patay!! baka' nakakahalata na sila na kakaiba ako,hindi ko kasi mapigilan eh,sana naman hindi nila mahalata na isa akong prinsesa!

" itigil niyo na nga yan!!" sigaw ni Faith

tssk..inggit ka lang!

" pumasok na tayo" sabi naman ni Drake

tumango lang kami,at nagsimula ng maglakad, habang papalapit kami sa loob ng pinto,nag iiba ang anyo ng paligid,sabi ko na nga ba!

naku naman!!! Cristal Balls lang ang kaylangan namin pero unexpected ang kalaban namin sa sobrang dami,lahat sila ay mga Witch Hunters!

tumingin ako sa likod, bigla na lang naglaho ang Gold door

" maghanda na tayo" sabi ni Saphire

kinuha ko na ang Sword ko sa likuran ko,handa na ako!

nagsimula ng lumapit ang mga Witch Hunters habang nagtatawanan

may humila sa buhok ko at kinulong ako sa mga bisig niya, sh*t nakakasakal na!

" hehehehe,,ang ganda ng buhok mo" sabi niya

sh*t ang sakit ng pagkaka-hila niya sa buhok ko, para akong binuhusan bg malamig na tubig

tinapakan ko ang ang paa tsaka umikot sa kanya at sinaksak, yuck! ang panget ng mukha niya, parang bato na natuyo sa sobrang init

oopss!! may dalawa na papalapit sa'kin,ang unang kinalaban ko ay yung may bakal na dala, ang sakit kaya pag natamaan ka

sword vs.iron, sobrang lakas ng bakal niya kaya ang ginawa ko na lang tumalon sa puno at tumalon sa harapan niya at nag-tumbling papunta sa likod niya at sinaksak

ginamit ko siya panangga sa Wand ng kasamahan niya

ilag lang ako ng ilag, walang magagawa ang sword ko laban sa kanyang Wand

kaya nilagay ko muna sa tabi ang sword at kinuha ko ang Sorcerer Wand sa coat, pinatama ko sa kanya kaya lumipad siya at tumama sa puno

tumingin ako sa paligid, naku naman!! nakapaligid sila sa'kin at ako naman nasa gitna nila,kaylangan kong umisip ng paraan

alam ko na!! pinaikot ko ang Sorcerer Wand sa hangin at may sinabi akong spell, paghawak ko sa Wand umilaw naman, at isa-isa ko silang pinatay, yung iba naman ginamit ang Wand nila at pinatama sa'kin, ginawa ko lang panangga ang Sorcerer Wand ko at sinipa sila at pinatay

hoo!!! nakakapagod sobra! pero exciting! ang init naman! siguro dahil sa apoy ni Saphire mabuti na lang may Water galing kay Irene kundi pakiramdam ko nasa impyerno ako sa sobrang init

*after a minutes*

haaay!! salamat naman at natapos na,ang sakit na kasi ng balikat ko,nagpapahinga na kami ngayon nasa harapan lang namin ang palasyo,pero feel ko parang mas mabigat na kalaban ang nasa loob

" pumasok na tayo" sabi ni Drake

tumango naman kami at tinulungan ako ni Jiho na makatayo, katabi ko lang kasi siya,oh diba ang bait niya,napaka-swerte ng babaeng gusto niya, ang tanong sino?

" pa'no naman ya'n bubuksan?" tanong ni Saphire

ano bang klaseng pintong ya'n? bakit walang susi o kaya'y lalagyan lang ng susi? anu bayan!!

" teka,yung waterfalls!" sabi ni Sophia

kaya tumakbo sila sa waterfalls para bumalik na sa dati ang kulay ng balat nila,buti na lang hindi natakot ang mga Witch sa kanila^__^ 

uminom sila ng tubig mula sa waterfalls, at unti-unting bumabalik sa dati ang kulay ng balat nila

pero pinagtataka ko lang, bakit patuloy parin ang pag-agos ng tubig eh malapit na ngang gumuho ang pinaglalagyan nito, ayyy!! ewan! ang hirap maging matalino

" tapos na ba kayo?" tanong ni Drake

tumango lang sila at pumunta na sa pwesto namin, tinulak nila ang pintuan pero wala paring pinagbago, ginamitan ng sword pero wala paring pinagbago

ginamitan naman ni Saphire ng apoy,naku naman Saphire, mag-isip ka nga semento yan hindi wala yang laban sa apoy =__=

haay! naku! nakakapagod tumayo,dun muna ako sa waterfalls mag-papa lamig lang

naghugas muna ako ng mga kamay ko sa waterfalls ang sarap kasi ng tubig,habang naghuhugas ako ng kamay may napansin ako,bilog ang hugis niya at parang mata na nakatingin sakin

curious ako kaya hinawakan ko,then bigla na lang may lumabas na papel, mula sa bilog, kinuha ko yu'n at binasa sa isip, isa palang spell, pero saan ko naman gagamitin?

siguro ang spell na'to para sa pintuan,ang galing ko talaga! may mystery na naman akong natuklasan

tumingin ako sa mga kasamahan ko ayun! sinisikap buksan ang pinto,samantalang ako walang ginawa may natuklasan pa^__^


tomorrow again^__^ hope you like it! thank you!!

Blue Dragon Princess [ Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon