His words never failed to make me fall even deeper.

I bit my lower lip. I can't find the right word to say nang biglang nahagip ng mata ko ang tinderong nagtitinda ng fishball at iba pang mga street food.

"Ahh-ayon oh! Yung mamang nagtitinda ng fishball. Puntahan natin para mabilhan mo na ako" pag-iiba ko ng usapan at hindi na siya hinintay pang magsalita dahil na-una na akong tumungo sa mamang nagtitinda.

"Pabili po ng fishball manong" ani ni ken na ngayon ay katabi ko na, ang bilis namang makahabol ng lalakeng 'to. "Ilan iho?" tanong ni manong, "Dalawa po, manong. Ito po 'yong bayad, salamat po" ani ni ken at hinigit muna ako sa bench na malapit lang rin sa stool.

"Ang ganda ng buwan" biglang ani nito sa gilid ko dahilan para mapatingin ako sa kanya na nakatuon ang buong atensiyon sa itim na kalangitan.

"Sobra" tugon ko na lamang sa sinabi niya at humarap ulit sa kalangitan para di maging awkward ang atmosphere.

We talked more about some random stuffs bago kami tawagin ni manong para sabihing luto na ang fishball namin. Kaagad naman naming kinuha ang fishball at nagpaalam na kay manong.

Nagpatuloy kami sa paglakad dahil malalakad lang naman ang bahay nila since malapit lang naman ito sa paaralan na pinag-aaralan niya.

"Maginaw ba, ash?" he suddenly asked kaya napatingin ako sa kanya and I nodded. "Anomg gagawin? Wala akong jacket" ani nito at nagkamot ng batok dahilan para mapangiwi ako at tinawanan siya. Kailangan bang palaging ganoon ang eksena sa tuwing giniginaw ang babae?

Dahil sa inakto ko ay napatawa na rin siya, "Ayos lang ako ken, huwag ka nang mag-abala" ani ko nang medyo humina na ang tawanan namin.

"Sabi mo ah" ani nito at ginulo ang buhok ko dahilan para mahina akong natawa "Bilisan nalang natin ang paglalakad para makarating na tayo sa bahay dahil maraming ihahandang pagkain si nanay ngayon" nakangiting ani nito kaya naguguluhan ko siyang tinignan.

"Anong mayroon at maraming ihahanda si tita ngayon?" naguguluhang tanong ko at ang unggoy ay ngumisi lang. Tumigil muna ako

"Hulaan mo" ani nito at mas lumaki pa ang ngisi nito dahilan para singkitan ko siya ng mata.

"Hindi ako manghuhula" mariing ani ko na nagpatawa sa kanya, "Alam kong alam mo ash, 'di mo lang ata maalala" nakangiting sabi nito dahilan para mapairap ako.

"Edi ikaw nalang maging ako!" Singhal ko sa kanya at inirapan siya. "Pero seryoso, ano nga ang mayroon?" tanong kong muli, "Hulaan mo nga" pagpipilit nito at nginisian ako.

Edi huhulaan na!

"Anong araw ba ngayon?" tanong ko sa kanya, "Hawak-hawak mo cellphone mo kung tignan mo kaya, ano?" panenermon niya pa kaya inirapan ko siya ulit.

Sa kanya lang ako gan'to umasta.

I follow what he said and it's November 25. November 25? I can't remember anything that happened on this date maliban nalang sa... Ayon! Alam ko na!

It's tito Roy's birthday! Kenneth's father.

"Alam ko na" nakangiting pahayag ko, "Oh sige nga, anong mayroon ngayon?" mapang-asar na ani nito kaya mapang-asar ko rin siyang sinagot, "Birthday ni tito Roy" sagot ko at sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ni ken.

"Ayon naman pala eh! Akala ko nakalimutan mo na ang kaarawan ni papa" natatawang pahayag niya dahilan para mapatawa rin ako.

“Muntik lang” sabi ko at nagtawanan ulit kami parang mga baliw lang.

“Bilisan na nga lang natin ang paglalakad para makarating na tayo sa bahay” pag-iiba niya sa usapan kaya binilisan na namin ang lakad namin na parang pagong.

Love that Last Until EternityWhere stories live. Discover now