Mula high school dito na kami tumatambay.

-

Mag isa lang ako rito sa roof top. Si Alexis mamaya pa susunod iyon— may naramdaman akong yumakap mula sa likuran ko.



Andito na siya!



Hinawakan ko ang kamay nitong naka yakap saakin.




Hinalik-halikan nito ang pisngi ko kaya natawa ako.


Ang sweet niya talaga.




Tumigil na ito sa pag halik sa pisngi ko.




Akala ko tapos na siya kaya hinarap ko ito, pagharap ko biglang nag lapat ang labi namin!



Napa layo kami pareho at natulala.



Nang maka recover sa nangyari ay parehas kaming natawa.



"Ikaw first kiss ko!" Wow, talagang nagrireklamo pa siya!



"Ikaw din first kiss ko, ako na ito hindi ka na lugi no!" Singhal ko rito kaya nag pout ito.



"Pwedeng pakiss pa isa?" Aba't!




Tinalikuran ko nalang ito at tumanaw sa paligid. Naramdaman kong yumakap na naman ito kaya hinayaan ko nalang.

-



Highschool kami noong nangyari iyon.



Nakakamiss din pala ang pag yakap at pag halik nito sa pisngi ko.



"Ayun si Astrid! Huliin nyo!"




Napalingon ako sa nagsalita, may tatlong lalaki na nakatayo sa may pinto. Lumapit ang mga ito, bakit nila ako huhuliin?



"A-anong kailangan ny—wag kayong lalapit!"



"Pasensya na Ms. Jones, napagutusan lang po kaming huliin kayo." Paliwanag ng isa



"Sino nagutos? At ano bang kasalanan ko?!" Naguguluhan ako, wala naman akong nagawang masama ah




"Pasensya na po talaga, kailangan nyo po kase pumunta sa blind date booth. Napag utusan lang po talaga."




"Ayaw ko! May karapatan naman akong tumang--"




"Kahit 5 minutes lang po please?" Pagmamakaawa ng mga ito.




Inaalalayan ako ng tatlong humuli saakin papasok sa blind date booth, tinakpan ng panyo ang mata ko kaya wala akong makita.




"Nahuli ko na rin yung makaka date ni Astrid." Wika ng kung sino, sino naman kaya ang makaka date ko?





"Good par, sige par papasukin nyo na sila." Sagot naman ng isa kaya agad kaming pinasok sa loob.





niguide kami ng isang studyante, naramdaman kong may humawak sa magkbilang bewang ko.




"Miss kapit ka sa leeg ng ka date mo hehe." Wala na akong nagawa kundi kapain ang taong nasa harapan ko at kumapit sa leeg nito.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now