Bloodline 37: Back

4 0 0
                                    

༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻
CHAPTER 37 - BACK

༺✠༻༺✠༻༺✠༻༺✠༻

※☬※ Shelfei Claire P. O. V ※☬※

Nag hahanda na kami lahat para umalis ng Westveria, dahil ngayong araw na ang takda ng pagbalik namin sa SMA. And I'm getting ready na din , actually kanina ko pa hinahanda ang sarili ko. Hindi dahil uuwi na kami, kundi dahil sa iisang pinaka importanteng rason ko. At hindi pwedeng ipagpaliban ko ang araw na to dahil kailangan ko talagang gawin to. Para din naman to sa sarili ko eh, so why not? At hinanda ko na din ang sarili ko sa gagawin kong to. Iilang araw din akong nag isip about sa plano kong to, at talagang nakapag isip na talaga ako. Inobserbahan ko naman ang paligid. Medyo ayos na pala si Arcane na nasa tabi ni Blood, nalaman kasi naming nahimatay na naman sya nong gabing nag ce-celebrate ng blue moon festival. Ang iba ay may kanya kanya ding ginagawa. Napatingin naman ako sa banda kung saan si Emrick. Nakikipag usap sya kay Cia. Napangiti naman ako nong nag wink sya sakin sign na okay na lahat. Oo kinonstaba ko sya sa plano kong to. Nag mamakaawa pa nga ako sa kanya para lang na pumayag sya.

Hinintay ko pa na maka alis ang pegasus na sinasakyan nila ni Emrick at Cia bago ako huminga ng malalim saka nilapitan si Marvin.

" Vin!! Pwede sayo ako makisabay?? Look, may kanya kanya na kasi silang kasabay eh. "

Napatingin naman si Vin sa iba, saka sya tumingin sakin at ngumiti.

" Of course. "

Giniya naman nya akong sumakay sa pegasus. Masaya ako ngayon dahil nakasabay ko sya ngayon. Yung kami lang dalawa ang sakay sa pegasus?? How I wish the time will stop even just for now. Habang nasa himpapawid ay inaaliw ko ang sarili ko at nakikipag kwentuhan kay Marvin. Wala lang... Gusto ko lang sulitin ang oras na to. Baka kasi di na maulit 😅. Nong ramdam ko naman na okay na at nasulit ko na.

Huminga ulit ako ng malalim....

" Fei, may problema ka ba? You don't feel well. "

" Of course I'm okay. Why wouldn't I?? . "

Nanatili lang kaming tahimik ng mga ilang oras hanggang sa nakapag desisyon na akong mag salita. Okay na siguro to dahil nasa likod ko lang naman sya, di nya naman makikita ang mukha ko if ever.

" Hmmmp.... Vin, I have something that I wanna say to you. Just promise me you won't say anything until I say so. Okay??. "

Tumango naman sya, nararamdaman ko kasi eh kahit di ko sya nakikita. Huminga ulit ako at saka ko hinugot ang lakas ko.

" Okay, I'll say it to you frankly. Kilala mo naman ako na ayaw ko ng pabitin diba? Marvin, I liked you ever since we were young. But when the time goes by, I no longer like you. Because I already loved you . "

Ramdam ko namang na gulat sya dahil sa sinabi ko. Sino bang hindi.

" Bata pa lang tayo, gusto kong maging malapit sayo. I wanted you to see me, but you're always with your books. Hanggang dumating sa punto na ayaw ko na sa mga libro dahil inaagaw nila ang atensyon mo sakin. How stupid right?? 😅 . Wala eh, gusto kita eh, mahal kita. "

Alam kong gulat parin sya sa mga sinasabi ko, pero tulad ng pangako nya ay nanatili syang tahimik at nakikinig sakin.

" Bilang isang babae, dapat sana ay ang mga lalake ang bumibisita sa babae diba? Pero iba ako kung matamaan ehh, dahil gagawin ko lahat makita lang kita lage. Lage kitang binibisita sa inyo. Nakikipag lapit ako sayo, sinusundan kita kung saan ka man pumunta, sinasanay ko ang sarili ko na magustuhan ang mga bagay na gusto mo. Hanggang nga sa pag laki natin di ako lumalayo sayo. Pero ramdam ko may kulang eh. Kahit nga nasasaktan na ako dahil alam ko naman na wala akong pag asa sayo ay tinutuloy ko parin ang kalokohan ko. Dumating na nga sa punto na ikaw na yung umiiwas sakin. "

 The Dusk Descendants: Hidden TruthΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα