prologue

5 2 1
                                        

Lahat kami ngayon ay nasa cafeteria nang may biglang sumigaw. Tsk, tsk. Nakakalimutan ata nilang nasa school sila para mag aral, hindi lumandi. Pero syempre dahil don, madaming na curious at umalis sa cafeteria. Pabor naman samin ni Elianna at Himari kasi makakabili agad kami at makakakain nang maayos.

"Demyoon. Di ka curious don?" Tanong sakin ni Sebastian pinsan ko.

"Nah, pass. Mas kailangan kong kumain, trip pa naman ako ni madam Molina ngayon." Sabi ko with roll eyes.

Teacher namin sa math ako na naman trip! Sorry naman kasi di talaga ako gifted sa math. Sinusubukan ko naman pero laging pasok sa isang tenga, labas sa kabilang tenga. Minsan pa pader kausap nya. Di kasi talaga madaling maintindihan explanation nya lalo na kung slow sa math na kagaya ko.

"May transferees daw. Mag pinsan, sa section namin isasama. Lalaki raw." Sabi ni Terrence, pa nonchalant pa sya pero baka tropahin nya rin yung dahil friendly sila.

"Dapat lang, overcrowded na mga lalaki sa section namin." Rinig kong sabi ni Eli.

"True though. Tapos aasim naman." Comment ni Himari na natawa kaming lahat. Minsan lang yan bumanat pero matatawa ka talaga.

"Maganda nga yon, para ma-distract ka tapos ako na yung top ng year natin." Sabi sa kanya ni Kai.

Please maging lovers nalang kayo para matigil academic rivalry nyo. Nakakapagod kayong sawayin na dalawa kapag things starts to get personal at some point.

Tumigil na yung mga babaeng hayok sa pagmamahal ng lalaki pero sinusundan pa rin naman nila, in fact, nandito na sa cafeteria yung mga transferee. Infairness gwapo sila, kaso ang puso ko ay para sa naka dress lang rin.

The guy named Benedict keeps on looking to Eli and the other is, sakin? Yuck! Unuulit ko! Babae din habol ko no. Sa lahat naman ng tititigan nito bakit ako pa? Hinayaan ko nalang sya, wala lang naman kasi sakin kung titigan nya ako mag damag.

Tumayo ako sa upuan ko at akmang tatayo na sana ako kaso loko loko si Sebby, tinawag si Benedict at yung kasama nya kaya lumapit sila samin.

Oh! Kilala ko nga pala yung isa kasi tropa nga pala si Ben sa online games at di na rin bago dahil nakasama na rin namin sya noon, di ko lang gets bakit alanganin yung paglilipat nila ng school kasi fourth grading na.

"Daniel, Ben, kain na kayo tapos i tour namin kayo sa school." Sabi ni Sebby dun sa dalawa habang nakalagay yung kanang kamay sa bulsa nya. Cool kid ka na nyan, Sebby?

I-tour? Hahaha gago akala mo naman sobrang laki ng school natin Sebby. Mga fifth floor lang naman pero malaki yung school grounds plus gym, sabagay medyo malaki nga school namin pero mukhang mayayaman to kaya baka mas malaki yung school nila noon.

"Una na ako, hahanapin ko pa si Alex, papaturo akong mag math plus lalandi na rin." Kumindat ako sa kanila bago umalis.

Bago ako umalis pinigilan ako nung Daniel, apparently pinsan pala ni Ben, tapos nag alok na sya na lang mag turo sakin ng math, pero dahil lalandi nga ako, tumangi ako. Intensyon ko din lumandi dahil multi tasker ako, kaya naman na sabay bakit hindi? Gwapo naman sya pero pareho nga kami ng type.

Naglalakad ako pauwi kasama ni Alex, tuturuan nya kasi ako sa may plaza ng math, syempre kakain na rin kami, kaso may asungot! Yung Daniel na pinsan ni Ben naka sunod.

"Hey, sabi ko sa'yo i'll teach you math!" Reklamo nya sa'kin.

Luh sya di tumatanggap ng salitang 'no'? Ayoko nga! Ang baklang itu ay hindi para sa lalaki!

Tatakbo na sana ako kaso hinawakan nya yung bag ko at pinaalis na si Alex, sumunod naman si Alex sa gusto nitong lalaking 'to!

"Hoy ano bang problema mo? Ayaw ko sabing magpaturo sa'yo!" Sigaw ko sa kanya.

"Sabi ni Baste, help daw kita. You're such a bobo in math daw kasi!" Sabi nya pa with rolling eyes.

Sinabi talaga ni Sebby yon? Weh? Asa naman! Pero wala naman akong choice, wala nang tutulong sa'kin kasi pinaalis na nya.

"Bitawan mo nga bag ko!" Sigaw ko at binitawan naman nya, "isa pa ang conyo mo! Mag tagalog ka nga, mahawa pa ako sa pagsasalita mo!" Nag eye roll din ako sa kanya. Sorry not sorry competitive 'to!

"So, go ka ba?" Nilahad nya ang kamay nya sa harap ko. "May choice pa ba ako?" Nakipag kamay ako sa kanya.

"Cool! The name is Daniel Lyroy Dominic, from now on I'll teach you math." Sabi nya habang winawagwag ang kamay ko. Oo wagwag talaga na akala mo wala akong buto!

"Tagalog nga sabi!" Reklamo ko, "Demise Nikarin Villarde, ayusin mo turo mo ah! Sasakalin kita pag bumagsak ako!"

"Whatever minion!" Pang aasar nya.

"Hoy anong minion! My height is not that short no!" Reklamo ko, tangina nito sinusubok pasensya ko!

Nag smirk sya. "Still a minion compared to me." Edi ikaw na matangkad!

Sa plaza ko na lang sya dinala at di rin kami nakapag aral kasi daming umaaligid at nagpapa picture sa kanya. Edi ayos! Sayang oras at walang natutunan si bading!

"Hoy, dalawang oras na yang nagpapapicture sa'yo at nagpapacute, baka naman pwede mo akong turuan kahit 30 minutes lang?" Reklamo ko sa kanya.

At ayun naturuan na ako ng loko, pero beh kulang 30 minutes kasi kakaunti nag sink in sa utak ko! Pwede na rin kesa wala!

"Hey, what's your socmed?" Tanong nya sa'kin.

"Aanhin mo?" Pagtataray ko.

"Kakainin! Hindi, joke lang. I'll add you so I can send you more notes." Sagot nya.

"Search mo na lang pangalan ko. Ako lang naman nagiisang ganun yung pangalan." Sagot ko sa kanya at nagsimula nang magligpit ng gamit.

"Siguraduhin mong iaaccept mo huh? I'll get going my driver is here." Nag wave pa sya bago sumakay sa sasakyan nya na di ko alam kung anong brand at model pero mukhang mamahalin. Edi ikaw na rich kid!

The Waiting GameStories to obsess over. Discover now