A K A L A

4 0 0
                                        

(P A R T 1)


3 year’s ago.


Ito yung pinaka masakit na nang yare sakin. Pinaka nakaka lungkot na nangyare sa buhay ko. Akala ko. Akala ko. Akala ko sya na. Masakit mag pa ubaya lalo na Kung yung taong yun, mahal na mahal mo. Wala akong nagawa kundi palayain sya.

End............


(ISABELLA MARI POV.)
“Ma, aalis na po ako.” sabi ko kay mama. Naiiyak pa nga ako habang sinasabi ko sa kanya to. Kelangan kasi eh. Ayaw kong mamatay sila sa gutom at lalo na ayaw kong tumigil sa pag aaral ang mga kapatid ko.

“Mag iingat ka dun anak ha, wag mong papabayaan ang sarili mo. Lagi mo kaming tatawagan. Kumain ka ng mga masusustansiya para hindi mag ka sakit at wag na wag mong kakalimutan manalangin sa taas.” sabi ni mama saakin.

Pagkatapos nyang mag salita ay umiyak na sya. Ang ginawa ko yinakap ko sya. Pinahalata ko na hindi na ako umiiyak pero halos mabasa na ng luha ko ang likuran ng damit nya.

“Opo ma, promise po yan. Hindi ko po papabayaan ang sarili ko. Kayo din po ha wag na wag nyong papabayaan ang sarili nyo. Tuwing umaga wag kalimutan mag exercise ha. Tapos yung mga maintenance nyo wag na wag nyong kakalimutan inumin ang mga yon.” sabi ko kay mama.

“ Oh kayo naman. Nicole , Julia, at Paulo wag na wag nyong papabayaan si mama ha. Kung may inuutos sya sundin nyo kaagad ha. Wag pasayaw lalo kana Paulo.” sabi ko sa mga kapatid ko.

“Masusunod po ate. Mag ingat po kayo dun.”

“ Oh sya sige, aalis na ko. Kanina pa nag hihintay si manong sa labas. Tama na ang drama. Magkikita pa naman tayo.” Sabay tawa naming lahat.

Habang palabas ako ng gate. Nakita ko yung mga tsimosa naming mga kapitbahay na ang sama ng mga tingin sakin. Ang usapan kasi dito saamin eh ang magiging trabaho ko ay isang pokpok. Haup na mga tsismosa na mga to, wala ng ginawa sa buhay kung hindi mangialam ng mga buhay ng iba. Ang ginawa ko tinaasan ko sila ng kilay tapos sabay hawi ng buhok. Akala siguro nila mga anak lang nila makakapunta ng manila. Pwe!!

Sumakay na ako ng tricycle ni manong. Tinignan ko naman sila mama na nasa labas ng gate habang nag baba bye saakin at nag pa alam na din ako.

Habang nasa byahe ako. Duon pumasok sa isip ko yung address ng tita ko yung papel!!!! Anak ng hatdog naman naiwan dun sa mesa sa kusina. Huhuhuhu. Ano na gagawin ko nito. Tinry ko halughugin sa utak ko yung ibang naka sulat dun. Ang natatandaan ko lang, ay Preselo Subdivision. #17. Hayst nakaka iyak. Mag tatanong tanong nalang ako dun.

Pagka baba ko ng bus. Nag tanong tanong ako dun sa mga nag titinda malapit dun sa may terminal.

“Uhm ate? Pwede po bang mag tanong?”
“Oo, ano yun?”
“Saan po dito yung Preselo Subdivision?”
“Medjo malayo dito yun miss, kelangan mo sumakay ng jeep eh.”

Mag jejeep pa?? Hayst. Tignan ko muna laman ng wallet ko kung keri pa ba ng pera ko mag jeep. 

Kamalas naman oh. Dalawang piso nalang pala laman ng wallet ko. Lakarin ko nalang tutal sanay naman ako sa malayuang lakad.

“Ate? Kaya bang lakarin papunta dun sa Preselo Subdivision?”
“Naku. Hindi po malayo po kasi yun. Pero kayo po kung kaya nyo po. Kung masipag po mga paa nyo hehehe.”

Sus. Yun naman pala eh kayang kaya ko to. Saamin nga ilang bukid dadaanan ko para lang makapa malengke eh.

“Sige po ate. Maraming salamat!!”
“Lalakarin nyo po talaga?”

Si ate naman oh. Walang bilid saakin. HHAHAHHAHHAA

“Oo naman ate. Kering keri ko gusto nyo pasan pa kayo sa likod ko eh.” Sabay tawa ko.

“ Sige ingat ka. Maraming mga kotse kasi ang mabibilis pag tatawid ka ng highway tapos minsan wala pang traffic enforcer. Oh eto tubig baon mo. Baka mauhaw ka sa daan eh.”
“Hay naku ate. Wag na po. Wala po akong pambayad dyan hehe salamat na lang po.
Inabot nya sakin yung isang bottle ng mineral water.
“Naku. Ok lang kahit wag mo na bayaran.”
Bigla akong napangiti. Akala ko kasi mga masusungit mga tao dito sa maynila. Hindi pala may mga ibang tao din pala ang may mga mabubuti ang puso.
“Sige po ate. Maraming salamat po ng sobra sobra!!”.
Nag paalam na din ako at umalis. Nagsimula na din ako maglakad.

Ilang minuto na akong nag lalakad dito sa daan pero wala padin akong natatanggap na sagot sa mga napag tatanungan ko na kung malapit na ba  yung paroroonan ko.

Halos kalahating oras na din ako nag lalakad at ubos nadin yung tubig na binigay ni ate. At halos malusaw nadin ako dito sa daan dahil sa tindi ng sikat ng araw .

May nakita akong akong mga nag titinda ng palamig sa daan. At sakto may nakita akong upuan. Umupo muna ako duon at binaba yung mga dala ko.

Pinag titinginan ako ng mga nag titinda dun na parang hinuhusgahan buong pagkatao ko.
Habang nag papa hinga ako. Nagsalita yung babae.
“Miss. Bago ka lang ba dito?”
“Paano nyo po, nalaman?”
“Diyan kasi sa mga dala mo. Pag may dalang ganyan matic baguhan lang dito sa manila.”
“ Ah opo, bago lang po ako dito. Taga pangasinan po ako. Pupuntahan ko po yung tita ko dito. May inaalok po kasi syang trabaho. Sayang naman po kung tatanggihan ko diba po. Hehehe.” Sabay tingin dun sa mga tinitinda ni ate na mga kakanin at mga iba’t ibang kulay ng palamig. Gusto ko man uminom at kumain pero walang wala na talaga ako. Saan ba aabot dalawang piso ko? Huhuhuhu.

Mukhang napansin ni ate yung pag tingin ko sa mga paninda nya.

“ Gusto mo ba nito? Halika kuha ka.”
“Wala na po akong perang pambili nyan. Na short po kasi ako. Sobrang mahal na pala ng pamasahe.”
“Ano ka ba. Libre lang ito. Para sa katulad mong dalaga na maganda.”
Sus!! Nambola pa si ate. Hindi naman ako maganda eh. Pero sige para sa kakanin at palamig. Kanina pa kasi nagugutom mga bulate ko sa tiyan.
“ Totoo po? Sige po maraming salamat.” Sabay lapit ko sa kanya at kumuha ng dalawang kakanin at tinanong ko kung pwede din ba yung kulay orange na palamig nya. Kapal talaga ng mukha ko.

“ Oh eto. Pakabusog ka.”
Pagkatapos kung kumain. Tinanong ko sa kanya kung saan ba yung Preselo Subdivision.
“Ate? Saan po dito yung Preselo Subdivision?”
Biglang natawa si ate. Hala may sira ba to sa ulo? Jusko sana naman wala.
“Miss malabo ba mata mo? Kanina pa tayo nag kekwentuhan dito pero hindi mo man lang napansin na nasa kabilang kalsada yung sinasabi mong Subdivision.” Tumawa ulit sya.

Dahan dahan akong humarap sa likuran ko. At yun bwala!!! Unang bungad saakin ang napakalaking gate na may naka lagay na mga malalaking letra ng PRESELO SUBDIVISION.

Jusmiyo ka Mari. Sa sobrang gutom at uhaw ko. Hindi ko napansin na nasa harap na pala ako ng subdivision na kanina ko pa hinahanap.

“Sorry ate. Sa sobrang gutom at uhaw ko. Hindi ko napansin na nasa kabilang kalsada pala yung hinahanap kong subdivision. HUHUHUHU.”  Nakakahiya jusko.

“ Oh sya sige. Pasok kana dyan at hanapin mo na yung tita mo. Mag tanong tanong ka sa mga guard dyan. Medjo malaki yang Subdivision na yan. Isa kasi yan sa pinaka malaking Subdivision dito sa Manila. Ingat.”

“Sige po ate. Maraming salamat po sa kakanin at iyang palamig na kulay orange.”  Sabay ngiti.

Tumawid na ako sa kabilang kalsada at lalo akong pahanga ng nasa mismong tapat na ako ng gate.

Nang nasa kalagitnaan ako ng pag papantasya ako sa gate eh may biglang nag busina ng kotse.

“ Ano ba!! Wala kabang balak umalis dyan sa daan?!”

Sa sobrang gulat ko. Napatakbo ako sa gilid.

Umandar na yung kotse at huminto mismo sa harapan ko.

Nung bumaba na yung salamin ng kotse eh. Bumungad saakin ang isang napaka gwapong lalaki. Mala anghel ang mukha . Napaka tangos ng ilong hindi ko masyado makita mga mata nya dahil naka sunglasses ito.

Ay este!!! Hindi pala sya mala anghel. Mala demonyo pala. Pasigaw sigaw pang nalalaman. Bat hindi nalang sya bumaba at mag 1V1 kami dito. Kahit payat ako kaya ko makipag suntukan no.

Bigla nyang tinawag yung guard.

“Guard!!!” sus kung makasigaw akala mo naman sya may ari ng Subdivision na to.
“Guard ano ba!! Diba ang sabi ko wag na wag kayong mag papa pasok ng mga pulubi dito sa Subdivision?! Naka ilang ulit na akong nag sabi sainyo. Sa susunod wala na akong makikita na pulubi kagaya nito. “Sabay tingin saakin.

Pota--- ako?!!! Pulubi?? Bigla kong tinaas ang lalaylayan ng t shirt ko na para bang handa na akong makipag suntukan. Humarap ako sa kanya .

“Hoy! FYI lang ha. Hindi ako pulubi. Bisita ako dito!!  Tumingin  sya saakin.
“Ikaw bisita? Nag papa tawa kaba? Sa ayos mong yan?HAHHAHAHAHHA!!!”
AH. SINUSUBUKAN MO TALAGA AKO.
“Nako. Ganyan din sinasabi saakin ng mga ibang nag papanggap na pulubi na kunyare bisita eh. Ang totoo nyan mag pupulot lang kayo ng mga bote dyan sa mga basurahan dyan sa loob ng Subdivision. At yung iba naman mag nanakaw pa.”

Hayop na to. Talagang pulubi yung tingin nya saakin. Tinaasan ko sya ng kilay.

“Kahit ipag sigawan mo pa na pulubi ako eh. Hindi yan totoo kasi ikaw lang naman nag iisip nyan. At isa pa kung pulubi man ako. Kahit singkong duling hindi ako hihingi sa isang katulad mo na mayabang porket nakatira dito sa isang napakalaking Subdivision dito sa manila!!.”

Napangiti nalang sya.

“Buti naman alam mo.”

Sabay paandar ng kotse nya ng sobrang bilis.

Tumaas dugo ko dun ha. Parang wala ng dugo mga paa ko. Nasa ulo na lahat. Ug nakaka stress!!!

Lumapit saakin yung guard.

“ Ah ma’am. Pwede na po kayong umalis.”

Ano ba to si kuya. Pati sya tingin nya saakin isang pulubi. Nilapitan ko sya at sinabi kong may kakilala ako na nakatira sa loob ng Subdivision.

“Kuya naman eh. Pati ba naman kayo, pagkaka malan nyo akong pulubi?! Sa ganda kong ito???” Ito nanaman tayo. Oo alam ko pilingera ako pero totoo naman kasi ne megende eke eheeee.

“Sino po bang kakilala nyo dito. Sasamahan ko po kayo hanapin bahay nya.”

Yun naman pala si kuya eh mabait naman pala. Di katulad nung isa kanina na sobrang yabang kala mo naman ka gwapuhan. Tss!!

“ no.17 po kuya, alam nyo po ba?” tanong ko kay manong guard.

“Sige po wait lang po, tignan ko lang po sa book ko kung sino at ano po pangalan ng nakatira sa no.17”

Umalis si kuya at pumunta dun sa dko alam basta sa gilid ng gate na parang may maliit na bahay. ( Baguhan lang po kasi ako dito sa manila. Heheheh )

“ Ma’am.  Yung nakatira po sa no. 17 si Ma’am Esme Lopez po. Kilala nyo po ba sila?”

Nung narinig ko pangalan ng tiyahin ko. Biglang sumaya ako. Pero medjo kinakabahan din ako kasi masungit yun si tita.

“ Opo. Opo kuya. Tama po tita ko po si Tita Esme pwede po bang samahan nyo po ako sa loob? Baka po kasi maligaw ako.”

“Opo Ma’am. Sige po. “

Ano ba to si kuya. May pa Ma’am, Ma’am pang nalalaman eh baka gawing katulong lang ako ni Tita Esme.

“Naku kuya wag nyo po ako tawaging Ma’am. Hindi naman po ako mayaman hehe.”

“Sige po. Bago ka lang ba dito?”

“Opo. Taga pangasinan po ako. Pinapunta ako ng tita ko para may kasama/katulong sila. “

“Bakit naman po katulong? Eh hindi ba tita nyo po yung may ari ng bahay na yun. Mayaman sila eh diba dapat pati kayo mayaman din?”

Hay nako kuya. Wag na madaming tanong. ( Yaw ko na masyado mag salita baka ma spoil pa ang nagbabasa nito hahaha. )

“Wag na po madaldal kuya. Sino po pala yung unggoy kanina na sobrang yabang?” Biglang sumagi sa utak ko yung lalaki kanina na sobrang yabang.

“Shhhh. Wag po kayo maingay baka po may makarinig. Sa totoo po nyan ma’am sila po may ari ng Subdivision na ito. Sa pinaka dulo po ng Subdivision yung bahay nila. Sila yung may pinaka magarbong bahay dito. At alam nyo ba hindi lang isa subdivision nila kundi daan daan. Sobrang yaman po nila.”

Ah mayaman. Pero walang modo. Wala syang respeto tsk!...

“ Ganon ba talaga Manong? Pag mayaman kaya na mang apak, mang lait ng kapwa??Tanong ko kay manong guard. Natahimik sya.

“Para saakin po kasi. Ok lang po kung laitin po ako o apak apakan ng mas nakaka taas sakin. Basta ang mahalaga po napapa sweldo po ako ng tama. Lahat po ng ginagawa ko para sa mga anak ko.”

Sa mga sinabi ni Manong guard. Ako yung naaawa sa kanya kung ako din nasa kalagayan nya at may mga anak ako na kelangan ko pakainin gagawin ko din yun. Pero wala eh wala akong anak kaya pag may gumawa sakin nun hindi ko talaga aatrasan.

“Nandito na po tayo. Sige po mauna na po ako.”

“Sige po Manong. Maraming salamat po. Pag tayo yumaman hindi na po tayo aapak apakan ng mga nakaka taas saatin hehe.” Pagmamayabang ko kay manong.

“ Sana nga po hehe.” Umalis na sya kaagad dahil sya lang ang nagbabantay dun sa main gate. At baka masermonan nanaman sya.

Pinindot ko yung doorbell sa gate nina tita. At sakto naman may isang yaya sa may garden na nag didilig ng halaman. Napansin nya ako at lumapit sya saakin.

“Sino po kayo?”  Bagong boss nyo bakit? Choss baka mapalayas kaagad ako ng tita ko. Parang may katandaan na tong yaya nila tita.

“Pamangkin po ako ni Tita Esme.” sabay ngiti ko.

“Ah kayo po ba si Mari?” binuksan nya yung gate at pinapasok ako.

“Opo. Isabel Mari Lopez Garcia po ang pangalan ko.” Oh yan full name na ha. Baka hindi pa ako papasukin ng yaya nila Tita.

“Sige sandali lang. Tawagin ko lang si Ma’am.”

Anak ng tokwa naman na to oh. Hindi pa ako pinapasok. Huhuhu.

Ilang minuto din ako nag hintay sa labas. Pagkaraan siguro ng mga sampong minuto eh lumabas na si Tita.

“Pasok. Mag pa hinga ka muna sa maid’s room at bukas na bukas umpisahan mo na ang trabaho mo.”.  Bukas na bukas?? As in bukas na talaga? Wala po bang chill muna ako kahit isang linggo lang?

“Sige po Tita.” 

Bigla syang tumingin sakin. Tinignan nya ako pababa mula pataas.

“ Simula ngayon wag na wag mo na akong matawag tawag na tita. Dahil ang pinunta mo dito trabaho. Hindi maging tita mo ako. Maliwanag? Sa lahat ng gagawin mo dito ay para sa mama mo at sa mga kapatid mo. Kung ngayon pa lang ay sumusuko kana bukas pa ang pinto para umalis ka.” 

Napalunok ako bago ako mag salita. Hindi hindi ako susuko. Lahat gagawin ko para kina Mama at sa mga kapatid ko. Kailangan makapag tapos sila ng pag aaral.  Kung ako hindi ako nakapag tapos. Sila kelangan.

“Masusunod po Ma’am.”

“Yaya Lita. Ituro nyo sa kanya kung saan ang Maid’s Room at kayo na ang bahala sa kanya.”  Dali dali namang lumapit yung isang yaya na medjo may katandaan nadin. Tantya ko sa edad nya ay 70 na. Napapansin ko din na halos lahat ng yaya nila ay may katandaan na. Wala akong makita na kasing edad ko or mas bata pa saakin or tatanda ng onti saakin.

Umalis na sya. Tinawag ako ng isang yaya para ituro kung saan yung Maid’s Room.

“Iha. Sama ka saakin, ituturo ko kung saan ang Maid’s Room.”

“Sige po.” at sumunod naman ako.

Namangha ako sa sobrang laki ng bahay ni tita. Pero mas lalo akong namanha sa mga nag tataasang kisame at malalaking chandelier na iba’t iba ang hugis. Napansin ko din halos puti ang kulay ng bahay. Sana ganto din kami kayaman nila Tita para hindi na kami mag hirap pa.

Nang mapunta na kami sa dulo ng hallway dito sa palabas ng bahay nila tita may isang room at may nakalagay sa pinto na MAID’S ROOM. Pag pasok namin sa loob puro double deck at mga aparador lang ang loob ng room at isang salamin at isang cr. Maglinis naman ang loob, maaliwas tignan kahit puro double deck, limang double deck ang nasa loob ng room.

“Oh iha.Simula ngayon dito na ang igahan mo ha?” Tinuro nya saakin ang isang double deck na naiiba ang kulay at malapit sa bintana.

“Tayong dalawa ang magkasama sa double deck. Ikaw sa taas ako naman sa baba.”.

“Ok po hehe. Mukhang marami pong yaya sina Tita ay este Ma’am Esme.” Bawal ko na palang tawagin si Ma’am ng Tita.

“Oo tama ka. Marami ang yaya nila sampo ang yaya nila Ma’am Esme. Pang sampo ka. Pero ang pagkaka alam ko hindi magiging yaya dito sa bahay ang trabaho mo kung hindi utusan ng bunsong anak nya si Tanya. Si tanya ay nag tatrabaho sa companya ni Ma’am Esme. Kaya lahat ng ipapa utos nya sayo ay sundin mo. Maliwanag?”  Naku sana naman mabait si Ma’am Tanya. Noong bumisita kasi sila saamin eh halos kainin nya ako ng buhay nung hinawakan ko lang yung manika nya.

“Nasaan po ba si Ma’am Tanya ngayon?”

“Wala si ma’am tanya ngayon. Mga anong oras na umuuwi yun dahil sa sobrang daming kelangan na puntahan nya na meeting. “ Mukhang mahihirapan ako nito huhu. Pero fight lang!!! Para kina Mama at sa mga kapatid ko. Lahat gagawin ko para sa kanila.

“ Oh sya sige. Magpa hinga ka muna mukhang malayo ang pinang galingan mo.”

“Sige po.” Bago ako umakyat sa higaan ko inayos ko muna yung mga damit ko sa pinaka dulo ng aparador. Habang nag aayos ako ng damit nakita ko yung picture nila Mama at mga kapatid ko at si papa sobrang saya pa namin dito. Kumpleto pa kami. Kung hindi lang sana kami iniwan ni Papa edi sana buo pa kami at hindi kami nag hihirap. Napaluha ako. Ano kayang ginagawa nila ngayon? Miss ko na sila.

“Hayst tama na nga kadramahan Mari. Makakakayan mo to remember?kaya ka nag punta dito dahil para sa mga kapatid mo at sa mama mo.”

Natapos nadin ako mag tupi. Inaantok nadin ako kaya umakyat nako sa double deck.

(End of Chapter 1).......


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 20, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Akala Where stories live. Discover now