Start

2.4K 40 16
                                    

Start

Maang akong nakatingin sa harapan ko, hindi makapaniwala na posible ang ganitong klaseng karangyaan sa mundong ito. Kahit gaano na ako katagal na nagtatrabaho sa alta sociedad, hindi ko pa rin magawang masanay.

"Mabuti na lang at medyo napaaga kayo kaysa sa oras na napagkasunduan..."

Awang-labi pa rin akong nakatingala sa puting mansyon sa harapan ko. May katandaan na ito pero engrande pa rin, mas lalo lamang gumanda kasabay ng pagtanda ng panahon. Sa bulwagan pa lang, engrande at malawak na. Makintab ang sahig at mataas ang ceiling, kung saan may pinta ng mga anghel. Nakabukas ang mala higanteng double doors na paniguradong gawa sa mamahaling kawayan, makintab din at may ukit ang katawan.

Kung ang distansiya pa lang mula sa tarangkahan at sa bulwagan ay malayo na, tiyak na malawak din ang loob... at paniguradong mas lalong nakakamangha.

"We intentionally came a little earlier. Linggo ngayon at magsisimba ang Donya."

Bakas ang mangha sa mukha ng Mayordoma. "Paano mo nalaman na maagang nagigising ang Donya tuwing Linggo at nagsisimba ito?"

Saglit na hindi nakasagot si Miss Marielle. Sa huli, napahalakhak ito.

"I've been working for her for a few years now. It's my first time coming here on a Sunday for an appointment with her, but I think she mentioned it to me once."

Tumango-tango ang mayordoma. "Ganoon ba? Biglaan din kasi ang dadaluhan niyang event sa Sabado kaya pinatawag ka ng ganitong araw. Sana hindi nakaabala-"

"Oh, no! It's always a pleasure to work with Donya Glorita," marahang sinabi ni Miss Marielle.

Mula sa pagmamasid sa kalakhan ng bulwagan, dumapo ang mga mata ko kay Miss Marielle at sa kanya naman ako namangha. Matangkad siya at balingkinitan ang katawan, kaya lahat ng klase ng damit ay bagay sa kanya, pwera pa na professional stylist siya. Supistikada at elegante ang mga kilos. Mabait pang boss kaya mas lalo siyang gumaan sa paningin ko.

Lumipat sa akin ang tingin ng matandang mayordoma. Napatingin din sa akin si Miss Marielle. Napatuwid ako sa pagkakatayo.

"Oh! By the way, this is Imara Historillo. She's my on-call assistant. Catlyn is on maternity leave so..." ngumiti si Miss Marielle sa akin.

"Magandang umaga, po..."

"Magandang umaga. Napakaganda mong babae. Aakalain kong nagsama ng modelo si Marielle para ipakita sa Donya ang mga disenyo."

Humalakhak si Miss Marielle. Nanlaki ang mga mata ko at pinigilan ang pagsilay ng ngiti sa labi. Sinulyapan ng mayordoma ang suot ko kaya napasulyap din ako roon.

Simpleng dress at doll shoes lang dahil iyon na ang pinakapormal kong damit. Ang iba kong mga damit ay kita na ang kaluluwa. Binili ko pa 'tong doll shoes dahil mas mahilig ako sa heels.

"Mabuti pa, pumasok na kayo. Aalis na ang Donya bandang alas otso. Matatapos naman kayo siguro ng ganoong oras, hindi ba?"

Iginiya na kami ng mayordoma patungo sa loob.

"Yes, yes. This will just be quick. I already know her taste for evening gowns so I prepared designs last night."

Nakasunod lang ako kay Miss Marielle. Taas noo siyang naglalakad papasok, at ang taginting ng heels niya ay rinig sa buong tanggapan.

Gumagala ang mga mata ko at hindi ko akalaing mas may ikakamangha pa pala ako. Hindi ako nagkamaling mas maganda nga rito sa loob, lalo na ang mga furniture at iba pang gamit na halatang mamahalin. Makikintab at maaayos pa rin kahit paniguradong may kalumaan na.

The Lies of a Kiss (Casa Fuego Series #7)Where stories live. Discover now