May-Akda

27 3 0
                                        

Manigong bagong taon sa lahat!

Panibagong taon, panibagong pag-asa para sa lahat. Kung makikita n'yo sa aking Account, may isa pa akong isinulat bukod dito. Dati pa lamang kasi ay hangad ko na na kahit makatapos lamang ng isang istorya ngunit hindi ko inaasahan na magiging ganoon kahirap na pagsabayin ang pagsusulat sa pag-aaral kaya't heto ako ngayon, muling susubok.

Ito ang ikalawang beses na ako ay susulat. Hinihiniling ko na sana sa pagkakataong ito, maraming suporta ang matanggap ko. May mga natutunan na din akong iba't-ibang paraan kung paano isasalaysay ang aking istorya sa pamamagitan ng pagbabasa ng iba pang mga akda dito sa Wattpad, ngunit hindi pa ako bihasa sa mga iyon. Asahan ang mga Grammatical Errors. Normal iyan sa mga baguhang tulad ko at dahil kauumpisa ko palang ay hindi ito edited. Maeedit lamang ito kapag naisulat ko na ang huling parte. Gayumpaman ay gagawin ko ang lahat at iiwasan ang mga pagkakamali.

Katang-isip lamang ito at kung ano man ang kinalaman ng mga pangyayari o pangalan ng tauhan sa totoong buhay ay nagkataon lamang. Muli, ang nilalaman nito ay galing sa aking imahinasyon. Plagiarism is a Crime.

Nawa'y maging masaya ang inyong taon. Mahalin ang ating mga kaibigan, kaklase, guro, pamilya o kahit na sinong nakakasalamuha natin. Magbigay respeto at galang sa mga nakakatanda upang mas lumigaya ang taong ito.

Sa ngayon ay hindi muna maipopost o publish ang unang parte ng istorya. Aasahan ko ang iyong pagbabalik!

Maraming Salamat!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Default Title - Write Your OwnWhere stories live. Discover now