Obscure town
—❀||❀—
"I didn't know you were into spirit of freedom." Jewel said while riding at her mythical spirit Sero. "You sure love the word freedom itself, huh."
"Hindi naman sa ganun." Rum awkwardly laugh. "Pangalawa na lang ang word na yan. May iba akong pinaka gusto"
Tumango naman si Jewel. "Okay." sagot niya at halatang hindi interesadong malamang. Paano naman kasi mali ang akala niyang word na gusto ng binata. She thought she already knew about him. "Ano yun?"
"Halatang hindi mo gusto malaman." ani ng binata at napangisi na lang si Jewel. "Huwag mo ng pilitin, Jewel."
"Okay."
"Hala. Ayaw mo talagang malaman?!"
"Sabi mo, huwag."
"Manhid mo. Dapat diba pilitin mo ako?" sabi ng binata na ngayon nasa harap ni Jewel nakalutang gamit ang kaniyang air magic.
"I don't beg things"
"Hindi ko naman sinabi magmakaawa ka sa akin. Ayaw mo lang talaga malaman."
Napatawa na lang sila Leif at Pearl sa naririnig nilang pag-uusap ng dalawa. Malapit na sila sa kinaroroonan ng bayan. Buti na lang at nagkita talaga si Jewel at Sero dahil alam na alam ni Sero ang eksaktong kinaroroonan ng bayan.
Makalipas pa ang ilang oras na paglalakbay ay narating na rin nila ang kanilang pakay. Ang bayan sa pagitang ng gubat nang Yaxium at Millinium.
Bumaba si Jewel kay Sero at tinignan ng mabuti ang paligid. Kung hindi nila alam na mayroong bayan dito, baka akalain nila na hindi lang tumutubo ang halaman at puno sa lupa. May kalayuan sa kanila ang mga susunod na puno at kung tatawirin na nila ito mapupunta na sila sa lungsod ng Yaxium.
Let's get over this
Huminga si Jewel ng malalim at magsisimula na sana maglakad ng humarang si Rum sa harap niya. Inangat ni Jewel ang kaniyang tingin kaya nagtagpo ang kanilang mga mata.
"Don't tell me pipigilan mo ako?" She asked at umiling lang si Rum.
"Pero bakit hindi na lang natin kasi sirain gamit ang puwersa?" pagbibigay ng ideya ni Rum na tinutukoy ang paggamit ng kanilang lakas para masira ang Skytupia wall.
"Yung ginamit mo ang puwersa mo nawasak pati ang adira cabin. Kaya kung gagamitin natin iyon ngayon hindi natin alam kung sino madadamay o masasaktan." paliwanag ni Jewel. "Mas safe ito at iwas agaw pansin sa paligid."
"Pero nga—"
"Hush." pagpipigil ni Jewel sa pagsalita ni Rum. "Kung masasaktan ako, malaya kang pagalitan ako, okay?"
Hindi naman na ulit nagbigay reaksyon si Rum kaya nagpatuloy na sa paglalakad si Jewel. Tumingin siya saglit kila Pearl at Leif na tinangoan lang siya bilang pang-sangayon sa gagawin niya.
Tumigil lang si Jewel ng maramdaman ng may nabangga siyang pader, at alam naman ni Jewel na ito na ang Skytupia Wall. Hindi mo nga talaga ito makikita kahit na sa malapitan ka pa.
YOU ARE READING
The Zenith Magic
Fantasy"I am Jewel Fallem. And I have the Zenith Magic" Jewel was imprisoned by the magic Council in a secret place when she was only seven years old. It was by accident that Jewel lost control of her power and almost wiped out an entire town in which she...
