"Tara saluhan mo ako kumain—"





"Hintayin ko pa si Astrid, baka hindi pa siya kumain e." Nahihiyang tanggi ko.




"Kanina pa kumain iyong pinsan ko, tara na hindi na iyon baba ba." Hinila ako nito papunta sa dining area kaya wala na akong nagawa kundi hayaan siya.





Pinaupo ako nito at naglagay ng plato sa harapan ko. Tatanggi pa sana ako pero tinignan niya ako ng masama kaya nanahimik nalang ako.




Ang dami niyang linagay sa plato ko!





"A-ah Thalia hindi k-ko mauubos iyan eh." Napakamot ulo na lamang ako sa sobrang dami.




"Tayo uubos diyan." Ngiti nito at umupo sa tabi ko.




Sobrang dikit niya! Layo ka pleaseee!



Sinubuan ako nito pero tumanggi ako. Sinabi ko na kaya ko naman pero ang sama na naman ng tingin niya!




Wala na akong nagawa kundi tanggapin ang sinusubo nito saakin.




Iisang plato at iisang kutsara lang ang gamit naming dalawa. Pati baso iisa lang ang gamit namin.




"Tikman mo itong Maja blanca na gawa ko." Linapit nito sa bibig ko ang kutsara kaya agad kong tinanggap ito.




Napapikit ako habang nginunguya ito.




"Masarap ba?" Napadilat ako sa tanong nito pero di ako umimik.




"Bat ganon ang lasa?" Salubong ang kilay na tanong ko.





"H-hindi ba masarap?"




"Bat ganon? Ang sarap!" Nakatanggap ako ng hampas kaya natawa ako.




"Akala ko hindi mo nagustohan!" She pouted her lips kaya natawa na naman ako.




Ang cute niya





Nagulat ako dahil lumapit ito saakin. Hindi ako nakareact agad dahil sa ginawa nito.





Dinilaan nito ang gilid ng labi ko!




"Kumalat kase sa labi mo iyong maja na kinain mo." Ngiti nito na parang wala lang sakanya ang ginawa nya!




𝙵𝚘𝚘𝚕𝚒𝚜𝚑 𝙷𝚎𝚊𝚛𝚝 | 𝙶×𝙶 [SeBy]Where stories live. Discover now