"Goddamn, you don't know how happy I am that you cooked for me. But can you please do me a favor and not hurt yourself? You make me worry," bulong niya.


I didn't want to argue anymore besides the fast thumbing inside my chest. "Oo na kasi. Maupo ka na at kumain na tayo," tanging sabi ko.


Titig na titig si Ansel sa akin habang pinaghahanda ko siya ng pagkain niya. Nailang tuloy ako.


Sinimangutan niya ako nang tignan ko siya. Nginuso niya ang sugat ko. Parang bata siyang nakapangalumbaba habang inaantay akong matapos sa ginagawa ko.


"Tikman mo. And do not judge," pagsusuplada ko at pinandilatan siya.


Nagpipigil na siya ng ngiti. Gusto ko tuloy takpan ang mukha niya. Iba ang aura niya. Ang gaan lang.


"Subuan mo 'ko," aniya.


Sa gulat ko ay napaawang ang labi ko. "Ano ka, bata?!"


"Baby mo," he corrected.


Seriously. This man is gonna be the death of me.


I glared at him but all he answered was a playful smirk. He seems to be enjoying this huh.


"Come on, Mrs. Monterro. Feed your husband, please," aniya.


"May kamay ka. Gamitin mo," pambabara ko sa kanya.


I looked at him with disbelief when he stayed immobile as he waited. Dahil nakapangalumbaba siya ay tinitingala niya ako.


May pagsuko akong napabuntong hininga. I took some of the bulalo meat with some rice. Inayos ko iyon at nilapit sa bibig niya. Para siyang batang ngumiti nang tignan ko siya. I couldn't even believe what I'm seeing. Why is the known to be cold and arrogant billionaire acting like this in front of me?


Seryoso ako habang siya naman ay mukhang ineenjoy ang nagaganap. Sinubo niya ang bigay ko habang hindi inaalis ang tingin sa akin.


I couldn't keep still. Sabi kasi nila Manang okay na daw 'yung lasa. Papaanong okay? Sa anong paraan?


I scooped some soup from his bowl and brought it near his lips. Agad niyang sinubo rin iyon.


"A-ano? Masarap ba?" Kabado bente na ata ako!


"Damn," nag-iwas siya ng tingin. "You're not supposed to make me feel this crazy."


What is he whispering about? Pangit ba ang lasa?


"What, Ansel? Does it taste good?" Suminghap ako. "Sumagot ka naman uy! Ano? Kulang ba ng asin? Or nasobrahan ba?"


Gulat akong napatingin sa kanya nang ilagay niya sa ibaba ng upuan ko ang kamay niya at hinila iyon palapit sa kanya. Napapikit ako nang maramdaman ang marahang pagdampi ng labi niya sa sentido ko.


"It's perfect. Thank you," he muttered. Kapag ako nahimatay sa mga galawan niya, huwag niyo akong sisihin. It would definitely be his fault.


After naming kumain ay nagpahatid ako kay Ansel na i-drop niya ako sa bahay nila Naya. Mga hampas ang natanggap ko sa kanya matapos maikuwento ang improvement ng relasyon namin ni Ansel. Nagtanong kasi siya kaya sinagot ko. Nakalimutan kong nanghahampas pala ito kapag kinikilig! Grabe siya!


From: Ansel Monterro
Call me when you're done. Susunduin kita.


Halos matawa ako sa sarili ko nang matanto ko na kinikilig na ako sa messages niya. And ironic lang. Parang last time lang, halos ipagtulakan ko siya dahil ayokong mapalapit sa kanya ngunit tignan mo ang kinahinatnan. Hindi ko pa rin nagawa. Ansel's pull was just too strong. I couldn't escape it.


BS2: Chained by the Billionaire (On Hiatus)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon