CHAPTER 59 - LOVE IS LIKE A CLOWN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nagsalita ang hindi slow? Ikaw ba, kailan mo ba narealize yan? Diba sabay lang tayong nakarealize niyan kaya slow ka rin."

"Imbis na magaway tayo dito, bakit hindi mo nalang pilitin pang umalis na si Cloud para maisabay ko na si Jesx." kung makautos naman to. Psh!

"Fine!" pagharap ko kina Jesx at Cloud ayun at pasakay na sa kotse.

"Ulap!" sigaw ko tapos bigla nang pinaandar ni Ulap ang kotse niya.

"Tss! This is all your fault!" sigaw ko kay Sky

"Ako pa talaga ha? Ewan ko sayo!" sabay lakad niya na papunta sa kotse niya

"Hoy! Sabay na ako sayo!"

"Ayoko!"

"Wala yung kotse namin. Dali na! Buksan mo na to!" sigaw ko sa kanya tsaka niya na binuksan ang pinto ng kotse. Akala ko di ako pagbubuksan eh. Malalagot naman siya sa akin pag hindi.

***

DARYLL'S POV

Paglabas ko, ang ganda ng eksena dito. Sinisigawan ni Cherry si Sky. Anyare sa dalawang yan? Dati kung makapaglambing si Cherry kay Sky, wagas! Ngayon kulang nalang pasabugin niya ang eardrums nito.

"Psh! Mas weird na talaga sila sa amin kaysa ngayon. Nakakainis! Ayaw ko pa namang nasasapawan ang kaweirduhan namin."

*Beep Beep*

Pagharap ko. Leche flan naman! (O__O)

"Nagustuhan mo ba?" tanong sa akin ng gwapong lalaking lumabas mula sa kotse

"Inuubos mo talaga pasyensya ko." mahinahon ko pang sabi sa kanya

"Bakit? Ginagawa ko lang naman ang lahat para mapasaakin ka." sabay ngiti pa nitong si Blue

"Sabihin mo nga sa akin ngayon kung sinong matinong tao ang magdadala ng limousine para lang sunduin ang isang babae at dalhin sa children's party?!" sigaw ko sa kanya

"Ako?" pagpapacute niya pang sagot sa akin

"Ang lakas talaga ng saltik mo!"

"Anung meron?" si Micah yan na kalalabas lang "Limo?!"

"Anung limo?" sabi naman ni Lhei na kalalabas lang din "Limo nga!" oh diba, kahit sila nagulantang eh.

"Pwede na rin kayong sumabay sa amin." sabi ni Blue sa kanila

"Sakto at mukhang wala namang magsusundo sa akin." sabi ni Micah

"Ako rin kaya gora na tayo sa bonggang limo ni Blue." sabi naman ni Lhei

"Tara na pretty?"

"Alam kong pretty ako! Wag mo ng ipangalandakan Blue!" tss! Wala na ba talaga siyang magawang matino. Pero Oo na, natutuwa naman ako sa effort. Isa pa, first time ko yatang sasakay sa limousine.

"Aliss, Mille, mauuna na kami!" sigaw ko para marinig ako ng dalawang yun tsaka na ako sumakay na rin

***

ALISS' POV

Narinig ko ang sigaw ni Daryll. Teka, wala akong kasabay!

"Wait! Sasabay din ako!" sigaw ko habang palabas ako pero huli na ang lahat at nakaalis na sila. Naka limousine pa naman din sila. Sayang! ( _ _)

"Nandito naman ako para sunduin ka." paglingon ko nandyan pala si Yvo at cool na cool na nakasandal sa kotse niya

"Nagpapasundo ba ako sayo?"

"Hindi, pero gusto lang naman kitang sunduin. Hindi ba pwede yun?"

"Tss. Sasabay ako sayo kasi wala akong kasabay. Napipilitan lang ako."

Stalking the Gangsters [1st Half]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon