Chapter 1

15 2 0
                                    

"Mas bagay sa'yo ito, bes."

"Talaga ba? Baka hindi bagay ha?" Sabi ko sa kaniya.

"Ano ka ba! Kailan ba naging pangit choices ko?" She asked me.

"Ewan ko bakit nagiging conscious ako lagi sa mga sinusuot ko." I told her while glancing at the mirror.

"Sus! Nagpapaganda ka kasi sa crush mo. Si Yvo na ba gumising sa natutulog mong pu— pft." Humahalakhak pa si Stella habang sapo-sapo ang tiyan.

"Grabe ang bastos mo talaga, Stel." Sabi ko sa kaniya.

"Hoy! Anong bastos do'n Lorraine? Puso kasi iyon. Ikaw ang bastos kasi iba iniisip mo." Tumawa pa siya pagkatapos niya sabihin iyon.

"Whatever." I rolled my eyes heavenwards before checking myself again in front of the mirror.

Nagpaplano kami magshopping sa labas at pagkatapos ay kakain kami.




"Mamili tayo ng mga swimwear. Nakapunta ka na ba sa Convallaria?" Tanong ni Stella sa akin habang pumipili kami ng mga bikinis.

"Hindi pa. Maganda raw doon diba?"

"Sobra, ghorl! At alam mo ba na doon nag-aaral si bebeloves mo?"

"Talaga? Transfer na tayo dali." Binatukan niya ako.

"Baliw! Hindi pwede. Tsaka magtatransfer na rin siguro si Yvo dito."

"Matagal pa iyon." I told her.

"Isang taon na lang. Next year nga dito na siya mag-eenrol eh." She told me.

"Omg! Yvo ikaw na ba ang sagot sa aking mga dalangin?"

"Sira! Bilisan mo na r'yan." She told me.



It feels like time flies so fast. Nakapila kami ngayon ni Stella para magpa-enrol. May iilan na nakatingin sa amin. Itong kaibigan ko naman ay walang pakealam at nakatingin lang sa phone niya.

Ang haba ng pila pero na sa ika-siyam kami sa pila. Napatingin ako sa dumaan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Yvo. Kumurap-kurap pa ako para masigurado na hindi ako namamalikmata.

"Stel..." I called her.

"Hmm?" she answered while her eyes still glued on her phone.

"Si Yvo ba iyon?" I asked her.

Napaangat ang tingin niya sa tinuturo ko.

"Oo, siya nga. Kanina ko pa hinihintay ang masungit na iyan."

"Yvo!" Tawag niya rito.

Yvo looked at our direction. Our eyes met. There goes my heart beating so fast. Naglakad siya papunta sa direksyon namin.

"Tapos ka na magfill-up?" She asked him.

Tumango lang ito.

"Oh siya, dito ka na pumila sa amin. Okay lang ba na maki-insert siya rito?" Tanong ni Stella sa grupo ng mga babae sa likuran namin.

Agad namang pumayag ang mga ito habang hindi inaalis ang tingin kay Yvo. I rolled my eyes heavenward. I shifted my gaze infront. A men's perfume envaded my nose.

Damn! That's Versace!

Naramdaman ko sa likod ko si Yvo. Si Stella kasi ang na sa unahan ko at ako ay nakapila sa likod niya. Ngayon si Yvo ang na sa likod ko.

Itong mga babaeng ito kanina pa nagrereklamo na mahaba ang pila pero pumayag na sumiksik si Yvo dito sa pila. Napailing na lang ako.

Hays dadami yata kaagaw ko kay Yvo.


Sobrang init sa pila kaso nabuhayan ako ng dugo nang kami na ang susunod na magpapasa ng documents at enrollment form.

Hinintay lang namin na matapos si Yvo bago kami pumunta sa cafeteria. Naghanap kami ng bakanteng table at nang may makita kami ay agad kaming umupo doon.

May iilan na napapatingin sa mesa namin dahil kasama namin si Yvo. 'Yong iba ay pasimple pa sa pagkuha ng litrato at ang iba ay obvious na si Yvo ang pinaguusapan.

Pero si Yvo ay parang walang pakealam sa paligid niya. Nakasalampak sa tenga niya ang earphones niya at naririnig ko pa ang tugtog. Busy siya sa phone niya. May ka-text na naman. Iyong Aya na naman siguro ang kausap niya. Nakakapanghina talaga kapag may ibang gusto o mahal ang crush mo.

Bumili kami ng makakain. Pagbalik namin sa mesa ay si Yvo naman ang bumili ng kakainin niya.

"Oh! Bakit parang wala ka na naman sa mood d'yan?" Stella asked me.

"May girlfriend na pala si Yvo. Uncrush ko na siya." I told her.

"Ha? Sino? Wala namang girlfriend yun eh."

"Meron. Nakita ko may ka-text siya noong debut mo. Nabasa ko pa nga convo nila eh, Aya pangalan."

"Aya? Wala naman akong kilala na Aya pangal— ay baka si Rhaya! Iyong bunsong kapatid nila. Aya tawag niya r'on eh." She told me.

"May kapatid pala siyang babae? Bakit tatlo sila nakita ko noong hinatid ako pauwi?" I asked her.

"Masakit puson n'on kaya 'di siya nakadalo sa debut ko."

"Ahh..." tumango-tango pa ako sa kaniya.

"Hindi na pala ako mag-ooverthink nito gabi-gabi." I told her.

"Sabi ko naman sa'yo eh. Walang girlfriend 'yon, mailap kasi sa mga babae."

Napatingin ako kay Yvo. I smirked.

"Alam ko ang tinginan na 'yan. May binabalak ka 'no?"

"Wala naman..." sabi ko sa kaniya at sabay kaming tumawa pero sabay din kaming tumahimik nang makita namin na pabalik na si Yvo sa mesa namin.

Umupo siya at nagsimulang kumain ng tahimik.

"Hindi mo ba ako susubuan?" Tanong ko sa kaniya.

Stella paused from eating to look up to me then to Yvo. I felt Yvo paused from eating. Napatingin siya sa pagkain ko sa aking harapan.

"Why don't you shut your mouth and start eating, woman?" He told me.

"Why don't you love me instead? I promise, I will shut my mouth."

I heard Stella chuckled.

"You're so annoying." Naiiritang sabi niya bago magpatuloy kumain.

"Bakit ba naiinis ka kaagad d'yan? Uy! Crush mo ako 'no? Kung sa bagay, sino ba naman ang hindi. Eh ako na ito oh."

Hindi napigilan ni Stella na matawa kasi halatang naiinis na si Yvo sa akin.

"You know, you can date me naman eh, hindi naman ako tatanggi. Huwag ka na mahiya, ako lang ito." Pang-aasar ko pa sa kaniya.

I heard him sighed.

"I will never date talkative girls. Especially, you."

"Hindi ako naniniwala." I mocked him.

Masungit niya lang ako tinignan bago itinuon ulit ang sarili sa pagkain.

Nagulat ako nang bigla niyang isinubo sa akin ang fries na hawak niya.

"There. Now, shut up." He told me without leaving his gaze on his food.

I involuntarily smiled. My hearts feels like jumping out of my ribcage in so much joy. It looks like my heart's celebrating victory.


Summer Love | Lawfully_Yours



Author's Note:
Pasensya na sa matagal na update. Anyways, enjoy your Christmas break guys kasi kami hindi lol. Been busy this month. Thank you sa patuloy na pagsuporta sa aking mga isinusulat. Lab y'all!

Summer LoveWhere stories live. Discover now