"Alam mo Jades, paiba iba ka din ng mood noh? Minsan talaga iniisip ko kung may saltik ka o wala, hahahaha! Pero wala yun! That's what friends are for nga eh!  sabay akbay din sakin.

Nakarating kami ng dorm, sumalpak agad si Cole sa sofa. Natawa na lang ako sa inasal niya. Pagod na pagod lang.

Derecho naman ako agad sa kusina para magluto para saming tatlo. Nagluto ako mushroom omelette na paborito nitong si Cole, corned beef omelette naman samin ni Queen, nag toast na din ako ng wheat bread para samin. Juice for Cole and brewed coffee for Queen and I syempre.

"Hey Cole, get your ass up here already, your breakfast is ready!" saktong sigaw ko kay Cole para naman hindi din mabulabog yung tulog ng iba naming teammates.

Umupo naman agad si Cole at nilantakan ang niluto ko "Delicious Jades, Thank you! Sige na akyat kana, gisingin mo na prinsesa mo at kumain na kayo, breakfast in bed, such a sweet girlfriend you are Jaydee" nakangisi pa tong si Cole.

"I'm not sure if what you said is a compliment or it's just you being you, sarcastic and bully" natatawang sabi ko sa kanya at iniwan na ito.

Umakyat ako ng kwarto namin ni Queen, binaba muna ang pagkain at binuksan ang pinto ng dahan dahan. Sumilip muna ako, tulog pa din si Queen, tinignan ko ang orasan, 7am na. Kinuha ko na yung pagkain at pumasok. Nilapag ko sa kama ko yung tray at linapitan si Queen.

Gods, Frances. You are so beautiful. Hinawi ko yung buhok na tumatakip sa mukha niya at hinaplos ito.

Yinugyog ko si Queen. Para gumising. "Frances, wake up baby"

"What time is it?" Antok pang sagot ni Queen sakin habang nakapikit pa din.

"7am, wake up Queen" sabi ko habang binubuksan yung mata niya. Hahaha!

"Alright alright I'm up Jades, give me 3 minutes to stretch!" sabi nito at nag inat na.

"Alright, shower lang ako ng mabilis, paglabas ko ng bathroom, dapat nakatayo kana ha?" sabi ko at hinagkan ang noo niya.

Nag shower na ako at nagbihis ng mabilis, paglabas ko, ang magandang ngiti ng girlfriend ko ang bumati sakin, nakaayos na sa kama niya yung tray kung saan andun ang breakfast namin.

"Good morning Jades, aga mo ata nagising?" nakangiting sabi niya sakin habang tumatayo.

"Body clock" sagot ko sa kanya habang nakangiti "and nakapag jogging na din ako, sige na, maghilamos kana para makain na tayo, konting konti na lang, lalamig na yung hinanda ko."

"Eto na" sagot ni Queen at pumasok na ng cr. "Sino kasama mo mag jog babe?" tanong ni Queen mula sa banyo.

"Si Cole" natatawang sabi ko ng maalala yung 20 laps namin. Hahahaha kumuha din ako ng post-it note at sinulat ang "I've been in love with you since the first time we met" at dinikit ito sa coffee mug niya. Sakto namang labas ni Queen, umupo siya sa tabi ko at yumakap sa bewang ko. Hindi ko madedeny sa sarili ko na sa simpleng hawak lang sakin nakakaramdam ako ng kuryente at idagdag pa ang kilig.

"What kind of omelette did you cooked Jades?" malambing na tanong sakin ni Queen.

"Corned beef omelette" sagot ko at inakbayan siya, yung isang kamay ko naman humawak sa mukha ni Queen at hinarap sakin, nginitian ko siya at hinalikan, nagrespond naman naman si Queen pero agad ding naghiwalay ang aming mga labi, ngumiti kami sa isa't isa.

"That's all I need to complete my day" bulong ko sa kanya. Let's eat bago pa tuluyang lumamig to" sabi ko kay Queen at tinanggal ang pagkakaakbay sa kanya at inabot ang coffee nito. Binasa niya yung nasa sticky note at kinuha ito. I heard her giggle and I smiled to myself.

So Inlove (FranDeesal Story)Where stories live. Discover now