Chapter 2

4.8K 119 0
                                    

"At sino ang niloloko mo?!" nagulat siya hindi dahil sa pagpalahaw ng bata kundi ang sigaw ng kanyang ama.

"Papa!"

"Huwag kang lumapit sa akin, wala akong anak na disgrasyada!" ang pasigaw na sabi ni Don Gregio Marco. Ang kanyang ama.

"Utang na loob papa, magpapaliwanag po ako." ang pagsusumamo niya sa ama.

"Hindi ko kailangan ang paliwanag mo! Sapat na sa akin ag akong nakikita. Kaya ngayon din lumayas kana ng tuluyan at huwag ng bumalik kahit na kailan man!"

"Mula sa araw na ito, wala na akong anak na Fia Ruth Marco ang pangalan!" sabay talikod ng don na galit na galit.

"Yaya, ano ang dapa kong gawin?"

"Wala na aking magagawa, nakapagdisesyon na ang don." at siya kailangang sundin mo yon dahil, alam naman natin na may sakit siya sa puso."

"Pero yaya, hindi ko po talaga anak ito." ang pagsusumamo niya sa kanyang yaya.

Pero pinagsarhan na siya ng pinti nito at alam niya na tuwang tuwa ito.

Matagal na niyang alam ang relasyon nito at ng ama niya.

Nakikinita na niya ang mukha ng anak ng yaya niya na si Susan na nagtatalon pa ito sa tuwa kapag nalaman nito na itinakwil na ito ng ama.

"Diyos ko po tulungan Niyo po ako, wala po akong ibang mapupuntahan."

Biglang umiyak ang sanggol at hindi niya malaman kung paano ito aluin.

Ang bata-bata pa niya 23 lang siya. Kahit nga nobyo wala siya, tapos bigla naging ina siya. Naisip niya ang kapatid at dinukot ang cellphone upang tawagan sana ang kapatid ngunit out of coverage ito, kya tinigilan nalang ang pagkontak dito.

Bigla niyang naalala si Lucio ang kanyang baklang manager.

Agad niyang binitbit ang ang kanyang gamit at nilisan ang lugar na iyon na puno ng hinanakit sa ama.

Mabuti nalang at hindi tumuloy ang nagbabadyang ulan. At kipkip ag baby, habang hila hila naman ang maleta ay agad pinara ang nagdaang trisikel at nagpahatid sa terminal.

Hindi na niya ininda ang gutom at pagod ang mahalga ay marating siya ng Maynila.

Mauti nalang at umabot siya sa last trip. Magdating ng Maynila magbukang-liwayway

agad na pumara ng taxi at nagpahatid sa tirahan ni Lucio.

Agad siyang nag doorbell.
At ilang sandali pa ay bukas ito at nagulat ang kaibigan.

"Ruthie! Ano ang ginagawa mo dito?"

"Mamita, pwedi ba kaming tumuloy dito sa iyo?"

"Sinong kami?" sabay silip sa likuran ng dalaga upang makita kung sino ang tinutukoy na kami.

"Mamita sinong sinisilip niyo?"

"Ang kasamo nasaan?"

"Baby po ang kasama ko."

"Diyos ko Ruthie, bakit may baby ka? Buntis kaba at tinago mo lang sa akin?"

"Mamita pwedu po bang pumasok muna kami?"

"Halika pasok." ang naguguluhang kaibigan.

"Kumain ka muna at mukhang guton na gutom ka na at bukas na tayo mag uusap."

"Umaga na po mamita, kaya mamaya nalang tayo mag usap."

"Sige, mamaya at magpahinga kana muna at ako na ang bahala sa baby."

ANAK SA BASURAHAN written by: Sheng (Complete)Where stories live. Discover now