MAXSPAUN MOON : PART 7

Start from the beginning
                                    

Bakit nga ba hindi pwedeng mamuhay nang normal ang anak niya? Ano ba ang basehan ng pagiging normal at hindi? Dahil ba hindi naglalaro si Spaun, hindi na ito normal? Iisang linya lamang 'yon pero matindi ang sakit na dinulot sa puso niya bilang ama.

Pumayag siyang dumaan sa ensayo ang anak niya dahil sa tiwala sa kaniyang asawa, sa lahat ng myembro ng pamilyang Moon. Gano'n na rin sa unti-unting pagyakap sa batas na ngayo'y sinusunod na rin niya. Sigurado rin siya na hindi pababayaan ng pamilyang Moon ang bawat myembro ng pamilya, lalo na si Spaun. Nakikita niya kung gaano kaimportante ang anak niya sa bawat myembro ng kanilang pamilya. Maging ang respeto ng mga ito bilang anak ni Maxpein sa gano'n kamurang edad ni Spaun.

Pero dahil sa tanong nito ngayon, nagdadalawang-isip siya kung tama nga bang pagdaanan 'yon ng anak niya. Unti-unti na nga ba niyang naiintindihan at niyayakap ang batas ng mga Norte? O sumusunod lang siya dahil iyon ang kailangan at takot siyang maparusahan?

Sa edad ni Maxspaun; alikabok, putik, bola at laruan dapat ang hawak nito sa halip na armas at gamit sa ensayo. Sa halip na dahas, dapat ay pakikipagkaibigan ang natututunan nito. Imbes na madapa sa pakikipaghabulan sa mga kapwa-bata, sugat sa pag-eensayo ang nakukuha nito. Sa halip na umiyak at magmaktol dahil hindi makuha ang gusto, iniiisantabi ni Spaun ang pansariling kagustuhan para masunod ang kultura ng pamilya.

"Because you're Maxspaun Moon," hindi nila inaasahang mangingibabaw ang tinig ni Maxpein.

Kanina pa ito nakatayo, may isang dipa ang layo at pinakikinggan ang usapan ng mag-ama. At gaya ni Deib Lohr, nasaktan ito nang marinig ang tanong ni Spaun.

"Mama." Kinabahan si Maxspaun at napatitig sa ama bago muling tinanaw ang ina.

Itinago ni Maxpein ang lungkot sa ngiti. "Nabusog ka ba?"

"Opo, nanay."

Tumango-tango si Maxpein, pinilit ngumiti ngunit walang nakuhang tugon sa anak. Nilingon niya ang bintana at pinanood ang mga bata na malayang naglalaro. Ganoon siya noon. Malaya, nakapaglalaro at nagagawa ang lahat ng gusto. Bago pumasok sa ensayo, naranasan niyang lahat iyon.

"Do you want to play with them?" tanong ni Maxpein saka muling nagbaba ng tingin sa anak.

Masakit makita na sa gano'n kasimpleng tanong ay nagliwanag ang mukha at kumislap ang mga mata ng anak niya. Kawawang bata. Hindi nagkulang sa aruga ngunit mabilis na pinatatanda.

"Do you want to play outside with other kids?"dagdag pa ni Maxpein.

Sandaling nabuhayan ng pag-asa si Spaun. Gusto niyang sumagot ng oo. Ngunit dahil kilala niya ang ina, mahusay itong maglaro gamit ang mga salita, naisip niyang baka kabaliktaran sa tanong nito ang inaasahang sagot niya. Baka inaalam lang nito ang sagot niya at sa huli ay ipaaalala na hindi siya maaaring maglaro.

"I know I'm not allowed to play and it's okay, mommy. I was just curious about the playground. I wanna see what's inside and how it feels running around it, but I don't wanna play with other kids."

Uminom na lang uli si Spaun ng gulaman at naubos agad 'yon. Pinigilan niya ang sariling lingunin ulit ang mga batang naglalaro.

"I want more." Ipinakita ni Spaun ang wala nang lamang baso.

Bumuntong-hininga si Maxpein at humakbang palapit sa kaniyang mag-ama. Naupo siya sa paanan para mapantayan ang mata ng anak niya.

"Go ahead and play outside, Spaun." Parehong nagulat sina Spaun at Deib nang sabihin 'yon ni Maxpein. Matamis siyang ngumiti at inayos ang buhok ng anak. "But I will let you decide who and when to approach other kids. Make friends with them if you're comfortable with that. If you think you're going to have a hard time introducing yourself then don't. If you want me or daddy to introduce you to them, tell us. Everything's up to you."

MWhere stories live. Discover now