1.

1.7K 62 5
                                    

1. Two months, since then.

Dahil nga hindi naman kanya ang notebook, binaba iyon ni Taeyeon matapos niyang basahin. Pinangako niya na kasi sa sarili niyang mag papakabait na siya. Hindi alam ni Taeyeon kung saan nga ba niya ilalagay ang notebook na iyon kaya't nilagay niya na lang sa ilalim ng kama ni Jessica, dahil doon niya huling nakita.

Bumalik na siya sa higaan niya at kinausap na ang syota niya na ngayon ay nalamang namatay na nga si Hyoyeon noona at si Sunny noona niya. Kahit na ibinalita na nga ito sa media, hindi pa rin alam ng mga Exo dahil nasa ibang bansa sila para sa tour nila. Wala na rin silang panahon para mag bukas ng cell phone at mag search.

Nalungkot si Onew at Key sa nangyari, nalungkot si Min at Amber, nalungkot si Henry, nalungkot ang lahat na kaibigan ng dalawa, kamag anak at lahat ng malapit sakanila. At hanggang ngayon, lalo na't mag dadalawang buwan na ang nakalipas, hindi pa rin nakakalimot si Sooyoung at Jessica sa nangyari.

Tuwing gabi ay maririnig mo pa ring umiiyak si Sooyoung sa kwarto nila ni Tiffany, madalas ring mag sumbong si Tiffany kay Taeyeon pero wala namang magawa si Taeyeon. Hindi niya alam kung anong gagawin kay Sooyoung, gusto niyang kausapin, pero hindi niya magawa. Hinahanap pa rin niya si Sunny unnie niya at Hyoyeon unnie niya.

Wala silang trabaho ngayon, lahat sila nag papahinga. Pinag pahinga sila dahil sa nangyari. Considering, SM entertainment ang agency nila, buti at pinag pahinga sila.

Tumayo na si Taeyeon at lumabas ng kwarto niya, kailangan niyang mag luto para sa anim niyang alaga. Hindi niya man kayang pantayan ang ginagawa ni Hyoyeon, pero ito na lang kasi ang kaya niyang gawin. Wala naman na silang lakas ng loob mag reklamo pa dahil alam nilang mas nasasaktan si Taeyeon pero ipinapakita niyang malakas siya dahil 'yon ang hininging pabor ni Hyoyeon sakaniya.

Lider siya and it is already time to act as one.

Sa pag lalakad ni Taeyeon, nakita niya naman si Yoona at Tiffany sa salas na nanunuod ng TV. Hindi sila tumitingin ng balita, sawang-sawa na silang makita na ang number one girl group ng Korea ay nasira na. Hindi sila nasira, yun ang sabi ni Taeyeon.

"Taeyeonie, anong lulutuin mo?"

Naramdaman nila Tiffany at Yoona na nasa tabi na nila si Taeyeon at tanghali na rin kaya't alam nilang mag luluto na nga si Taeyeon.

"Kung anong maluto ko diyan, gusto niyo bang umorder na lang tayo?"

Napapagod rin naman kasi si Taeyeon ngayong araw. Hindi madali maging lider. Sa anim pa nga lang nangungunsumisyon na siya, paano pa kaya si Hyoyeon na walo ang inaalagaan?

"Order tayo? Anong ioorder natin? Pizza? Hmm, pwede."

Sumagot naman si Yoona ng patanong sa tanong ni Taeyeon pero sa huli si Yoona rin ang sumagot sa tanong niya. Kahit na medyo sawa na si Taeyeon sa pizza, pumayag na lang siya. Kung yun naman ang gusto ni Yoona.

"Si Sooyeon unnie? Nasaan?"

May nag salita naman sa likod ni Taeyeon, at dahil malumanay ang boses, kilala niyang si Seohyun na nga ito. Nahuhuli lagi ng gising ang maknae nila dahil hindi raw siya makatulog tuwing gabi. Hindi naman kayang tanungin ni Taeyeon kung bakit dahil siguro naaalala niya ang Hyoyeon unnie niya. Doon si Seohyun ngayon natutulog sa higaan ni Hyoyeon, mag kasama rin sila dati sa iisang kwarto.

Hindi rin alam ni Taeyeon kung saan nga ba pumunta ang prinsesa nila. Hindi niya na natanong dahil umaga pa lang, wala na ito. Pag gising pa nga lang ni Taeyeon hindi niya na nakita ang anino ni Jessica pero sigurado siyang kasama niya matulog iyon.

"Hindi ko alam maknae. Gisingin mo na yung dalawa mong unnie."

Wala paring alam ang anim sa likod ni Yuri. Wala rin siyang balak ipaalam. Hindi na rin naman na gumagaling iyon kaya't iniiwasan niya munang sumayaw ng sumayaw. Gusto niya pang gumaling iyon, sobra, kahit para man lang sa yumaon niyang Hyoyeon unnie. Yung iniidolo niya.

[LOKH BOOK 2] Let Jessica Jung go | comp.Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu