Tinanguhan ko lang ito at nginitian ng pilit.




Hindi ko siya kayang tiisin.




Pero iyong tampo andito parin.




"Saan ka pala galing? Inabutan ka ng dilim sa daan."




"Convenience store." Tipid na sagot ko.




Huminto ako sa paglalakad, huminto rin ito.




Dahil nasa tapat na kami ng bahay nila Astrid.



"P-pasok ka na." Wika ko na hindi ito tinitignan.




"Ah.. magu- overnight ako sa-sainyo.. k-kung ok lang na--naman.. p-pero kung hin—"




Hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita. "Let's go." Aya ko rito at naunang naglakad.





Pinaliwanag nito na wala raw ang magulang niya.




Kaya sabi nila tita at tito na saamin muna siya matutulog, tutal wala rin naman daw akong kasama sa bahay.




Wala naman akong magagawa, nakakahiya naman kase kila tito kapag humindi ako.




Tsaka kapag may nang yari sa babaeng ito, konsensya ko pa. Marupokpok ka lang talaga Maria.

•••••



"Hoy magtira ka naman! Ang onti palang ng nakakain ko eh!" Reklamo ko rito.




Eh paano kase halos siya na ang umubos sa linuto kong limang pancit canton-—and yes, ok na kami hehe. Marupokpok ako eh.




Hindi ko kayang magtanim ng galit sa babaeng ito.




"Ang konti palang yung nakain ko! Ikaw nga dyan nakarami eh!" Salubong ang kilay nito.




"Eh basta magtira ka, mahiya ka naman. Nasa bahay kita oy!" Paalala ko rito, ngunit inirapan lang ako nito at tinuon na ang atensyon sa TV.




Nanonood kase kami nang I have a lover, mas nakakaenjoy kase manood habang lumalamon.




Susubo palang sana ako nang mapalingon ako kay Astrid, dahil nagsisigaw ito.




"Putanginamo Ji Jin-Hee! Isa kang maderpaker na cheatah! You bitch!" Galit na galit, gusto manakit?




"Tangina, bakit ko ba kase nisuggest na irewatch ang boset na Kdrama na to?!" Aba'y malay ko sayo gorl, sinunod ko lang ang gusto mo.




"Why Astrid? Why?" Sabi ko rito kaya napalingon ito sa gawi ko.




"Wats da mader?" Wika ko ulit. Nagsalubong ang kilay nito.




"What's the mader ampots-- isa ka pa eh!" Singhal nito kaya natawa ako




"Why you're so anger?" Pang aasar ko rito.




"Pisti ka Penelope, wag ka na sumabay!" Halos maiyak na ito sa inis, kaya natawa na lamang ako.




Dahil sa inis nito, in-off nito ang TV. Kaya napakunot noo ako




"Hindi pa tap--"




"Ayaw ko na tapusin, naiinis ako sa lalaki boset. Tatanga-tanga tapos cheatah pa ang animal." reklamo nito at uminom nang tubig.




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now