Sagot naman nito  "tsaka malay kong naiinis ka." Tatawa-tawang dagdag nito.







Nagtama ang tingin naming dalawa, bumaba ang tingin ko sa labi nito, tinignan ko ito. Nahuli ko itong nakatingin din sa labi ko.






Onti-onting naglapit ang mukha namin ng di namin namamalayan, natulala ako dahil may malambot na bagay ang dumapo sa labi ko. Labi pala ni Maddie.






Napapikit ako dahil sa paggalaw ng labi nito, noong una ay hindi sumabay sa halik nito. Makaraan ng ilang minuto ay para akong nawala sa sarili kaya hinalikan ko ito pabalik.





Ilang minuto kaming naghahalikan, nang may bigla kaming narinig na ingay dahilan para matauhan kaming dalawa.





"S-sorry." Nahihiyang wika nito, ramdam kong nagiinit pisngi ko. Shit






"O-okay lang gi—" di pa natatapos ang sasabihin ko nang mag salita ito ulit.






"I l-like you, A-alexis." Sincere na saad nito








"So-sorry pero k-kas--" shit naman Madelaine patapusin mo naman ako.






"I know, alam kong kaibigan lang ang tingin mo saakin, naiintindihan ko naman yon."  Nakangiting wika nito, pero bakas sa mata nito ang lungkot.  "Gusto ko lang kase malaman mo na gusto kita, tsaka alam ko na si Astrid parin ang nasa puso mo. Suportado naman ako sainyong dalawa." Paliwanag nito







"S-sure ka? Sorr--" pisti talaga ang babaeng ito.







"Sure na sure, okay lang naman sakin friend with benefits-- joke lang!" Natatawang sambit nito dahil hinampas ko siya, siraulo eh.







"Baliw ka na, tara na baka nagugutom na sila. Puro ka harot." Saad ko.




•••••




Andito kami sa Cǎihóng, sino magaakala na magkakatuluyan pala si Chloe at Shaniah. Nagulat lang din ako, kung ano-ano pa pinagbabanta ko kay Shaniah may plano naman pala siya pakasalan kaibigan ko huhu.






𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now