"Ha? Ano..." Sasabihin ko ba na papahiramin ako ni Vanessa?

"Uhm, Kylie? Nagpadala na ako kay Manang ng sapatos. Hintayin na lang natin?"

Tumango ako at pumasok na siya sa CR.

[Wait, papahiramin ka ni Vanessa?]

"Oo."

[Hoy babae! Siguraduhin mo munang hindi sira 'yang ipapaheram niya sayo kundi, nako! Makakalbo ko siya.]

Napangiti ako. "'Wag ka magalala. Sisiguraduhin ko."

[Osige. Text kana lang pag papunta kana ha.]

"Yeah." Sagot ko at binaba na ang cellphone ko.

Kumain muna ako at nanood ng TV. Nagising pa nga si Daddy kaya pinakain ko na din siya. Nanonood kami ng TV ng may kumatok bigla.

Binuksan ko iyon at nakita ko 'yung Manang nila Vanessa.

"Ah, hello Maam Kylie. Nandito po 'yung sapatos niyo."

Tumango ako at pinapasok sila. Sakto naman na lumabas din si Vanessa.

"Hi Manang!" Bati ni Vanessa.

"Hello anak. O kumain kana ba?"

"Opo manang. Kayo po?"

Nagusap lang sila dun habang ako naman ay nagsapatos. Buti naman kasya. Tumayo ako at nagsuklay muli. Nagpulbo at nagpabango.

"Tara na?" Aya ni Vanessa.

Tumango ako. "Bye po. Pasok na po kami." Paalam ko kila Manang.

"Mag-ingat kayo." Paalala niya bago kami lumabas.

Tahimik kami habang naglalakad. Kahit papunta sa EU ay tahimik pa din kami.

"Punta na ko sa room ko. Sabay tayo ulit mamaya?" Tanong niya.

Umiling ako. "Kukuha pa ko ng damit."

Tumango na lang siya kaya naglakad na ko papunta sa room. Nag iba na siya ng way kaya nang makarating ako sa room ay pumasok agad ako.

"Kylie!" Tawag sakin nila Ara.

Ngumiti ako sakanila.

Umupo na ko sa pwesto ko at sunod sunod na tanong na ang iginawad nila saakin.

"So? Kamusta naman? Mabait ba sila sayo?" Tanong nila.

"Oo. Ibang iba si Vanessa. Hindi siya bitch. Tas si Mr. Santiago naman nags-sorry."

"Pinatawad mo naman?"

"Hindi. I mean, hindi ko pa siya pinagexplain dahil hirap na hirap siyang magsalita. And I found a secret."

Nilapit lalo nila mukha nila sakin.

"What secret?" Sabay sabay nilang tanong.

Tinulak ko isa isa mukha nila palayo sakin. Jusme! Halos halikan na nila ako e.

"Aray!" Reklamo nila ng tinulak ko sila sa noo nila.

"Lapit niyo masiyado e."

"Sorry naman. So ano nga?"

Huminga muna akong malalim bago ko sila tignan.

"Stage 3. Bone Cancer." Sabi ko at yumuko.

Hindi sila agad nakaimik. Laglag panga ang peg nila. Pero maya maya lang ay niyakap nila ako.

"We're sorry to hear that." Sabi nila.

"No guys. It's okay."

"Hindi ka ba nagaalala?" Tanong sakin ni Doms.

Campus QueenWhere stories live. Discover now