"E, patay na patay sa 'yo 'yon."

"Second year pa 'yun!" Si Edwin 'yung umamin sa 'kin tapos muntik mag-akyat ng ligaw nung second year high school. Obviously, hindi ko naman sinagot, saka hindi ko hinayaang manligaw kasi alam ko sa sarili kong walang chance. Hindi naman siya na-hurt, kaso rinig ko, this year daw, balak niya ulit akong aminan for the last time kasi mag-college na kami. Sana hindi totoo kasi mahihirapan na naman ako mang-reject. Ano pa ba p'wedeng sabihin bukod sa "sorry, may gusto kasi ako sa best friend ko"?

"Sus. Naghihintay lang ng tamang panahon 'yun. Baka nga sagutin mo na next Friday e."

"'Di ko alam sa 'yo bakit mo pinagpipilitan 'yan." Sinimot ko na 'yung pepsi ko. 

"Para naman magka-boyfriend ka na."

Napasimangot ako. "E, ikaw?"

"Girlfriend gusto ko, sorry ka na lang," sabi niya saka tumawa. Pinipi niya 'yung plastic cup na wala nang lamang cheese sticks. 

"E 'di si Gabby?"

Sinimangutan niya ako. "Ikaw na lang hindi nakaka-move on sa 'ming dalawa."

Napatawa ako kahit medyo hindi ako natutuwa. "Okay, sabi mo e."

Napatahimik kaming dalawa. Maya maya, nagsalita siya ulit.

"Nagsisisi na ako slight sa dare na 'to."

Three to four years ago kasi yata, magkasama kaming dalawang nanonood ng music video ng kanta ni Taylor Swift na You Belong With Me sa Myx. Nasa may kwarto kami ng lola niya kasi nandoon lang 'yung may malinaw na TV, tapos nakabalot kaming dalawa sa iisang kumot. Sa may part na naka-gown na si Taylor at wala na siyang glasses, hinawakan ni Sav ang kamay ko.

"May dare ako sa 'ting dalawa."

"Ano na naman?"

"Kapag fourth year na tayo, sa prom night," sabi niya nang mahina. "Dapat, 'yung una nating isasayaw 'yung pakakasalan natin."

"Ew," sabi ko agad. "Corny."

"Bakit corny? Ang sweet kaya no'n," sabi niya. "Ang special kaya ng prom night. Sa mga napapanood ko, na-i-in love sila sa mga nakakasayaw nila sa prom.  Baka may something talaga sa slow, mellow music saka sa soft lights at lasa ng gulaman na pinapainom sa kanila."

Tawang-tawa ako sa gulaman na minention niya. 'Yung kapitbahay kasi naming fourth year no'n, masama ang loob kasi nagbayad sila ng mahal para lang sa matabang na gulaman as drinks.

"O, ano? Kakasa ka?" tanong niya. Tiningnan niya ako sa mga mata habang nakangiti siya. Lumabas tuloy 'yung dimples niya sa pisngi.

"Oo naman," sabi ko, not knowing kung gaano kabigat 'yung sagot na 'yan pagtungtong ko ng fourth year. "Ako pa."

Ngumisi siya sa 'kin saka niya na pinatay ang TV.

"Ewan ko ano pumasok sa isip ko no'n," sabi ni Sav. Tumayo siya saka tinapon ang plastic cup niya. "Gano'n talaga 'yun, 'no? 'Pag bata ka, ang magical ng mga bagay bagay na hindi mo pa magawa katulad ng prom. Sobrang big time na sa 'kin 'yon noon kaya . . . ewan."

"O, nagpapaka-senti ka na naman."

"Bwisit. Seryoso nga."

"E 'di yayain mo na si Gabby para maging magical na next Friday mo." Para talaga akong timang. Hilig ko siya pagtulakan sa iba kahit wala na akong ibang gustong gawin kung hindi hilain siya palapit sa 'kin.

"Para kang timang." Minsan, feeling ko nababasa ni Sav ang isip ko.

"Oo, timang talaga."

"Wala nga kaming something ni Gabby," pilit niya. "Ikaw lang malisyosa dito."

"E 'di 'wag mo na rin sa 'kin ipilit si Edwin."

"Pinipilit ko ba?" 

"Lagi mo siyang sinasama sa usapan!"

"Para naman ma-consider mo siya. Grabe, tatlong taon na naghihintay sa 'yo 'yung tao."

"Gano'n ba 'yun? Naka-depende 'yung pag-reciprocrate ng feelings sa kung gaano katagal nang naghihintay?"

Napakagat ako ng labi kasi napatahimik si Sav. Nag-swing na lang siya sa duyan.

"S-Saka . . . hindi ko naman kasalanang wala 'kong gusto sa kanya," sabi ko.

"Okay," sagot niya. "E 'di maghanap ka ng ibang isasayaw."

Tiningnan ko siya. "Yabang mo. Feeling may isasayaw ka naman diyan."

Tumawa sa 'kin si Sav saka tumayo sa duyan. Naglakad siya saka tumigil sa harap ko.

"Ano, gulatan na lang?"

Napangiti ako. 

"'Wag mo 'ko hinahamon, Sav."

Inabot niya ang kamay niya sa 'kin.

Onse anyos ako nung nalaman kong hindi nagkakagusto sa lalaki si Sav. Nalaman ko lang no'ng isang beses, nakita ko syang nakatitig Kathryn Bernardo hindi dahil sa naiinggit sya sa buhok niya or sa suot niyang damit. Sabi niya, yung nararamdaman niya raw ay hindi inggit. Sabi niya, yung feeling daw na parang gusto niyang hawakan kamay niya. 

Noong panahong 'yon, 'di ko siya gaano gets. Na-gets ko lang two years later nung naramdaman ko 'yung eksaktong pakiramdam na 'yon pero para sa kanya na. 

No'ng kamay niya na 'yung gusto kong hawakan.

In denial pa 'ko nung una. Sabi ko, baka nagdadalaga lang ako. Baka epekto lang 'to ng hormones, or sabi nga ng iba, baka phase lang 'to, pero hindi, e. Paulit-ulit sa isip ko 'yung phase lang 'to phase lang 'to phase lang 'to kapag nababaliw na akong paikot-ikot sa kama ko kakaisip sa kanya at sa mahaba niyang buhok at sa pakiramdam ng malambot niyang kamay. Para na akong tanga.

Sobrang mali in many different levels ng nararamdaman ko at pilit ko namang isinantabi. Believe me or not, na-consider ko talagang sagutin si Edwin no'ng second year para lang ma-distract ako from Sav kaso bukod sa unfair 'yon, mas hindi ko pala kayang makita si Sav at Gabby nang magkasama. Or makita siya with anyone else, sa totoo lang.

Napabuntunghininga ako saka inabot ang kamay niya.

Ngumiti naman siya.

Lichugas talaga. Kung hindi lang kami kumasa sa certain dare na 'yon sa tapat ni Taylor Swift e 'di wala akong problema ngayon.

───────────────

si sav at si sofWhere stories live. Discover now