So, anong oras ako maghihitay rito?

Hindi ko na lamang siya nireplyan at umupo na lang ako sa isang armchair na naririto sa labas.

After how many hours of waiting, wala pa rin akong nakikitang tao na pumarito. Hindi sa kalayuan ay nakita ko ‘yung office ni Karina. Kasama niya ‘yung babaeng pumasok kanina sa kanyang office. ‘Yung babae ay sobrang kinis talaga ng kanyang balat at ang tangos din ng ilong niya. Nakita ko ito dahil naka-side view siya, dahil pababa na ang mga ito.

Masaya silang bumaba. Hindi pa rin umaalis ‘yung tingin ko sa kanila. Nakita ko ‘yung babae na pumasok sa isang sasakyan na nakaparada malapit sa garden ng school. Kahit nasa third floor ako at sila ay nasa baba, kitang-kita ko pa rin ‘yung mga ngiti ni Karina habang kaharap nito ang babae.

And shoootttttttt

Hinalikan ni Karina sa pisnge ‘yung babae?????????

Seryoso ba siya? Akala ko ba ako lang ‘yung gusto niya? Dapat ako ‘yon.

Charot

Pero, grabe! Grabe na talaga ‘yung nasaksikan ko! Kahit umalis na ‘yung sasakyan ng babae ay hindi pa rin nawawala ‘yung ngiti ni Karina!

Kinuha ko ulit ang ang phone at nag message kay Kaye. Nakakainis na talaga. Willing pa naman akong maghintay ng ilang oras dito, pero dahil do’n sa aking nasaksihan, parang huwag nalang, nawalan na ako ng gana!

Winter:
Ilang oras na akong naghihintay rito, pero wala pa ring tao.

Kaye:
Omg, Winter. Sabi pala ni Ma’am na hanggang 2pm lang siya ngayon. Sorry talaga, Win.

Oh, see?

Sinadya ba ‘to sa ‘kin?

Tumingin muna ako sa baba at wala na akong nakitang Karina roon.

Nakakainis na talaga ‘tong araw na ito.

Agad na akong bumaba at nagtungo sa may labasan. May iilang tumawag sa ‘kin pero hindi ko ito sila pinansin.

Agad na lumabas ako at sumakay ng taxi. Wala ako sa mood para maghintay pa ng jeep tsaka, gusto kong matulog.

Itulog ko nalang siguro ‘to.

Nakarating na ako sa bahay. Nakita ko naman si Tita Tiff na niyayakap niya si Mama. Nakita ako ni Tita kaya agad naman silang kumiwalas sa kanilang pag yakap-yakap.

“Sorry po” hinging paumanhi ko sa kanila.

Tita Tiff is kinda kind to me. Sabi ni Mama na Tita raw muna ‘yung itatawag ko sa kanya, kasi hindi pa raw sila kasal.

Tsaka no’ng day pala na sinabi sa ‘kin ni Mama na may girlfriend siya, kinabukasan no’n ay pumarito agad si Tita. Marami pa siyang dalang pagkain para for me. At sabi pa niya na matagal niya na raw akong gustong makita sa personal. And she admitted na pumupunta siya rito pero patago-tago siya, para lang makita ako.

At naaalala ko na pala kung saan ko siya unang nakita. Nakita ko siya sa mall noong lumabas kami ni Ning, kaya pala ang familiar ng mukha niya no’ng nakita ko ‘yung 2x2 picture.

“What happened to your face?” Tita Tiff asked me.

“Wala naman po” sabi ko nang ngiti.

“Weh? Are you sure? Are you hungry na ba?” sunod-sunod na tanong ni Tita sa akin. Si Mama naman ay busy pa rin sa kaniyang pagluluto.

“No po, Tita. Maayos lang po me. Inaantok lang po ako.”

“Okay, mag rest ka nalang muna. Tapos gigisingin kita if maghahapunan na tayo, okay?” tumango lamang ako bilang sagot.

Always Yoo | winrina Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum