Chapter 18: Ang Kwento ng Ulap at Ulan

Start from the beginning
                                    

            "Let's not talk... just let me hug you," he added with melancholy in his voice.

            "May problema ka ba?" tanong niya.

            He sshh-ed her. Ikinulong siya ng mga kamay nito at mahigpit siyang niyakap. She succumbed to his warm embrace.

            "Sorry, KM."

            "It's okay, naiintindihan ko kung bakit ka nagalit," aniya.

            "I am so sorry, KM." Pain was evident in his voice.

            "I truly understand you, Paul," aniya habang idinikit ang kanyang tenga sa dibdib nito. "I love hearing your heartbeat, Paul. Para akong kinakausap nito, na kahit hindi mo magawang sabihin na mahal mo ako, kaya kong mag-ilusyon na mahal mo ako. Kapag naririnig ko ito, nakakaramdam ako ng contentment, ng kasiyahan at ng buong pusong pagmamahal para sa iyo."

            Hinaplos nito ang kanyang buhok. Ipinikit niya ang mga mata. Nagkabaliktad ang mundo, walang kidlat at kulog, at ang asawa niya ang nagpapatulog sa kanya.

            Nakatulog siya may ngiti sa labi.

~~o~~

BINUHAT NI PAUL ang asawa papasok sa kanyang kwarto. Marahan siyang naglakad para hindi magising si KM. Pagpasok sa kwarto ay nagulat siya na naroon ang kapatid na si Anthony. May kumudlit na pag-aalinlangan sa kanyang puso.

            Inilapag niya ang asawa at kinumutan ito. Umupo siya sa tabi ng asawa at tinignan ito. Matagal niyang pinag-isipan ang gagawing hakbang.

            After a seeming eternity, he made his choice. He grabbed his phone and dialled Michael's number.

~~o~~

IYON ANG UNANG pagkakataon na makarating si KM sa kompanya ng asawa, at hindi niya sukat akalian na ganoon iyon kalaki. Nang tanungin siya kung ano ang kailangan niya kay Paul at sabihing siya ang asawa nito, nanlaki ang mga mata nito.

            "Good morning," bati niya sa may edad na babae, hula niya ay sekretarya ng asawa.

            "Good morning, Ma'am. What can I do for you?" magalang na tanong nito.

            "Nariyan ba si Paul?" nakangiting tanong niya.

            "Yes, Maam. Pero hindi kayo pwedeng pumasok kapag wala kayong appointment," anito.

            "I am his wife. Dinalhan ko lamang siya ng lunch," aniya kinindatan ito at nagtuloy-tuloy sa loob ng opisina.

            Ipinagluto niya ang asawa para sorpresahin ito ngunit siya ang nasorpresa sa naabutan. May kasamang babae ang kanyang asawa na kumakain ng tanghalian. And what shocked her was they were laughing. May iba sa mga mata ng kanyang asawa habang nakatitig ito sa babae.

            "Sorry, Sir. Alam kong ayaw ninyong magpaistorbo but your wife insisted in coming in," hinging paumanhin ng sekretarya nito.

            Asawa niya ako, ano ang mali sa pang-iistorbo ko sa asawa ko? piping tanong niya.

            "It's okay, Zerlene," anang kayang asawa. Nagulat ito ngunit agad iyong nawala.

            Pinagtuunan niya ng pansin ang babaeng tila diyosa ng karagatan sa sobrang ganda. Parang itong manika, kulot ang buhok at maamo ang mukha.

            She looks so familiar. Inaalala niya kung saan niya nakita ang babae nang sumingit sa kanyang balintataw ang babaeng nasa picture frame na kayakap ni Paul. May bumundol sa kaba kasabay ng pagtusok ng maliliit na aspile sa kanyang puso.

The Song of the Wolf and the Moon (Published Under PHR)Where stories live. Discover now