Part1. First day High

1K 13 3
                                    

-------------------------------------------------------

"Papa bakit ka po aalis? Saan ka po pupunta?" tanong ko kay Papa.

"Wala ka ng pakialam dun! Bitiwan mo nga akong peste kang bata ka" sabi ni Papa. Tumingin ako kay Mama na pilit pinipigilan si Papa. Hindi ko alam ano nangyayari. Naguguluhan ako.

"Greg wag mong gawin sa amin 'to! Maawa ka sa anak mo. Kahit sya na lang ang alalahanin mo. Maawa ka sa kanya." sabi ni Mama kay Papa. Pero nagulat ako kasi sinampal ni Papa si Mama kaya napasigaw ako nung makita ko si Mama na bumagsak sa sahig namin.

"Wala na akong pakialam sa inyong mag-ina.  Nung una pa lang alam ko na Rochelle na hindi ikaw ang mahal ko. Pinilit lang ako ng parents ko" sabi ni Papa kay Mama sabay labas ng bahay namin. Naguguluhan ako sa nangyayari kasi aalis na si Papa tapos sabi nya wala na daw syang pakialam sa amin ni Mama. Galit ba sya sa amin? Wala na ba syang pakialam sa amin? Hindi na ba talaga nya ako mahal?

----------------------------------------------------------------------------------

After 10 years..

"Miggy,anak gising na pupunta pa tayong palengke. Baka tanghalian tayo at matumalan anak." ginigising ako ni Mama para pumunta sa palengke tuwing alas tres ng umaga. Nagtitinda kasi kami ng isda doon. Ayun lang ang pinagkakakitaan namin ni Mama magmula nung iwan nya kami nung  5years old pa lang ako.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko lahat ng nangyari ng araw na yun. At sumumpa ako na balang araw ay hahanapin ko si Papa at tatanungin ko sya kung bakit nya nagawa sa amin ni Mama yun. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako galit kay Papa. Sino ba naman ang maliligayahan na sa tuwing maaalala ko yun ay nakikita ko kung gaano kami inayawan ni Papa. Ano ba kasing mali kay Mama at lalong-lalo na sa akin.

"Hmmm. Iniisip mo na naman ba yun?" tinutukoy ni Mama ay yung pang-iiwan sa amin ni Papa. Alam nya kasing pag malalim na ang iniisip ko ay malamang iyun ang takbo nito.

"Hindi ko pa rin po kasi maintindihan hanggang nagyon Ma, may mali po ba sa atin at iniwan nya tayo? " ako.

"Anak walang mali sa atin anak, siguro nakatadhana lang na ganon ang mangyari. At tulad nga ng sabi ko sayo dati pa ay wag mong sisihin ang sino man,kahit si Papa mo. Dahil una sa lahat biktima din sya sa pangyayari" sabi ni Mama. Ewan ko ba dito kay Mama kung bakit ganito sya kabait. Siguro kaya sya iniwan ni Papa ay dahil sa sobrang kabaitan nya.

"Anak tara na at baka mahuli na tayo" sabi ni Mama. Umalis na kami ng bahay at pumunta na sa palengke. Tuwing umaga ganito ang ginagawa ko. Tumutulong muna ako kay Mama sa pagtitinda bago pumasok sa eskwelahan na pinapasukan ko.Isang public high school dito sa amin.

Pagdating namin ni Mama sa palengke ay pinagtulungan namin ang mga inangkat na isda para ibenta at ng kumita, dahil kung hindi namin gagawin 'to ay hindi kami kikita at hindi ako makakapag-aral. Medyo maaga pa pero medyo mabili na din naman. Hindi kami natumalan ni Mama ngayon. Mabuti naman at ganun.

Nung medyo papasikat na ang araw ay nagsabi na ako kay Mama na uuwi na at magbibihis para makapasok. Total tapos na din naman na ang mga kailangan kong gawin dito.

Pagdating ko sa bahay ay naligo at nagbihis na din ako tapos pumasok. Kailangan kasi maaga ako ngayon dahil may flag ceremony. Tsaka ayokong makipagsabayan mga estudyante mamaya kasi sigurado akong matagal ang paghahanap ng room at section mamaya.

Pagdating ko sa school ay tamang tama lang dahil konti pa lang ang mga estudyante kaya naman mahahanap ko ng madali ang room ko. Nung medyo madami na din yung mga estudyante ay nagsimula na ang flag ceremony. Nagbilin lang ang mga teachers at konting speech mula sa principal namin at pinapunta na ang lahat sa

Pagdating ko sa room ay nakita ko kaagad yung mga bestfriend ko na sila Shiela, Ellaine at ang kakambal ko daw na si Jim, hindi kami magkamukha ni Jim, nasabi lang ng mga kakilala namin yun dahil kami talaga yung matagal ng magkaibigan bago pa namin makilala sila Shiela at Ellaine.

"Oy mga te! ayun na pala si Miggy eh. Hindi man lang tayu nilapitan" sabi ni Jim.

"Pampam ka talaga baks. Kadadating ko lang din kaya. Tsaka lalapitan ko na din kayo nauna mo akong nakita dahil sa mga false eyelashes mo" Pang-aasar ko kay Jim.

"Tse! False eyelashes ka dyan. Totoo yan noh!" sabi ni Jim. Oo nga pala hindi ko pa nasabi. Bisexual nga pala ako, pero discreet ako. Hindi ako masyadong malandi kumilos medyo modest lang naman. Alam ni Mama na ganito ako at tanggap nya daw ako kung sino at ano ako dahil nga anak nya ako. Sobrang bait nya talaga sa akin kaya mahal na mahal ko si Mama.

"Oh te! Kamusta nga pala ang bakasyon mo?? May BF ka na ba te?" si Shiela. "Oo nga." sinegundahan pa ni Ellaine. Ito talagang mga 'to walang ibang inaabangan kundi yung lovelife ko e alam naman nilang hindi pa ako mahilig sa ganun. Though i have this long time crush, si Yves. Pero hindi ko pa din nagagawang magkaroon kasi nga mas priority ko pa ang pag-aaral at si Mama. Tsaka ang labo namang pansinin ako nun ang dami kayang nakapalibot sa kanila kaya naman hindi na ako umaasa. Campus-heartthrob kaya yun.

"Naku! Tigilan nyo na nga ako sa mga ganyan. Alam nyo naman sitwasyon ko di ba at kung bakit ako nagsisikap?" ako.

Alam nila ang buong istorya ng buhay ko, at ganun din naman ako. Alam ko din ang background ng bawat isa. Kumbaga hindi na kami iba sa isa't-isa. Kaya kami kami na lang din ang nagdaamayan at nagpapsaya sa isa't-isa kahit na silang tatlo ay may lovelife at ako ay wala, si Jim din kasi hindi nagpapahuli. Matagal na nga sila nung boyfriend nya eh.

"Oy! mga bakla! tumahimik na rin muna tayo kahit ngayong first subject lang sa adviser naten kasi nabalitaan kong terror daw sya, as in binabagsak nya yung mga estudyante pag ayaw nya dito." sabi ni Jim.

Maya-maya pa ay dumating na nga ang teacher namin, mukha nga syang masungit at kumakain ng tao(grabe yung descriptionko, right? pero ayun kasi nasesense ko sa kanya eh). Umupo kaagad sya at sinabihan kaming isa-isa kaming tatayo at ipapakilala ang saril namin sa klase.

Halos lahat na nakapagpakilala pati na rin sila Shiela,Ellaine, at Jim.

"Next, Miggy James Valencia" sabi ni ma'am terror. Hindi ako masaya tuwing binubuo ang pangngalan ko kasi dala ko ang apelido ni Papa. Kaya minsan ayokong tinatag ako sa apelido ko.

Mabilis lang akong nagpakilala kaya naman hindi ako gaanong kinabahan, pagkatapos nung kahuli-hulihan ay tumayo si Ma'am Fernandez para bigyan kami ng ilang reminders at maaga kaming dinismiss halos 20minutes pa bago ang susunod na klase. Kaya naman nagsimula na kaming magdaldalan ulit ng mga bestfriends ko.

At maghapon lang nagbigay ng reminders lahat ng teachers since it was our first day.

-----------------------------------------------------------------------------------

Sorry ngayon lang po ako nakapag-UD dito :D

Enjoy :D

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 27, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Found Love in a Hopeless Situation(boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon