When we reached their house ay sabay naminh hinubad ang sapatos namin at iniwan iyon sa porch ng bahay nila bago kami sabay na pumasok.

Nang makarating sa sala ay bumungad sa amin si kuya Kevin kasama ang mga barkada niya, the world is indeed small. I didn't expect to see him here.

“Kuya, nasaan si mama?” Ken asked his brother, “Nasa kusina” sagot ni kuya at nginitian ang kapatid sabay baba ng tingin sa akin at nginitian ako kaya ngumiti rin ako pabalik at kumaway sa kanila.

“Hiii!” bati ko sa kanila “Let's go, lize” agaw ni ken sa atensiyon ko at hinigit ako sa kusina kung saan naroon si tita.

“Ma” agaw pansin ni ken kay tita na nakatalikod sa direksiyon namin dahil sa niluluto nito. Kaagad naman itong humarap at bahagyang namilog ang mga mata nito nang dumapo sa akin ang paningin niya.

Kaagad na binaba ni tita ang dalang sandok at pinagpag ang kamay sa suot na apron bago nagtatakbong lumapit sa akin.

“Bakit hindi mo sa'kin sinabi anak na papupuntahin mo rito si Ashley? At tsaka, sabi mo hindi pa uuwi ngayon 'to?” nakapamewang na ani ni tita sa anak na tahimik lamang na nagmamasid sa gilid namin.

“Hindi ko rin alam ma na ngayon siya uuwi, akala ko bukas pa pero nagulat ako kanina dahil sumulpot nalang siya bigla” ani ni ken, “Sige daw 'nak, panong gulat ba?” sarkastikong panunudyo ni tita sa anak dahilan para mapangiwi si ken.

“Mama namannn!” the man groaned, annoyed.

That made tita and I laughed.

“Tutal ay nandito naman na rin itong si Ash ay imbitahin mo narin si Chrislyn” ani ni tita, tinutukoy niya iyong isa pa naming kaibigan.

“Opo ma, una muna kami ma. Doon lang kami sa kwarto ko” paalam ni ken sa ina. “Oh sya sige at tatapusin ko na rin itong niluluto ko” ani ni tita at nginitian ako bago binalikan ang nilulutong pagkain.

Kaagad kaming nagtungo sa kwarto ni Kenneth pagkatapos n'on at sa akin na niya pinatawagan si vey.

Ringing...
Answered...

“Hello? Bonny? Why did you call?” ani nito sa kabilang linya.

“Gusto kang papuntahin ni Ken dito sa bahay nila may maliit na celebration kasing inihanda si tita dahil birthday ni tito” litanya ko.

“Birthday? Kaninong birthday?” bahid sa boses niya ang pagtataka.

Mukhang hindi lang ata ako ang nakalimot.

Birthday nga ni tito” ani ko ulit.

“Sinong tito?” she asked again, still confused dahilan para matawa ako and as expected, I heard her 'pikon' groan dahilan para mas lumakas ang tawa ko.

I spotted Ken who's standing beside his closet looking at me while smiling. I gave him a puzzled looks and when he noticed that I'm looking at him ay kaagad niyang inalis ang tingin sa akin and pretend that he didn't stare at me for a minute.

“Hoy girl! Nandiyan kapa? Sinong tito nga? Wala kasi akong alam sa tito dahil wala naman ako nun pero may daddy ako” tumawa siya pagkatapos nyang sabihin iyon. Kahit kailan talaga ay ang talandi ng babaitang 'to.

Inilayo ko ang telepono sa tenga ko at tinignan ito ng masama bago ito ikutan ng mata na para bang kaharap ko ngayon ang taong kausap ko sa telepono.

Ibinalik ko lang ulit ang telepono sa tenga ko nang madinig ko ang halakhak niyang parang wala nang bukas.

“Kahit hindi ko kita ang mukha mo ay alam kong inikutan mo ako ng mata. Just like my bonny usually do whenever I said things like that” and then she burst out laughing again.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now