Kapitulo - XIII

Depuis le début
                                    

"Sila ay parang pangkaraniwang tao lamang. Ngunit, nagiging pula ang kanilang balintataw at tumatalas ang ngipin kung nais nilang pumatay at sumipsip ng dugo lalo na sa mga kababaihang dalaga pa. Nais nila ng birhen na dalaga, iyong hindi pa nakakatikim ng..." Napahinto si Agustin nang mapansin na ang tatlong kinakapatid ay tila nag-aabang ng isang paliwanag. "...alam na ninyo ang aking nais sabihin. Kung kaya ay pagaingatan ninyo si Dolorosa. Katulad din sa atin ay---"

"Hindi sila tumatanda," Putol ni Don Xavier.

"Sí, ama." (Oo, ama) Ani Agustin.

Napangisi na lamang si Marco sa narinig, "Kung gayo'y kaming walang asawa ay malaya kaming sipingin ang bawat dalagang binibini sa bayan upang sila ay mailigtas." Pilyong saad ng binata. Napansin niyang kumunot-noo ang kaniyang ama.

"Umiiral na naman ang iyong pagiging tonto, Marco! Ako'y binibigyan mo ng sakit sa ulo! Hindi ka nag-iisip. Alam naming dalawa ang iyong ulo, huwag parati sa ibaba ang paiiralin! Kundi dito!" Sermon ni Don Xavier habang tinuturo ang sariling sintido.

Napakagat ng labi si Adrian at pinipigilang matawa sa reaksiyon ng kaniyang kuya na ngayon ay namumula na sa hiya.

"Pilyo," Pakli ni Oliver.

Napailing na lang din si Agustin sabay ngisi at tinapik ang balikat ni Marco.

"Maiba tayo," Saad ni Don Xavier at napaayos ng upo na kanina ay naka de-kwatro. "Sa lunes ay ang kauna-unahang bilog na buwan ngayong pebrero. Ang unang pag epekto ng kwintas na buwan na naroroon kay Luna, maaring kaya na nitong panatilihin ang buwan kahit na umaga. Sa ngayon ay nagbibigay na ito ng senyales ng halimuyak. Ikaw Oliver ay ingatan mo ang iyong anak lalo na at mainit sa mata ng ibang nilalang ang kwintas."

Napatango si Oliver bilang tugon, "Ama, wala na bang ibang paraan para maigamot si Luna? Oo nga't hindi na siya nagkakasakit pero malapit naman sa peligro,"

"Ako'y naghahanap pa rin ng paraan para makagawa ng gamot para kay Luna. Kung buhay pa sana ang pangkat ng mga hukluban, marahil ay hindi na tayo nahihirapan pa." Saad ni Don Xavier. Nababakas pa rin sa kaniyang mukha ang pag-aalala sa kaniyang apo na si Luna.

ABALA sa pag gagansilyo si Dolorosa at Kahimanawari sa sala kasama si Luna na abala rin sa pag-hehele ng kaniyang munting manika.

"Magsasama na talaga tayo araw-araw, Dolor. Hindi na ako mababagot," Ani Kahimanawari kay Dolorosa na kanina pa nahihirapan sa pag gagansilyo.

"Siyang tunay, mag-uusap na tayo ng matagalan. Pero sa ngayon ay naiinis na ako sa pag gagansilyo. Tingnan mo naman ang aking mga kamay ay puro tusok na ng karayom. Nais kung maglibot at magliwaliw. Hindi ko maarok kung bakit tayong mga babae ay nasa bahay lamang? Itong oras na ating nasasayang ay mahalaga," Tugon ni Dolorosa, tagaktak na ang kaniyang pawis sa noo at hindi na mawari kung ano ang kaniyang ginagawa.

"Iyong hinaan ang boses baka marinig ka ni lolo," Sabay tawa ng mahinhin ni Kahimanawari.

Napangiti si Dolorosa sa kaniyang pamangkin. Natatawa siya minsan kung tinatawag ng dalawang pamangkin ang kaniyang ama at ina ng lolo at lola, dahil parang hindi angkop lalo na at hindi pa matanda ang mga mukha ng kaniyang mga magulang.

"M-magandang umaga, mga binibini..."

Sabay na napalingon ang dalawa nang makita ang isang binata na nakasuot ng sombrerong buri at may dalang liham.

Napatayo si Dolorosa at nilapitan ang binata, "Ano ang iyong pakay, ginoo?"

Ibinaba ng binata ang sombrero at inilagay sa dibdib para magbigay galang. "Nagpadala ho ng liham ang kaibigan ni Don Xavier na si ginoong Himala ng isang liham. Patungkol po ito sa nangyari kanina lamang sa kanilang baryo,"

Via DolorosaOù les histoires vivent. Découvrez maintenant